Chapter 1 - First Day

52 2 1
                                    

Chapter 1

“First Day”

          “Ako si Georgina Elizabeth Selaje, George o Eli for short. Yung iba kasi sa mga ka-klase ko tinatawag akong Eli pero kadalasan George talaga yung tawag sakin. Third year na ko this year at masaya ako kasi makikita ko na naman yung mga kaklase ko.

*Buzzer*

9:25 am na, late na ako! Nagmamadali akong pumasok sa gate ng school, terror kasi yung prof ko at gigil na gigil pa naman sakin yun. Hirap na hirap ako sa mga dala kong libro. Sa pagmamadali ko may biglang bumunggo sakin.

*Blaaaaag*

“Ay sorry miss”

Natulala nalang ako ng biglang bumungad ang mukha niya sakin. OMG si Miguel Benjamin Santos. 1st year palang kasi ako crush na crush ko na siya, player siya ng basketball at varsity ng school, magaling siyang kumanta at tumugtog ng piano at gitara.

“Miss? Uy?”

“Ay sorry sorry!”

Nag madali akong pulutin ang mga libro at tumakbo ng mapansin kong sumisigaw si Migs.

“Miss! Ingat ka nextime ha? Sorry ulit”

OMG, kinikilig talaga ako nung time na yon. Kung pwede nga lang hakutin ko lahat ng libro sa library at bungguin siya ng paulit ulit. Haha! Nakakaloka. Hindi naman masakit madapa, kasi sinalo niya naman ako. Haay George ang landi mo na naman.

Bigla kong narinig ang pangalan ko.

“Hoy! Georgina Elizabeth Selaje”

Lumingon ako at nagulat ng makita ko siya. Si Christopher Garcia, guy best bestfriend ko. Grade 1 palang kami magkasama na kami. NGSB nga yang lalaking yan eh, palibahasa kasi torpe. HAHA. Pero lab na lab ko yan. Halos lahat ng trip ko kaya niyang sakyan. Sobrang tahimik.

“Chitoooo! Imissyou man! Kumusta ka na?”

“Eto ayus lang, sobrang umitim nga ako eh”

Infairness kahit umitim siya, gwapo parin ang bestfriend ko.

“Ayos lang yan, cute ka parin naman eh” (kinindatan ko siya)

“Haaay! Ewan ko sayo Georgina, halika nga, huhug kita”

Hinug niya ako ng mahigpit at pakiramdam kong sobrang namiss niya ako. Haaay di parin nagbabago tong bestfriend ko, mabango parin. :)

“Oh yan ha! Nahug mo na ako. Ilibre mo naman ako”

“Eh diba may klase ka pa? At tska san mo dadalhin yang mga libro na yan?”

“Ah eto? Sa library to, yung klase ko? Di nalang muna ako papasok dun. Sasabunin lang ako ni Sir dun eh. Sige na libre mo na ko.”

“Hayy! Halika na nga!”

Hindi talaga ako matitiis ng bestfriend ko eh. Alam na this. Hahaha!

“George, Chito?”

“Oh Hi Cassey!”

Si Cassey De Guzman, kaklase namin siya last year sa dalawang subject. Irregular kasi siya. Naging malapit namain siyang kaibigan. Kikay, sobrang lagalag kaya ayun napapabayaan niya yung pag aaral. Masarap siyang kasama, kakwentuhan, kakiberan, katadyakan. :)

“San kayo pupunta? Pasama naman ako jaaan dudes”

“Ah sa Canteen, wala namang bago dun e. Halika na nga, baliw ka parin”

Habang naglalakad kami papunta sa Canteen, bigla kong nakita si Migs. Grabe ang gwapo gwapo niya parin kahit pawisan na siya sa pag papractice ng basketball.

“Cassey! Pinsan!”

“Oh Migs. Kumusta? Ah mga kaibigan ko nga pala, si George at Chito”

Huh? Si Cassey at Migs magpinsan? Bat ngayon ko lang nalaman to?

“Hi guys! George? George pala pangalan mo. Diba ikaw yung nabangga ko sa may corridor kaninang umaga? Sorry ha! Ako nga pala si Benjamin Miguel Santos, Migs for short.”

Nakangiti niyang inabot sakin yung kamay niya, emeged! Heaven, heaven na this. Pakiramdam ko namumula na ako sa sobrang kilig. *^_^*

“Hello Migs! Ako naman si Georgina Elizabeth Selaje, George for short.”

“Elizabeth. Ang ganda naman ng pangalan mo. Pwede bang Eli nalang itawag ko sayo.?”

Nang aasar ba tong mokong na to? So yung Elizabeth lang maganda sa pangalan ko? Bat ba kasi eto ang pinangalan sakin ng Nanay ko.

“Ahh sure. No problem.”

“Thanks! Ah guys una nako. Cassey, Eli at Chito. Bye.”

Nakangiting umalis si Migs palayo saamin. Ang gwapo gwapo nya, halos himatayin na ako kanina nung kinamayan niya ako. Ang bango bango niya. :)

Natulala na naman ako nung time na yun.

“Georgina”

“Ay sorry Chito, halika na order na tayo.”

Habang kumakain kami nila Chito, tinitigan ko siyang mabuti. Gwapo pala tong bestfriend ko, ngaun ko lang napagtanto. Hanggang sa natapos na kami at umuwi na ako. Di ko na kasi nakikita si Migs at tska haft day lang kami.

Sweet ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon