Minsan hindi ko alam kung anong mali sakin,
Hindi ko alam kung baket ganun nalang ang trato nila sakin.
Napapaisip nalang ako bigla, 'bat kaya ganun?'
Ano bang ginawa ko? Tao lang din naman ako diba?
Minsan naiisip kong sumuko na, kaso sabi ko sa sarili ko 'ay kaya ko pa pala!'
Mahirap pag di ka tanggap. Mahirap pag nilalait ka, hinuhusgahan, inaakusahan.
Ano bang kasalanan ko? Ano bang mali sa pagkatao ko?
Mali bang maging BAKLA ako?
Andami ko nang napagdaanang hirap bago pa nila lubos akong matanggap.
Pareparehas lang naman tayo diba?
Pantay pantay tayong lahat sa mata ng diyos.
Lahat tayo nagkakamali.
Pero para sakin, ang pagiging BEKI ay hindi pagkakamali.
Sabi nga ni Lady Gaga 'I was born this way baby..'
Kaya eto na, tama na muna ang drama. Share ko muna sa inyo ang story ko. Gora?
--
Ako nga pala si Leeroy Socias Alberto. LEA sa gabi, HAHA.
14 years old na ko, Oha? Bata pa ko noh.
2nd year highschool sa Las Pinas North National Highschool.
Bet ko sanang i-ispluk ang kwento ng buhay ko. Wag ka magalala maikli lang to promise!
Okay eto na wag excited.