✔️ The Perfect One (BxB) by: zeric0207

2.1K 10 2
                                    

Title: The Perfect One (BxB)

Author: zeric0207 

Status: Completed

Description/Summary:

Maraming magagandang kwento ang hindi nagkakaroon ng pagkakataong maisulat sa libro o kung saan man upang paghugutan ng aral. Sa panahong lahat ay posible, may iilan pa ring tao ang hindi bukas ang kaisipan sa mga bagay na taliwas sa kanilang nakasayanan. Ang buhay ay makulay, mabango at matingkad. Hindi uunlad ang ating pagkatao kung hindi natin tatanggapin ng buong puso ang mga bago sa ating kasalukuyang kapaligiran. Sa kabilang banda ay hindi naman ito sapilitan, sapagkat maaaring hindi ito papasa sa ating panglasa o kagustuhan, dahil ang utak naman natin ay sadyang nagkakaiba. Ngunit ang pagrespeto sa iba ang siyang maging susi upang abot kamay nating masilip ang sa kabilang banda ng kwento. Hindi naman siguro masama na subukan nating bigyan ng puwang ang mga pagbabagong ito sa ating utak, kahit hindi na lang sa puso ay sapat na iyon para magkaroon ng pagkakaintindihan sa mundo.

Ito ay tungkol sa pinakamasarap na nararamraman ng bawat tao, ang PAG-IBIG. Pagmamahal na ating nakukuha sa mga kaibigan,   pagmamahal na ibinibigay ng ating mga magulang, at pagmamahal na handang mong ilaan para sa natatanging taong itinitibok ng iyong puso. Ngunit, sa bawat relasyon ay dumaraan rin naman sa pagkakataong hindi maganda o landas na malubak, at ito tiyak na susubok ngunit sadyang magpapatatag sa mga taong nagmamahalan. Sa kabila ng wagas na pag-iibigan ay nariyan ang mga sakripisyong hindi matatawaran, kaya hindi lang puso ang dapat mong ihanda, ngunit pati rin ang iyong isipan.

Ang istoryang ito ay pinangungunahan ng dalawang lalaking karakter na sina Paolo at Grey, parehong teenagers na nakahanap ng tunay na pag-ibig sa bawat isa. Ilalahad dito kung paano sila ay magkakagustuhan, sa kabila ng isang pagiging tuwid na lalaki ng isa sa kanila. Talaga nga bang maaaring mangyari na mabali ang iyong sekswalidad sa ngalan ng pag-ibig? Paano ito mangyayari? Iyon ang dapat nating abangan sa puno ng aral at inspirasyong hango sa totoong buhay na kwentong "The Perfect One".

My thoughts about the story:
9/10

Kakatapos ko lang pong basahin ng story na'to 2 days ago. At ang masasabi ko lang is sobrang ganda po ng story, it tackles the story of typical life of teenagers about their family, school life, friendship and of course their love life.

What I like most about the story is the strong love of Lead Characters for each other. Ang kay Paolo on how he hold on his love for Grey, kay Grey naman on how he sacrifices for his love to Paolo. Talagang sila ang patunay na love is no gender and is willing to wait. ♥️

'Di ko pa pala natanong si author kaninong life story ba 'to, baka sa kanya po. Naku! lalo po akong kikiligin. Hahahaha...

Basta basahin n'yo po at mainspire po kayo sa love story nila. 😍

BL Recommended Wattpad Tagalog StoriesWhere stories live. Discover now