Title:
Book 1: One Year Contract
Book 2: Ese Bastardo
Author: mapmaphod
Status:
Book 1: Completed
Book 2: Completed
Description/Summary:
Si Rene ay isang ulila matapos mamatay ang kanyang buong pamilya sa isang malagim na trahedya. Naulila siya sa murang edad, kaya kailangan niyang igapang ang kanyang pag-aaral. He need to work at day and went to school kapag gabi.
Dahil sa kanyang kagipitan tinanggap niya yong alok sa kanya, isang taong contrata bilang secretary ng isang sikat na company. Ngunit di niya inaasahan ang mala demonyong ugali ng kanyang boss. Alam niyang gwapo ito pero pagdating sa ugali, mas masahol pa sa hayop ito.
Dahil sa masamang ugali, naisipan niyang magquit bilang secretary ngunit nakasaad sa kanyang contrata na hindi maari dahil kapag ginawa niya yon kailangan niyang bayaran yong buong pinasahod at yong mga incentive na nakuha niya.
Ano kayang mangyari kay Rene ating alamin sa kanyang kwento. One year contract.
My thoughts about the story:
10/10
On Book 1:
What I love about this story is it's a complete package from family, friendship, dreams, love, tragedy & action. Punong-puno po ng pakikibaka at kalungkutan ang buhay ni Rene pero pakiramdam ko ang swerte n'ya kasi kahit nawalan s'ya ng pamilya meron s'yang mga kaibigan na masasandalan. I also love how the author wrote about their dreams and struggles. Galing ng pagkakalahad parang nanghihinayang tuloy akong di ko na pursue ang maging Engineer.
Kinikilig din po ako sa istorya nila ni Atty. Sean, feel na feel ko ang connection nilang dalawa.
'Yon lang, hindi ko lang inaasahan ang ending, ang galing magtwist ni Author.
On Book 2:
Book 2 po ito ng One Year Contract. Nagulat nga din ako kasi akala ko ending na ng pakikipagsapalaran ni Rene. But since isang twist nga nangyari, ayun party-party mga Mars! Hehehe... Basahin n'yo na po at alamin n'yo rin po ang sinasabi kong twist.
Yon lang sa twist na 'yon may masasaktan, pero sabi n'ya ok na po daw s'ya. Sana all mapagparaya. Bet ko ngang bigyan ng album ni Moira eh, kaso baka lalong mag-emote. 💔
YOU ARE READING
BL Recommended Wattpad Tagalog Stories
RomanceMy Personal Recommends for BoyLove Tagalog Stories. I put some of my thoughts about the story, even rated it based on what I feel when I'm reading them. If may 'di po kayo nagustuhan sa opinion ko, please feel to comment po or message me. H'wag n'y...
