A Defective Prince Charming

190 14 5
                                    

Sign no. 1

Pag nakita ko siya, ang una kong mapapansin ay ang pink shirt niya. Dapat nasa mataong lugar kami, pero dahil naka-pink siya, sa kanya ako automatic na mapapalingon

Sign no. 2

May sasabihin siyang kakaiba. Hindi ko alam kung ano yun. Basta kailangan ma-capture niya ang attention ko.

Sign no. 3

Dapat kapag nakita ko siya sa malapitan, kulay black ang mata niya. Dapat ito yung one thing na forever makakacaptivate ng puso ko. 

Three signs na magiindicate sa 'kin na siya ang perfect guy na matagal ko nang hinihintay. Ito ang mga magpapatunay na siya yung destined para sa 'kin, ang aking one true love! \( >///< )/

Ang problema, gaano kaya ako katagal maghihintay para makita siya? Baka naman matanda na ako't uugod-ugod eh hindi pa rin siya dumarating. Hay.

"Mia, ano nanaman yang sinusulat mo?" tanong ng kuya ko. " Three signs? Napakahopeless romantic mo talaga. Tatanda kang dalaga kung maghihintay ka na lang habangbuhay sa mga signs na yan."

"Hay nako, kuya. Ang sabihin mo KJ ka lang. At bitter kasi kakabreak niyo lang ng girlfriend mo. BELAT."

Tinalikuran ko ang kuya kong ampalaya at naglakad papunta sa no.1 kong  tambayan, ang kwarto ko. Isa akong anti-social kind of person. Hindi ako masyadong lumalabas or gumagala simply because mas prefer ko ang maging mag-isa.

I spend most of my time sa wattpad para makapagbasa ng mga romance stories. As a result, ayan, naging hopeless romantic ako. I guess na naadik ako sa idea ng isang perfect prince na umaagos ang kagwapuhan, nabiyayaan ng isang gwapong fes at magandang mga asal.

Ito yung dahilan kung bakit ko ginawa yung three signs.

"Hoy, Mia. Sasama ka ba sa firework festival? Kung oo, magbihis ka na."

Yung fireworks festival ay celebration ng buong bayan ng new year. Nagpupunta lahat sa beach para panuoring yung fireworks display. Hindi ako masyadong mahilig dun pero dahil kakatapos ko lang sa story na binabasa ko at bored ako, mas mabuti na siguro na pumunta na lang rin.

Ayoko namang mamatay sa boredom.

After a while, nakarating na kami sa beach. Marami nang tao at halos hindi na kami makadaan. Sobrang exciting ba ng New Year? Anyway,  bumili lang ako ng sandamakmak na cotton candy at umupo sa isang tabi. Iniwan nanaman ako ni kuya. 

Ibang klaseng kapatid talaga yun. Napaka-caring. *notice the sarcasm.*

Di nagtagal, may kumalabit sa 'kin na gwapong lalaki, matangkad, nakapink shirt at may sobrang itim na mata.

"Miss na pulubi, pabili nga po ng cotton candy."

This is really it! Siya yung guy na nasa three signs ko! Naka pink siya, pinagkamalan niya kong pulubi na magtitinda ng cotton candy at meron siyang maiitim na mga mata. Eksaktong eksakto sa description ko oh!

Pero.. teka lang.

"Anong pulubi?! At hindi ako nagbebenta ng cotton candy! Mahiya ka, may dangal at pagkatao ako no!" sabi ko sabay hampas ng cotton candy sa kanya.

Thoughts (*^▽^*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon