✔ Can I Be Him? (BxB) by: diaboliquex

8.2K 66 33
                                        

Title: Can I Be Him?

Author: diaboliquex

Status: Completed

Description/Summary:

Hindi dahil gusto mo ang isang tao at gagawa ka ng paraan, magkakaroon na ng tsansa na magiging kayo. Hindi rin dahil pilit mong maging relevant sa buhay nila, ibig sabihin, magkakaroon ka nga ng importanteng role sa kanila.

Minsan, mananatili't mananatili kang nobody. At iyon ang naranasan ni Lyle kay Ridge.

Sinubukan niyang maging parte ng buhay nito. Minsan na ring nagbukas ng ilang pinto at nagbakasali na magkakaroon sila ng tsansa. Pero sa huli, sa iba pa ri nakatingin si Ridge, iba pa rin ang minahal nito -- at wala siyang palag at laban sa totoong minamahal ni Ridge.

Kaya heto siya ngayon, sa kalagitnaan ng kawalan. Nakatitig sa binatang minahal niya ng kay tagal, pinapanood itong maging masaya sa piling ng iba na kahit kailan, hindi magiging siya.

Bubulong sa hangin at magtatanong, "Pwede bang ako nalang?"

My thoughts about the story:

10/10

Lagi ko pong sinasabi na Lyle is my favorite character of diaboliquex stories, ewan ko ba siguro dahil naging hopeless romantic din ako. Hahaha... Pero minsan sarap na din n'yang sabunutan sa pagiging ganoon n'ya eh.

Basahin n'yo po nang manggigil din kayo sa pagiging dakilang umaasa ni Lyle at santong katorpehan naman ni Gian. Muntik ko na ngang ipabasa din sa kanilang dalawa to eh, nang marealize nila ng maaga na sila talaga ang itinadhana. 🤦

BL Recommended Wattpad Tagalog StoriesWhere stories live. Discover now