Part 8 . . . Beast Mode

4 0 0
                                    


"Beast Mode"

Renz    POV

Day two, i parked ang Volks ko sa dating pwesto sa parking space. Wala ang kotse ni Doowey. Napaaga yata ako. Kasi naman i was not able to get her phone number kagabi sana ay natawagan ko siya kaninang umaga pagkagising ko. I miss her na. Tinignan ko ang aking relo at 6:30 am pa lang. Maaga nga ako.

Excited ako sa second day ng pagtuturo. Dumaan muna ako sa English Faculty Room. May ilang nauna na sa akin. Bumati ako sa kanila na sinuklian din naman nila.  Napansin ko ang isang bungkos na rosas sa ibabaw ng aking mesa. Nilapitan ko at kinuha ang card at binasa.

"Welcome to English Department Mr. Renz Mortiz" Bigay siguro ng aking mga kasamahan.

Umupo ako at binuklat ko ang dala kong Literature na libro para mag-review ng aking ituturo. 

"Good morning Mr. Renz!"

Napalingon ako sa likod at nakatayo ang bumati na hindi ko nakita nang pumasok ako.

"Good morning too Miss Weilly. Sorry hindi kita napansin kanina."

"I was down at may inaayos ako sa ilalim ng aking mesa. How was your first day kahapon?"

"Well okey naman."

"Here ilagay mo ang roses dito."

Iniaabot niya ang isang flower vase at kinuha ko naman.

"Thanks!"

Inaayos ko ang mga bulaklak  sa flower base kahit naaasiwa ako. Ako lang kasi ang may bulaklak sa ibabaw ng aking mesa. Kalalake ko pa namang tao.

Kinuha ko ang mga index cards. Binasa ang mga pangalan ng aking mga estudyante. Nakita ko ang index card ni Doowey. Napangiti ako.

"Kumusta na kaya siya?" Naisip ko.

Inilagay ko sa loob ng chalk box ang mga index cards, dinampot ko ang aking libro at tumayo.

"Mauuna na ako sayo Miss Weilly."

"Sige Mr. Renz."

Lumabas ako ng English Faculty Room at pumunta sa elevator. Iniisip ko pa rin si Doowey. Parang ako yata ang susuko sa sinabi kong walang intimacy sa loob ng klase. Kinabahan ako ng malapit na sa room. Kabang hindi tungkol sa pagtuturo kung hindi kabang kung ano ang aking gagawin  kapag nakita ko ang mahal ko.

"Hey Renz! Hindi ka naman dating ganyan sa babae!" Pumasok sa aking isipan. Pampalakas loob. Tinignan ko ang aking relo. 3 minutes before 7 am.

Huminga ako ng malalim then I opened the door. Himala! All are silent at behave sa pagkaka-upo nilang lahat.  Looked sa front row, ang tatlong  magkakabigan, nakatingin lahat sa akin. At nakita ko ang mga mata, ang pinanabikan kong napakagandng mukha na may ngiti sa mga labi.

"Good morning class?"

"Good morning Sir!" Hindi na sila tumayo at umupo naman ako. Inilabas ko ang mga index cards at magsisimula na sana ako ng attendance nang may lumapit sa akin na dalawang coeds. Namukhaan ko sila.

"Sir new students. Nagpatransfer kami here!" Sinabi ng nauuna.  Kinuha ko ang iniabot nilang index cards. Pareho silang nakangiti. Binasa ko ang kanilang mga pangalan.

"Stephani Hernandez at Beatriz Lardizabal" ang dalawang coeds na lumapit sa akin kahapon sa canteen. Napatingin ako kay Doowey. Hindi na siya nakangiti.

"Okey you may sit down." Sabi ko sa dalawa. Nagtawag na muna ako ng mga pangalan. Isa-isa silang sumasagot.

"Sherlyn Rhea MonteClaire!" Hindi ako tumingin sa kanya.

My Naughty Student Lover ( On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon