*MILES*
Ang weird niya. Napahinto ako nang tumunog ang speaker. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalapit siya at nilahad ang kamay niya. Luh!"wala akong dalang pera baby" nagulat naman siya at napahilamos ng palad sa mukha niya.
"let's dance" napataas ang kilay ko bago abutin ng kamay niya. Luh, nagalit ba siya? Nakalahad kasi kamay niya eh. Akala ko nanghihingi ng pera.
"i love you baby" bigla nalang lumakas ang kabog ng dibdib ko at wala sa sariling napangiti. Nasisiraan na yata siya. We dance slowly habang nakatitig sa isa't-isa.
"i love you too...pero ang weird mo, anong meron?" nagtataka ako sa kinikilos ng isang to.
"gusto ko lang sabihin na napaka swerte ko sa'yo. Hindi ko akalain na sa'yo din pala ang bagsak ko" ang weird niya. Hind ako sumagot at patuloy lang na nakatitig sa mga mata niya.
"i just wanted to say na. Napaka jologs mo, maingay ka, madumi ang bibig, basaguler-"
"stop!" tinakpan ko ang bibig niya habang tinititigan siya ng masama. Siraulo to ah. Dinala niya ba ako dito para asarin? Aba hinayupak. Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya bago ngumiti. Parang natutunaw ako sa ngiti niya.
"patapusin mo muna kasi ako" inirapan ko lang siya ng maramdaman ang yakap niya. Ang bango. Niyakap ko nalang din siya pabalik. Ramdam ko ang kakaibang pintig ng puso niya.
"can i ask baby? Gaano mo ako kamahal?" napahinto ako bago siya titigan sa mata. Nakangiti pa din siya. Ang weird talaga nitong gagong to.
"hindi ko alam" nawala ang ngiti niya at nagtataka akong tinitigan. May mali ba sa sagot ko?
"y-you don't know?" kita ko pang parang nalungkot siya. Parang tanga ang hinayupak.
"may sukatan ba ang pagmamahal?" napangiti nalang ako bago haplusin ang pisngi niya. Matiim lang kaming nakatitig sa isa't isa. Huminto na din kami sa pagsayaw.
"para sakin walang sukatan ang pagmamahal. Tinatanong mo kung gaano kita kamahal?" nakatitig pa din siya sakin ng seryoso. B-bakit parang kinakabahan ako.
"hindi ko alam kung gaano kita kamahal. Hindi ko sinusukat ang pagmamahal ko sa'yo. Ayokong sukatin dahil..." napahinto ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"dahil?" atat much?
"...dahil ayokong maubos ang nararamdamn kong pagmamahal sa'yo Nate...ayokong ilagay ang nararamdaman ko sa'yo sa isang lalagyan. Dahil kung may sukatan ang pagmamahal, hindi ko kayang makitang unti-unting nauubos yun hanggang sa mawalan ng laman. Kaya hindi ko alam kung gaano kita kamahal. Ayokong sukatin. Basta alam ko, mahal kita, simula noon, hanggang ngayon, hanggang bukas, sa susunod na araw, at susunod pang mga taon" naramdaman ko ang luhang tumulo sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng lungkot at saya. Ang alam ko lang, gusto kong sabihin ang dapat na marinig niya.
"baby?" he wipe my tears. Agad siyang ngumiti bago ako dampian ng halik sa noo. Napapikit nalang ako nang maramdaman ang milyong-milyong boltahe na nakapagpagising sa buong sistema ko. Ramdam ko ang halik ng pagmamahal niya.
"ikaw ba, gaano mo ako kamahal?" matiim niya akong tinitigan habang may matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Hinawakan niya ang kamay ko bago halikan.
"mahal kita hanggang sa dulo ng walang hanggan, hanggang sa dulo ng universe" huh? Hakdog, wahahahahah! Joke lang wahahaha!
"meron ba nun?" natawa naman siya sa tanong ko bago kami nagsimula ulit ng saya. Habang tinititigan ko siya. Hindi ko mapigilang isipin kung bakit ko nga ba siya minahal. Hindi ko alam, basta naramdaman ko nalang, mahal ko na siya, at ayoko na siyang mawala sa:kin.
"hindi ko din alam kung gaano kita kamahal. Ang alam ko lang, parang universe ang pagmamahal ko sa'yo...dahil hindi ko alam kung saan ang dulo nito, at hindi ko na aalamin dahil alam kong walang dulo yun, hindi mangyayare, wala talaga dulo at hindi magkakaroon ng dulo, walang katapusan!" naiinis niyang sambit, luh, bakit parang galit siya sa universe? Kasalanan ba ng universe na wala siyang dulo? Walang hangganan? Luh, siraulo siya.
-
*NATHAN*
Kainis! Dapat ako nagsasabi ng sweet words eh, bakit siya. Nathan, bakit kasi nagtanong ka pa. Bwisit ka!"ang weird mo baby, anong ba nangyayare sa'yo?" wala sa sariling napangiti ako bago huminto sa pagsayaw na ikinataka niya. Oh my goodness, kinakabahan talaga ako.
"Tell me. May cancer ka ba? May taning na ba ang buhay mo kaya ka nagsasabi ng kung ano-ano? Iiwan mo na ba ako? Are you dying?" Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Sinabayan pa ng mukha niyang hindi ko alam kung iiyak ba siya o ano.
Hindi ko na napigilan pa na matawa na ikinakunot ng noo niya.
"baby, hindi ko na kaya" kita kong napahinto siya at lalong nagtaka. Hay naku naman.
"a-anong hindi mo kaya?" Bakit parang iiyak siya? Hay naku baka akala niya mawawala ako? No way. Nilingon ko si Xander na nakatingin din sa'kin habang kayakap si Bailey. Sabay ba talaga dapat? Siraulo to ah.
"w-what are you doing?" lumuhod kasi ako sa kanya habang nakahawak sa kamay niya. Okay! This is it!
"ayoko ng patagalin pa baby" i took out the ring. Agad na tumulo ang luha niya habang nakatingin sa singsing.
"b-baby?" okay it-
"ibebenta mo ba sakin to o isasangla?"
Lintik! Siraulo kang jologs ka talaga! Pigilan niyo ako baka mabatukan ko siya kahit mahal ko.
-
A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.Thank you!
BINABASA MO ANG
After Story -Miles & Nate- (Completed)
Non-FictionMiles & Nate moments after 5 years