Bata palang ako alam ko nang hindi ako tunay na lalake. Ramdam ko na yun na may iba sakin. Nung bata daw ako habang dumedede daw ako kay mama, pag may commercial ng shampoo bigla nalang daw akong napapatingin sa TV. Hanggang sa paglaki ko naging kaugalian ko na to. Haharap ako sa salamin, magpapatong ng tuwalya sa ulo at susuklain ito. Yung tipong kahit sumasabit sa tuwalya pilit ko pa ring sinusuklay.
Sa tuwing nasa baba naman silang lahat, umaakyat ako sa kwarto at nagkukulong. Kukuhain ko lahat ng kumot na makikita ko. Tali dito tali doon at nakakabuo na ko ng isang magandang gown.
Pangarap ko dating maging fashion designer. Sa tuwing napasok ako ng school at naglelesson yung teacher namin , Akala nya nakikinig ako. Akala nya nagsusulat ako ng mga pinapasulat nya. Yun pala nagdedesign ako ng gown sa writing notebook namin. Pasaway diba? :DD
Lagi kong dino-drawing yung mga bonggang gown at mga sirena. Pag nanonood ako ng DYESEBEL, kailangan yung punda ng unan ay nakasuot sa paa ko. Tapos nakadapa ako sa sahig at ginegewang-gewang yung paa ko na parang lumalangoy.
Ako pa naman yung nag iisang lalake sa magkakapatid kaya sa tuwing nakikita ako ng tatay ko na ganun lagi nya akong pinapagalitan at pinapalo, lalo na pag nakainom ito. Ouch yun ah? Lagi nyang tinatanong "HOY IKAW! LALAKE KA BA O BAKLA?" . Sasagot ako ng malakas "LALAKENG LALAKE AKO!" kahit labag naman sa kalooban ko. Pag sinasabi ko nga to naka-irap ako eh. Buti nalang bulag yung isang mata ng tatay ko, at yung isa naman malabo na kaya hindi nya ko nakikita.
Nung grade six ako, unti unti na kong natatanggap ng mga magulang ko. Ansaya diba? Hanggang sa nagtanong ulit yung tatay ko for the last time "LALAKE KA BA O BAKLA?" Iniisip ko kung sasabihin ko ba yung totoo o hindi. Pero gusto ko na talagang ilabas to kaya sinabi ko na "OO NA! OO NA! TAMA KA! BAKLA AKO!" tapos tinawanan nya ko. Ay! Umaygad! Baliw ba tong ama ko? XD At sinabi nyang "WAG KA MAGALALA! TANGGAP NAMIN KAHIT ANO KA PA!" tapos niyakap ako ni pudakels. Yiii, natouch ako dun.
Dati nung elementary ako hindi ako sikat. Hindi ako pinapansin. Lagi akong binu-bully. Lagi akong inaasar na bakla ako. Na umamin na daw ako. Lagi akong sinasaktan. Hinihingian ng pera. Pag di binigyan sasaktan lalo. Wala akong kaibigan nung mga panahon na yun, kung meron man totoo nga bang kaibigan sila?
Nung nag highschool na ko nag iba lahat ng yun. Nadiscover ko yung talent ko sa pag sayaw. Tapos dumami yung mga kaibigan ko. Lagi na ko nag aayos. Nasisita pa nga ako ng mga teacher namin eh, ang kapal daw ng foundation ko. Kaloka diba? Hanggang sa naging tawag na sakin ng mga teacher ay "AURA" "BOY FOUNDATION" "MR POPULAR" "GANDA" at "PASAWAY".
Tapos may naging close akong babae. Si Rose . Lagi akong nasa kanila, dun ako nagtatanghalian minsan pa nga hanggang hapunan na eh. Sulit! HAHA. Ang time ko sa school ay 6:30am-12:25pm. Pero umuuwi na ko ng bahay mga 8:00pm dahil dun sa friend kong yun.
JULY 13, 2011 namatay yung tatay ko.
Nung una sabi sakin nila mama, pag inabot si papa ng alas sais na comatose, wala nang pagasa. Una nashock ako kasi bagong gising lang ako nun. Tumakbo ako palabas. Pumunta ako sa bahay nung isa ko pang kaibigan, si Mae. Umiiyak ako, kinuwento ko yung mga mangyayari. Tapos nag aliw kami, umabot na ng 3:00pm nagpunta kami sa basketball court. Kinausap ko yung mga kaibigan ko na pasayahin nila ako. Pagtapos nun umuwi na ko.
Pag uwi ko nakita ko si mama na umiiyak. Inaayos na yung bahay na parang may namatay. Tinanong ko sila "ANONG NANGYARI?" Nagtapat sila sakin. Bigla akong napaupo. Natulala. At biglang tumakbo. Pumunta ako kay rose. At dun ako naglabas ng sama ng loob. Dun ako umiyak. Ayoko kasing ipakita sa pamilya ko na mahina ako, na umiiyak ako.
Umuwi ako ng mga bandang 7:00pm at tumulong akong magayos ng bahay. Dalawang araw na akong absent sa school. Habang magisa lang akong nagbabantay kay daddy, napaisip ako na buti nalang naamin ko kay daddy na bakla ako bago pa sya mawala.
Hanggang sa nakalipas ang maraming buwan, nakamove on na kami. Nag second year highschool na ko. Pero nakakalungkot kasi nagtransfer na si rose ng school. 3 months lang sya nagstay dito sa Las Pinas. Nasa cavite na sya. Hindi ako pumasok nung first day namin kasi di ko pa alam kung anong section ko. Hanggang sa nalaman kong section B ako. Improving ha? Section C kasi ako last year. Pumasok ako kinabukasan. Syempre eto na, pasikat na si ako. Pabida. Hanggang sa naging leader na ko sa sunod sunod na subject , Vice president sa subject na TLE, at President sa buong classroom.
Syempre di mo maiiwasang maghanap ng pogi sa classroom, bakla nga diba? Malandi! HAHA. May nakita akong hindi naman sya sobra sobrang pogi pero half japanese sya. Hanggang sya na yung naging crush ko. Itago nalang natin sya sa pangalang "YESYESYAMA!" Hanggang sa tumagal na, nag second grading na. Sumikat na ko sa lahat ng section. Ang tawag na sakin sa ibang section ay "MAMU" kasi anak anakan ko sila kunwari.
Eto na nga, Intrams na. Cheerdance nanaman. Syempre ako kinuha ng teacher namin sa MAPEH para magturo. Syempre di ko naman masyadong kaya yun, di naman ako kagalingan kaya kumuha kami ng Choreo. Stretching dito, Tumbling doon. Sayaw dito, toe touch doon. Hurkie ng hurkie ng hurkie. Mag lift ng mag lift. Mag throw. Split dito at kung ano ano pa. Marami na kaming kasama sa galing sa ibang section . By year level kasi yung labanan . Ang rami naming mga kasamang pogi. HAHAHA. yun yung mas masayang part dun teh!
Eto na, ang pinakahihintay. Performance day na . Syempre make up make up, ayos ayos. Hanggang sa kami na yung sasayaw. DIZ IZ IT! Keribels naman yans. Announcement na! At alam mo ba? KAMI NANALO! AWYEEAAH! Ang laki ng naitulong sakin nitong pag cheerdance ko dahil napanood kami ng buong school. Kaya ayun sikat na sikat nanaman ako. Ang saya sowbra! Kapalit naman nito ay ang pagiging bagsak ko sa dalawang subject , Imbyerna! Kaka-absent kasi dahil sa practice sa cheerdance competition. Pero bumabawi naman ako . Ayoko naman ng bagsak ako.
Masayang masaya ako dahil feeling ko anlaki na ng achievement ko. Kahit sa simpleng mga nagawa ko. Eto lang naman ang gusto ko eh. Ang makilala, ang sumikat, ang may mapatunayan, at may maipagmalaki. Hindi man masyadong mataas ang narating ko, pero sa tingin ko karapat dapat akong makaranas ng saya at tagumpay. Dahil minsan sa buhay natin, kailangan nating magtiis, Magsumikap at maghirap para makamit natin ang gusto nating makamit. Hindi habang buhay maghihirap ka, basta may pangarap ka at pagsisikap. Hindi magiging handlang kung ano ka man, kung bakla ka man, tomboy, bulag, bingi, pilay o kung ano mang merong mali sayo. Ang importante ay kilala mo ang sarili mo at alam mo kung ano ang gusto mong gawin sa buhay. Kaya ang payo ko sa mga fifol out there, dont lose hope! :) Keribels natin yan, okay?
Osya, hanggang dito muna ang isheshare ko ha? Napagod na si akez dumakdak at magtype teh. Di naman pwedeng ishare yung pagkamatay ko dahil buhay pa ko. Next time nalang ha? Hintayin mong mamatay ako. HAHA! JOKE LANG YUN AH?
Maraming salamat sa oras na ginugol nyo para mabasa tong maikli kong story. Maikli nga ba? Basta yun na yun.
Gora muna ako friend, may pogi kasing dumaan. Sundan ko muna ha? Buhbye! :D muwahmuwah.
--
THE END.
Si leeroy po yung nasa picture.