Chapter 4 - Night Party

34 1 0
                                    

Chapter 4

“Night Party”

*Toooogs-toooogs-toogs-tooooogs*

Grabe namang party to! Ang lakas ng sound system, haaaay! Sino bang nilalang ng mundo ang nakaisip nito?

Habang naglalakad ako, nakita ko si Jessica at Cassey. Grabe, ang sweet nila, magkaholding hands na magkayakap pa. Kelan kaya mangyayari sakin to. HAHAHA! Syempre dapat si Migs ang Prinsipe ko. Hahaha. Landi ko na naman e!

“Georgina!”

“Pusang kinalbo!”

Nagulat na  naman ako, asar naman kasi tong si Chito e. HAHAHA.

“Bestfriend! O bakit?”

“Bakit? Bakit ka jan? Kanina pa kitang hinahanap. Halika sayaw tayo.”

“Ihh! Bestfriend naman, di ko naman kasi trip mag-sayaw e.”

“Anong di trip? Ayaw mo lang aminin na parehas kaliwa yang paa mo e, halika na.”

“Tara na nga. Tsk Chito talaga ih!”

Habang nagsasayaw kami, mejo naeenjoy ko na. Eto pala ang purpose ng pagka lakas lakas na sound system. Hala sige, sayaw pa George. Habang sumasayaw kami ni Chito, nakita ko si Migs nakatingin sakin.

“Umm Chito, should we stop dancing?”

“Ano ba yan Georgina? Nag-eenjoy na ako e.”

Napatitig lang ako kay Migs, grabe ngumingiti siya saakin. Ayyyyy! :D
Napatigil ako sa pagsasayaw hanggang sa hinigit na ako ni Chito papunta sa upuan.

“Si Migs na naman ba?”

“Ano bang problema mo kay Migs? Ha Chito? Hindi mo ba ko kayang sakyan nalang? Alam mo namang crush ko si Migs diba?”

“Bahala ka na jan, hintayin mo nalang na lapitan ka ng MIGS mo!”

Haaaay! Nagsuplado na naman tong bestfriend ko. Hayaan mo na nga George, masasanay ka din jan.

“Eli, bakit ka tumigil sa pag-sasayaw?”

OMG! Si Migs ba to? Pagkalingon ko, grabe si Migs nga. Kinikilig na naman ako. Ang sarap talaga sa feeling kapag nasa tabi ko siya.

“Umm kasi Migs, actually I don’t really know how to dance. Hinila lang kasi ako ng bestfriend ko kanina.”

“Edi ayos pala.” :)

“Anong ayos dun? Nang-aasar ka na naman e.”

“No no! Eli that’s not what I mean. Should I teach you?”

“Haaaaaah! Nagulat naman ako dun? Ako Migs? Tuturuan mo?”

“OO naman! Halika na.”

Pumunta kami ni Migs sa ground, grabe kapit kapit na yung kamay ko. Ito na ba yung holding hands na kanina e pinapangarap ko palang? HAHAHA!

“O yan, ilagay mo yung kamay mo sa shoulder ko.”

“Ganto ba?”                   

“Oo ganyan nga Elizabeth.”

*Sweet love song playing*

“Bakit nagbago yung kanta Migs?”

“Hindi ko rin alam e. But let me teach you how to dance.”

Kinapitan niya hips ko, grabe naiilang ako hahaha! Nakakaramdam na naman ako ng Meralco Power, kinikilig na naman ako. :)

“Ayan, magaling ka naman palang sumayaw e.”

“Nambobola ka lang e.”

“Bakit kaba tumitingin sa mga paa mo Eli?”

“Ahh ehh baka kasi matapakan kitaaaaaaaaaaa! (shocked)

Ayan na nga bang sinasabi ko, natapakan ko si Migs at natumba ako, pero nagulat nalang ako ng saluhin ako ni Migs, nakatitig ako sa mga mata niya, grabe kumikislap, namumula na yata ako sa sobrang kilig.

Bigla kong napansin na palapit ng palapit ang muka ni Migs saakin, hahalikan niya ba ako? Napapikit nalang ako bigla kasi baka, ayan na… ayan na…

*Music stops*

“I’m sorry Elizabeth.”

“Ah no it’s okay Migs. Ako pa nga dapat magsorry sayo kasi natapakan kita.”

“Ah sige Eli, una na muna ako ha?”

“Sige Migs, thanks!”

Umalis na si Migs, panira naman kasi yung operator ng music e. Bat biglang tumigil? Edi sana yun na un mmmmm. :D

Grabe kinikilig parin ako hanggang ngayon! Hayyyy Benjamin Miguel, mahal na ba kita? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweet ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon