Chapter III

35 0 0
                                    



Naramdaman na lamang ni Amor na nilapag siya sa upuan, sa upuan ng kotse. "House," Philip,with Amor beside him,commanded to his driver.

"Amor," narinig niya si Philip at naramdaman na lang niya ang jacket na isinuot na kanya ni Philip.

"Nilalamig ka."

"I'm sorry for doing this," sambit niya at muling may naramdaman si Amor. Isang halik sa noo.

"Dapat kasi nakinig ako sa pinagsasasabi ng lalaking 'to kanina," inis na sabi ni Amor sa sarili niya.

Makalipas ang ilang minuto,naramdaman ng kamay niya. Tinanggal na rin and takip niya sa mata. Ang una nyang nakita? Ang nakangiting mukha ni Philip. "I don't think you need them anymore," nginitian niya si Amor na may pagmamalasakit. "Ayokong nasasaktan ka," hinimas niya ang namumulang palapulsuhan ni Amor.

"Magpahinga ka muna,medyo malayo pa ang bahay," sabi ni Philip at pinatong ang ulo ni Amor sa balikat niya. Niyakap niya pa ito para hindi lamigin.

Nang maramdaman ni Philip na nakatulog na sa balikat niya si Amor, hinawi niya ang buhok na nakasagabal sa mukha nito. "Sana ganto lagi," hiling niya at bumuntong hininga dahil wala itong kasiguraduan.

Makalipas ang isang oras ,dumating na sila sa bahay ni Philip. Ginising niya si Amor at nginitian ito,"Andito na tayo." Kita ni Amor ang malaking ngiti sa mukha ni Philip,pero iba ang mga ngiting ito... Sa mga ngiti niya kanina.

Ang mga ngiting ibinibigay nya ngayon ay kalakip ng mga matang malulungkot. "Anong nangyare?" Tanong nya sa sarili nang pumasok sila sa bahay ni Philip.

Habang papasok kami sa pintuan ng kaniyang bahay ay natalapid si Amor. Hindi niya alam kung bakit at bigla na lang siya binuhat ni Philip. "Baka di pa kaya ng paa mo kaya ako na lang muna ang magsisilbing paa mo." Binuhat niya si Amor hanggang sa kwarto kung saan siya pinaupo.

"Ano kailangan mo?" Tanong niya.

"Wala.. gusto ko lang muna umupo... at pagmasdan ka." Pahinang sinabi ni Amor ang huling mga salita

"I heard that." He then smirked na nagpapula naman ng mga pisngi ni Amor dahil nakita niya ang matamis na ngiti at malachinitong mga mata ng lalaking nasa harap niya

"This will be your room, get comfortable," sabi niya. "Nasa kabila lang ang kwarto ko,call me if you need anything."

"Bakit ang bait niya sa akin? Hindi naman ganito ang nangingidnap. Pero ang gwapo niya ha... ay!! Ano ka ba Amor. Hindi ka naiinlove." Sabi ni Amor sa sariling nang mapagisa siya.

My Beloved KidnapperWhere stories live. Discover now