Part 9 . . . . Swimming Pool

8 0 0
                                    

"Swimming Pool"

Hindi alam ni Renz kung ano ang gagawin sa red rose na nasa ibabaw ng kanyang mesa. Halos lahat ng kanyang mga estudyante ay nakalabas na at iilan na lang ang mga natitira kasama sina Rhea at ang mga kaibigan ng dalaga. Iba ang tingin ng kanyang mahal sa rosas.

"April wait!" Tinawag niya ang isa na papalabas na rin ng classroom.

"Yes sir!"

"Take this rose with you. Sayo na!"

"Are you sure sir?" Tuwang-tuwa ang coed.

"Yes!"

"Thank you sir!" Kinuha ni April ang rosas at nakahinga siya ng maluwag saka pa lang tumayo sina Rhea at lumabas ng kwarto.

Siya na ang pinakahuling lumabas at dumiretso sa Faculty Room. Nagmadali siya. Gusto niyang habulin si Rhea. Pagkakuha niya sa kanyang backpack ay lumabas na siya at pumunta sa canteen.  Halos puno ang mga mesa. Hinanap niya ang dalaga sa mga kumakain. Wala.

"Where are you Doowey?" Bulong niya.

Pumunta siya sa paradahan ng mga sasakyan. Nakita niya ang Jaguar pero wala si Rhea. Iniisip niya kung saan niya makikita ang dalaga. Malaki ang campus ng unibersidad at baguhan  pa siya.

"Baka may iba pa siyang subjects. Dapat pala ay inalam ko ang kanyang class schedules."

Bumalik siya sa canteen. Umorder siya ng isang tuna sandwich at milk chocolate shake. Umupo siya sa isang bakanteng mesa na tanaw ang papasok na mga tao sa canteen. Inilabas niya ang isang libro at nagbasa habang kumakain.

Nangangalahati pa lang ang kanyang sandwich ng marinig ang usapan ng mga naka-upo sa kanyang katabing  mesa.

"Bilisan mo bro. Hindi natin aabutan si seksi."

"E gutom ako. Mamaya pa naman matatapos yun sa swimming."

"Si Doowey kaya ang pinag-uusapan nila?" Sumagi sa kanyang isipan. Hindi na niya tinapos ang kinakain. Itinago ang libro at tumayo na. Lumabas siya ng canteen. Pero hindi niya alam kung nasaan ang swimming pool. Nagtanong siya sa mga estudyante at may nakapagturo.

Sa likod ng Science building ay ang malaking gym. Nahahati sa dalawa ang gym. Ang isa ay para sa basketball court at ang ikalawa ay para sa swimming pool. Pumasok siya sa  swimming pool.

Malaki ang swimming pool. Pang olympic size ito na may habang  50 metros at 10 swimming lanes. Sa magkabila ng swimming pool ay ang mga audience sections na elevated ramps na parang hagdan. May mga rows na plastic na upuan sa mga rampa.

Maingay sa loob. Nag-eecho sa ibabaw ng tubig ang usapan at tawanan ng mga nanonood na halos karamihan ay mga lalakeng estudyante. Kasama na sa ingay ang galaw ng tubig gawa ng mga lumalangoy.

Nakita  niya na limang lalake at apat na babae ang nasa swimming pool. Freestyle ang kanilang paglangoy. Pumunta  siya sa mga upuan at umupo sa dulo.

Nakita niya sina Amy at Trixie sa kabilang mga upuan. Tinignan niya ang kanilang tinitignang lumalangoy na babae  na nasa 4th lane. Si Doowey niya.

Hindi mabilis ang paglangoy nl Rhea. Pabalik-balik siya sa bawat lap. Hindi na mabilang ni Renz kung nakaka-ilang laps na ang dalaga.  Sa tantiya niya ay nakakalabinglimang laps na.

Tumigil si Rhea pagdating sa kabilang dulo. Naglublob muna bago umahon. Lahat ng mga mata ng mga kalalakihan ay nakatuon sa kanya. Isang one piece na matingkad na kulay asul  ang suot na swimming suit. Hapit na hapit sa katawan. Litaw ang hubog ng kanyang katawan. May suot siyang head cap at goggles. Itinaas niya ang mga goggles at dinampot ang isang malaking bath towel na nakasabit sa wall ng gym at itinapis sa katawan. Pumunta kina Amy at umupo. May iniabot na bote si Trixie sa kanya na ininom ng dalaga ang laman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Naughty Student Lover ( On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon