-MIKEE-
I unzipped my suitcase for the third time to recheck my things. I just want to make sure that I haven’t missed anything. I don’t want to regret at the end just in case I forgot to bring something. Dala na rin siguro nang excitement na nararamdaman ko para sa outing namin mamaya. Yeah, we are the fresh graduates of batch 2021. And before we totally leave each other, we want to cherish the memories we could have in our remaining time. At isa pa, that might be the last time that I will be seing my ultimate crush “Adrian Soreano”, kaya hindi ko ‘yun puwedeng palampasin.
Though, alam kong wala akong pag-asa sa kaniya dahil may nililigawan na siya, but who knows? Malay mo, biglang magkaroon ng himala tapos tumigil na siya sa panliligaw kay Alex dahil umamin si Adrian na ako talaga ang gusto niya. CHAROT! Etsusera lang talaga ako.
Clothes check. Swimsuit check. Finger foods check. Wallet check. Halos lahat na nandito, hinihintay ko nalang talagang dumaan ang sasakyang gagamitin namin papuntang Stairway Falls. Oh? Sinong mag-aakalang Stairway Falls ang pupuntahan namin? Kaya niyo ‘yun? Pang mayaman ‘yun. Isa lang naman ‘yun sa pinakasikat na Falls dito sa Bicol. At ito ang first time kong makakarating do’n, kaya hindi ko ito puwedeng palampasin.
Beep Beep! Beep Beep!
Patakbo kong pinuntahan ang bintana ng kuwarto ko para silipin kung sila na ba ang bumusina. Nakita kong may humintong itim na Van, at lumabas mula sa driver seat nito ang isang lalaking mala-anghel na bumaba sa langit. He’s wearing an orange tango-shirt na may lining na black & white stripe sa gilid nito at black above the knee short na tinernuhan ng puting sapatos.
Tugtog! Tugtog! Tugtog!
Napahawak ako sa dibdib ko na para bang hinahabol ko ang bawat paghinga. Ewan ko ba, everytime he appears before my eyes, automatic akong nakakaramdam ng kung anu-ano. Ganon kalakas ang charisma niya sa’kin. I don’t know if I’m so obsess with him o talagang siya ang nakatadhana para sa’kin. Charot!
“Mikee!”
Napakurap-kurap ang mata ko nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko. Little did I know, si Alex pala ang tumawag sa’kin—ang best of my friends ko slash nililigawan ng ultimate crush ko na si Adrian—. Oh ‘di ba, ang haba ng hair ng bestfriend ko!
“Sasama ka pa ba o tutunganga ka lang d‘yan?”
Ganon na ba ako katagal nakatitig kay Adrian? O talagang ganon ako ka-excited kaya nawawala ako sa sarili ko?
“S-sorry!”
Nagmadali na akong bumalik kung saan nakalagay ang maleta at patakbong lumabas ng bahay. Nagpaalam na rin ako kina mama’t papa bago ko tuluyang isara ang pinto. I will be gone for a week, so they must know my whereabouts so they won’t look after me. And besides, I can’t go with this outing without their permission.
Pasimpleng bumaba si Wilmar ng Van at lumapit sa’kin para abutin ang maleta ko. Agad ko rin namang iniabot sa kaniya nang magkatagpo ang aming mga landas. May kabigatan din naman kasi ang maleta ko since good for a week ‘yung dala kong mga item.
“Thank you!”
I smiled at him bago kami tuluyang bumalik sa Van. Ngumiti rin siya sa’kin pabalik sabay sabi ng “Let’s go!”
He opens the door for me at inalalayan pa akong makapasok sa Van. How sweet of him! Pero kahit bigyan niya ako ng isang milyong peso at house n’ lot, hinding-hindi ako mahuhulog sa kaniya. Though, jowable naman din siya, but not my type! Si Adrian lang ang type ko. Kung hindi lang siya boyfriend ng bestfriend ko, baka matagal ko na siyang inagaw. Charot! At isa pa, hindi ako pumapatol sa kaklase ko, even if he becomes the most handsome among my boy classmates, I will never fall for him.
YOU ARE READING
Trip To Stairway Falls Gone Wrong
Mystery / ThrillerThis story is all about how an outing turns to a serial killing. It was month ago after the graduation of Batch 2021, when Mikee and her colleagues came into vacation. That was supposed to be so much fun, but it turns the other way around. Join us i...