Chapter 2
“Getting to Know”
Haaay umaga na naman. Madami dami na naman ang gagawin. Naligo na ako, kumain at pumasok na. Feeling inaantok pa ako habang naglalakad ako sa corridor at bigla nalang nawala antok ko ng biglang lumabas sa MIAD si Migs.
“Eli! Wait Elizabeth.”
“Oh Migs? Bakit?”
Napaka pakipot ko. Hahaha kunware walang reaction pero deep inside kinikilig na pala.
“May free time ka ba mamaya?”
Huh? Anong balak nito ni Migs? Parang kagulat gulat lang na tinanong niya ako ng ganong bagay.
“Ako? Tatlo kasi ang klase ko ngayon sunod sunod, pero 2pm dismiss ko. Teka bakit ba Migs? Anong meron?”
“Ah kasi ano Eli. Pwede ba kitang yayain kumain mamaya sa labas?”
Emeged emeged! Oh my Godddd! Anong isasagot ko? Kinakabahan ako.
“Para san?”
“Eh kasi, gusto kitang mas makilala pa. Ano pwede ka ba?”
Nakangiti pa tong mokong na to ah. Akala mo kinikilig ako? Aba syempre oo. Ang gwapo mo kaya. Sino ba namang babae ang tatanggi sayo? ;P
“Ah sige ba. No problem. :)”
“Yes! Kita tayo here sa corridor ha? 2pm Eli. Ingat!”
“Sige ingat Migs.”
OMG totoo ba to? Niyaya ako ni Migs kumain sa labas. Ahhhhhhhhhhhhh! I can’t believe that this all could be happen. Dati hanggang tingin lang ako pero ngayon nakakausap ko na siya. Ang saya ko na talaga. Keri lang ang hair.
Natapos ko na lahat ng klase ko pati narin yung mga bagay na dapat kong gawin. Sobrang ineeet, napatingin ako sa relo ko.
*2:13pm*
Ah? 2:13 pm na pala. Teka? 2:13. 2:00pm? Oh heck si Migs! Lagot ako neto!
Naalala ko lalabas nga pala kami ni Migs ngayon. Haay George kasi, di ka nagiisip. Pagdating ko sa corridor nakita ko si Migs nakaupo sa harapan ng MIAD.
“Migs! Sorry. Late ako almost 15 minutes.”
“No It’s okay Eli. Tara na?” :)
Ngiti pa more Benjamin Miguel Santos. Tunaw na ako ha. Isa pa. Hahaha!
“Ah sige tara na Migs.”
Paglabas namin ng gate3, isang sasakyan ang tumambad sa harapan ko. Limousine? Joke to?
“Migs? Kaninong sasakyan to?”
“Amm let’s just find out Eli. :)”
Isang lalaking naka uniform ang lumabas mula sa sasakyan para buksan ang pinto.
“GoodAfternoon Sir Miguel, pasok na po kayo.”