Chapter 3
“The Game”
Wooooohhh! Go Santos! Go Santos! Sigawan sa loob ng Gym. May laro kasi sila Migs ngayon kaya nanuod muna kami. Kasama ko ang bestfriend ko at napansin kong hindi ito gumagalaw sa kanyang kinauupuan.
“Uy. Chitoooooo? Ayos ka lang?”
“Um. Oo. Ayos lang ako.”
Aba! Suplado naman neto. Kutusan ko to e. Pasalamat ka bestfriend kita.
“Hi George!”
“Oh Hi Jessica! :)”
Si Jessica, bisexual na player ng basketball girls. Ngayon lang namin siya nakilala dahil kay Cassey. Mag-girlfriend kasi silang dalawa.
“Nasan si Cassey?”
“Ah hindi ko siya kasama e. May gagawin daw siya.”
“Ah. Halika. Upo. Manuod tayo.”
Tumayo si Chito at nagsalita.
“Amboring naman ng laro. Aalis nalang ako.”“Amboring? Eh ang ganda ganda nga e? Tignan mo si Migs nagla…”
Hindi ako pinatapos ni Chito sa pagsasalita.
“Migs nalang lagi! Puro Migs na lang! Haaaay! Aalis na ako.”
“Teka Chito san ka pupunta? Chitooo.”
Hinabol ko si Chito papalabas ng gym.
“Chito! Ano bang nangyayari sayo! Manunuod lang naman tayo e! Diba?”
“Ewan ko Georgina! Ewan ko kung bakit sa lahat ng trip mo. Dito lang sa trip na to hindi kita masakyan. Nasa canteen lang ako. Puntahan mo nalang ako pag tapos na kayo sa Santos mo.”
Haaay ewan ko ba kay Chito. Minsan talaga di ko naiintidihan ugali nito e. Bumalik na lang ako sa loob ng gym. At pagkabalik ko, putek badtrip. Tapos na ang game tapos talo pa sila Migs. Teka anong nangyari kay Migs? Ngayon lang sila natalo sa game ah?”
*Lunch Break*
“Nakita ko si Chito, kumakain siya. Aba kanina pa to dito ah? Andami ng nakain nito.
“Uy Chito?”“Ano? Tapos ka na sa Migs mo?”
“May galit ka ba kay Migs?”
Hindi na nagsalita si Chito at ipinagpatuloy niya lang ang pagkain niya. Nanatiling nakatayo lang ako sa harapan niya at pagkatapos niyang kumain ay tumayo siya at umalis.
“Palibahasa kasi napaka manhid.”
Nagulat ako sa sinabi ni Chito. Ano? Manhid? Ano kayang ibig sabihin ng sinabi niya. Sa halip na isipin ko pa yun. Umalis nalang ako. Pumunta ako sa favorite place ko. Sa Amanda’s Garden.
“Haaay! Uhmmmmm! Walang makakapantay sa sarap ng hangin sa lugar na to.”
“Georgina.”
“Oh? Chito? Akala ko ba galit ka sakin?”
“Hindi. Naiinis lang kasi ako.”
“Bakit naman?”
“Eh kasi parang nakakalimutan mo na ako. Simula ng magkakilala kayo ng “MIGS MO” Nakakalimutan mo na bestfriend mo.”
“Awtsu! Christopher! Nagseselos. Ano ka ba Chito? Ikaw parin ang bestfriend ko. Lab na lab kaya kita.”
Hinug ko ng mahigpit si Chito. Kita ko sa mukha niya na malungkot parin siya.
“Haaay higa na lang tayo Georgina.”
“Uhmmmm Sige.”