-MIKEE-
JOHN shakes his head repeatedly as if he can’t believe that his name flashed on the screen. Isa-isa niyang tiningnan ang mga kasamahan namin bago niya ipako nang matagal ang pagkakatitig sa’kin. Now that we know that he’s the killer, there is a tendency na siya rin ang pumatay sa dalawa pa naming kasamahan. But what we don’t know until now was his reason for killing our dear friends. I don’t think he does it out of boredom, because that’s too silly.
“Seriously, paniniwalaan niyo ang trick ni Mikee? Binigyan niya ng kahulugan ang maaaring wala lang! Wilmar maybe unintentionally point out the direction of the toilet, but it doesn’t mean that he is pointing me out, does it?”
Natatawang reaksiyon ni John. As expected, he will deny it. Wala nga namang mamamatay tao ang basta-basta nalang isusuko ang sarili at aaminin ang kamaliang pinaggagagawa. Hanggat kaya nilang lusutan, they will make way to evade it.
“Then how will you explain the footage? Ikaw lang ang nakita kong kasama ni Wilmar na pumasok ng elevator. Nangangahulugan na ikaw ang pumatay sa kaniya”
Adrian finally breaks his silence, mabuti naman at tinulungan niya akong i-corner ‘tong si John na gumagawa pa ng paraan na lumusot.
“Did you see the whole footage? Have you seen me there stabbing him with a knife or something sharp? If you have, then I will allow you to consider me as the culprit. But if you have not, then fuck you two for accusing me!”
Dahil sa sinabi niya, nagdalawang isip ako kung tama ba ang ginawa naming pagbulgar sa kaniya. Baka dahil sa ginawa namin, maisipan pa niyang tumakas dahil may ideya na siya na pinaghihinalaan na namin siya. I look around his body to find something that can be used against him. And I succeeded from finding one.
“Masyado ka atang confident sa pag-deny ng accusation namin laban saiyo—”
Bago ko paman tuluyang masabi ang mga sasabihin ko, bigla siyang nagsalita.
“Of course I am, dahil malinis ang konsensya ko na wala akong pinapatay na tao!”
“Kasing linis ba ng konsensya mo ang wrist mo? Sa sobrang confident mo, nakalimutan mo atang maghugas ng kamay. It was a nice attempt, but try harder next time, John. Kung gusto mong lumusot ‘wag mo lang gagalingan sa pag-arte, galingan mo rin sa panunuot at paglilinis ng katawan. Ngayon, tatanungin ulit kita. Bakit mo pinatay si Wilmar?”
By that, dahan dahan siyang tumingin sa kaniyang wrist at itinago ito sa kaniyang likuran matapos niyang mapagtantong may bakas pa ng dugo rito. Ngayon niya sa‘min sabihin na hindi siya ang pumatay kay Wilmar.
“Kung susuko ka, malamang bababa ang sentensya mo. Pero gusto namin na bago mo gawin, sabihin mo sa’min kung bakit mo siya pinatay? Anong kasalanan niya sayo?”
I followed up. Naging tahimik lang kasi siya matapos kong ilahad ang huling baraha ko.
“Kung inaakala niyong susuko ako, nagkakamali kayo!” he said at bigla niyang siniko si Kian sa tiyan na nasa tabi niya dahilan para bumagsak ito sa kama
Agad rin niyang hinablot ang buhok ni Angel na babaeng pinakamalapit sa kaniya at ikinulong ito sa kaniyang mga bisig na nagmistulang hino-hostage. Napasigaw si Angel dahil sa ginawa ni John, at napasigaw na rin kami ni Elen dahil don. Hindi ko inaasahan na gagawin niya ‘yun. For all I thought, aaminin niya ang krimeng ginawa niya at magsisisi. Pero mukhang nagkamali ako nang akala.
YOU ARE READING
Trip To Stairway Falls Gone Wrong
Mystery / ThrillerThis story is all about how an outing turns to a serial killing. It was month ago after the graduation of Batch 2021, when Mikee and her colleagues came into vacation. That was supposed to be so much fun, but it turns the other way around. Join us i...