Special Moment 7

110 17 2
                                    

*MILES*
Nang maayos na ang usapan, agad na kaming nag-impake at umalis. Nakahilig ang ulo ko sa balikat niya habang nasa byahe kami. Nasa likod kaming dalawa habang si Justine ang nagda-drive at si Lerry sa isang upuan. Sa kabilang kotse si Jonas, Nikita at Alvin. Sa isang kotse si Xander at Bailey. Natulog muna ako kasi malayo pa ang biyahe eh.

'wake up baby, were here' napamulat ako bago kinusot ang mata. Lumabas kami ng kotse. Bumungad sa'min ang mala-sinaunang istruktura. Wow! As in wow!

"wooow! Astig!" sambit ni Justine habang nililibot ang tingin.

"historical place ba to?" tanong ni Jonas.

Ang ganda kasi. Sinauna ang style niya. Magmula sa bahay hanggang sa suot ng mga empleyado. Sinauna ang mga damit nila. Para akong bumalik sa nakaraan dahil sa kakaibang pakiramdam habang nakatitig sa nasa harapan ko. Ang ganda ng mga bahay. Spanish era ang style ng resort. Tapos parang sa italy lang yung style ng tulay then may bangka din na dumadaan sa ilalim ng tulay. May mga estatwa ng mga batang naglalaro ng sinaunang laro. Luksong tinik at kung ano ano pa.

"let's go" naunang naglakad si Lerry, sumunod nalang kami hanggang sa makapasok sa malaking bahay.

"ito po ang bahay niyo, enjoy" umalis yung babaeng nakasuot ng sinaunang damit. Dalagang pilipina ang peg.

"astig nito bro. Sinauna" hinawakan ko ang ballustre ng hagdan. May mga nakaukit na design. Magmula sa hawakan hanggang sa mga pinto ng kwarto. Mga pillar sa loob ng bahay. Jusko nakakamangha.

"tara tignan natin ang kwarto" isang malaking bahay siya na maraming kwarto. Sa'min lang tong buong bahay.

"wow!" sambit ko nalang ng makapasok kami sa kwarto namin. Nilapag ni Nate ang bag bago naupo sa kama.

"ang ganda" tama ka baby. Sobrang ganda. Spanish influencial ang buong lugar. Lahat ng gamit, style old fashion filipino. How beautiful, na-preserve nila ang sinaunang disenyo ng mga sinaunang pilipino.

Humiga ako sa malambot na kama. Amg sarap naman. Pumikit ako at dinamdam ang lambot ng higaan. Naramdaman ko ang paglubong ng kama sa tabi ko at marahang haplos niya sa pisngi ko.

"sleep if you're tired, don't worry i'll be here" ginawa kong unan ang braso niya bago yumakap sa kanya. Ang bango ng baby ko. Rinig ko pa ang mahinang tawa niya bago haplusin ang buhok ko.

"may multo kaya dito?" napamulat ako at mabilis na naupo. Napalunok ako ng maramdaman ang kaba sa dibdib ko. Pakshet! Bakit hindi ko naisip yun. Sinauna to mga chong, imposibleng walang naiwang kaluluwa dito. Nilibot ko ang tingin. What the fuck! Parang ayoko ng matulog.

"sleep here, pupuntahan ko lang sila" napalaki ang mata ko ng tumayo siya pero mabilis kong hinablot ang kamay niya at hinatak pabalik.

"what's wrong baby?" pinaningkitan ko lang siya ng mata habang siya, nakatitig lang sa'kin na parang inosente. Langhiya ka!

"sinasadya mo ba na takutin ako?" nilibot ko ulit ang tingin ng marinig ang mahinang tawa niya. Aba siraulo to ah.

"i'm just kidding baby" humiga na ako habang siya nakaupo lang at nakangisi sa'kin. Hinayupak na gago!

"puntahan ko lang sila" mabilis ko siyang hinatak pahiga sa ibabaw ko.

"t-tarantado ka ah! Huwag mo akong iwan" kinakabahan kong sambit habang mahigpit ang kapit sa polo niya. Bwisit! Kinikilabutan ako kahit na sobrang ganda ng paligid.

"wow baby, hanggang ngayon takot ka pa rin?" sinamaan ko lang siya ng tingin. Nahigit ko ang hininga ng lumapit ang mukha niya hanggang sa maabot ang tenga ko. Napapikit nalang ako at napakagat ng ibabang labi.

"sino yang nasa tabi mo?" pakshet!

"aaaahhhh!" mabilis akong umupo at niyakap siya. Ayoko na promise.

"u-uwi na tayo" kinakabahan talaga ako. Pakshet talaga.

"hahahaha! Shit! Look at your face, so hilarious!" nakakandong ako sa ibabaw niya. Tuwang-tuwa ang gago. Napalunok nalang ako at niyakap siya. Suminghot-singhot nalang ako. Maya-maya ay narinig ko nalang ang paghinto at buntong hininga niya.

Pakshet talaga!

-

*NATHAN*
This is so hilarious. Hanggang ngayon takot pa din siya. Nakayakap siya sa'kin ng mahigpit at ramdam ko ang bilis ng kabog ng dibdib niya. Napangiti nalang ako bago haplusin ang likod niya. Hay naku Nathan, napaka childish mo. Ang aga-aga tinatakot mo siya.

"N-Nate?" oh so cute. Natatakot siya. Hahaha!

"yes baby?" grabe kinikilig ako.

"hindi ka tatabi sa'kin mamayang gabi" napahinto ako at nawala ang ngiti sa labi. What?!

"b-but baby-" timayo siya at humarap sa'kin habang naka-pamewang. Lagot!

"dun ako kay Justine, bahala kang mag isa dito hinayupak ka!" Ano! Kay Justine? Aba ginagalit ako ah.

"hoy babae, sinong may sabi sayo na tatabi ka sa kanya? Ako fiancee mo hindi siya?" tinaasan lang niya ako ng kilay bago lumabas. Hinabol ko siya hanggang sa baba. Naabutan ko pa silang nandun sa sala na umiinom ng juice.

"Justine tabi tayong matulog mamaya" napabuga naman siya ng iniinom at mukhang nagulat din yung iba.

"w-what?" hindi makapaniwalang tanong ni Justine bago ako balingan ng tingin.

"baby naman eh, joke lang yun" hindi niya ako pinansin at umupo sa tabi ni justine. Hay naku naman.

"Justine babe, tabi tayo mamaya ah?" sinamaan ko lang sila ng tingin. Halata ang pagkalito at pagkabigla nila dahil sa palipat-lipat ang tingin nila sa'min dalawa.

"ah eh, M-Miles, hindi pwede eh, b-baka patayin ako ni Nathan" tama yan bro, hindi pwede, hindi kita papatayin, ililibing kita ng buhay kapag tumabi ka sa kanya.

"hayaan mo siya. Kasalanan niya naman" napahilamos nalang ako ng palad bago tinitigan siyang masama ang tingin sa'kin.

"ano ba kasing ginawa mo?" tanong ni Xander.

"oo nga, siraulo mo eh" jusko sinundan pa ni Alvin.

"joke lang naman eh, walang multo" pero masama lang ang tingin sa'kin. Para akong nawalan ng lakas at naupo sa tabi ni Xander.

'paano ba yan, mukhang mas successful ang plano kong proposal kaysa sa'yo' nakangising bulong ni Xander sa tabi ko.

Hay naku naman. Bakit ko ba kasi ginawa yun.

-

A/N:
Don't forget to vote, comment and of course, follow me at my account.

Thank you!

After Story -Miles & Nate- (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon