chapter 1: Princesa Amille

135 2 0
                                    

Amille pov

Kasama ko ang aking bantay na si Tanya isang diwata ng paru paro. Siya parati ang aking kasa kasama dito sa aking halamanan . Bulaklak ang aking kapangyarihan. Isa akong Princessa dito aming kaharian ang aking ama ay si Amertos at ang aking ina na matagal ng yumaon na si Lila.

'' Princessa tayo'y bumalik na sa loob baka hinahanap ka na ng hari.''sabi ni Tanya.

''susunood na ako Tanya gusto ko munang pagmasdan ang aking mga bulaklak''pasasabi ko.Tumalikod naman ito.

''Masaya si Ina kung ito'y nakikita niya mababango at malalago na bulaklak sa kanyang hardin.''ngumiti nlng ako saka napagdisisyunan umalis at pumasok.

Nakasalubong ko si ama na para siyang balisa.

''ama ano ang iyong gumugulo sa iyong isipan? para kang balisa sa iyong mukha'' tanong ko.Lumapit siya sa akin at hinila papunta sa taas ng kanyang silid.

''ama ano ba nangyayari sayo?" pag uulit ko.

''anak siguro ito na ang oras para ipasa ko sayo ang mga bato. Nararamdaman ko na ako'y di na magtatagal''sabi ni ama. Nagulat ako sa kanyang sinabi.

''ama ano bang pinagsasabi niyo...''sabi ko.

''wala ng panahon anak isasalin ko na sayo ang 5 bato ngayon . Kilala mo ako anak ang kutob ko'y minsan ngkakatotoo.''saad ni ama.

Inilabas na nya sa kanyang katawan ang 5 bato gamit ang kanyang kamay. Limang bato maliliit ang lumabas. Saka niya itinapat sa aking dibdib ang mga ito. Isang malakas na enerhiya ang humahatak sa akin para tanggapin ang mga bato. Di nagtagal ay wala na sa mga kamay ni ama ang mga bato. Bigla naman nabuwal si ama sa kanyang kinatatayuan. Bigla ko siyang sinalo at tinawag si Tanya.

'' Tanya tumawag ka ng gruwardo para buhatin si ama at tawagin mo si Anakus para tignan si Amamagmadali ka.''utos ko sa kanya. Agad nman itong naging paru paru at lumipad agad.

''ama gumising ka wag mo akong iwan hindi ko kaya'' sa mga salitang lumalabas sa aking mata ay syang paglanta ng mga bulaklak sa paligid ng kaharian.

''anak tandaan mo, kahit anong mangyari wag na wag mong iaalis ang mga bato sa iyong katawan wag mong ibigay kanino man ang mga ito...mangako ka Amille''sabi ni ama. Nahihirapan na itong magsalita.

''opo ama ''sabi ko. Dumating ang mga gruwardo at binuhat si Ama.

Sumunod naman ako. Dumating na rin ang nanggagamot na diwata.Nanghintay ako nga ilang oras.

''anakus kamusta ang aking ama?" tanong ko.Sa kanyang mukha napansin ko ang kalungkutan.

''patawad mahal na Princessa ang mahal na hari ay wala ng buhay.''sagot niya.

''hindi! hindi ito maari buhayin mo si Ama..''utos ko sa kanya.Pero wala parin.

Nagulat ang lahat ng mga diwata sa kaharian. Hindi nila inaasahana ng pagkamatay ni ama. Nang mailibing si ama ay nagpulong pulong lahat ng kaantasan ng kaharian.

''kung ganunsi Princessa Amille ang papalit bilang Reyna sa ating kaharian.''sabi ni Serpen ang ikalawang kaantas sa kaharian.

''isang kahangalan ang iyong disisyon Serpen isang bata ang iyong isasalang bilang Reyna dito sa kaharian.?" sabi ni Andok

''pero siya lang ang nag iisang anak ni Haring Amertos nakasalalay sa libro ng kaharian na kahit anong edad ang anak ng Hari o Reyna ng kaharian ay kailangan ipasa parin ito.''saad naman ni Serpen.

Tamahome at ang dyosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon