chapter 12: date?

20 1 0
                                    

Tamahome pov

" So may triple date ang mga anak ko kung ganun." saad ni mommy habang kumakain kami.

" si Meh ang nagsuggest yan mom.."

" ay naku girls., ako ang maghahanap ng isusuot niyo mamayang gabi."

" dapat kasi sila lang apat bakit kasi kasali pa ako." pagmamaktol ni Kagome.

" hindi kasi sasama ang dalawa kapag hindi ka sasama. Tsaka masyado kang maarte eh si Kiro lang naman yun. "

" yun na nga eh, siya pa ang partner ko.. "

" pero may pagtingin ata siya sayo Kagome. Nakikita ko sa kanyang mga mata."

" buti nga may nagkakagusto pa sayo kahit psycho ka. " sabat ko naman.

Yung mukha niya akala mo babanatan niya ako.

" baby naman, try mo lang makipag date tsaka kasama mo naman kuya mo. "

Tinignan ko si Amille, pero bakit parang ayaw niya akong tignan. Galit ba siya?

" Tapos na ako, Meh 6pm dapat ready na kayo kasi iisang kotse tayo nila Kiro" tumingin ako ulit sa kanya pero ganun pa din parang wala lang.

" okey... Teka kuya, are you sure na okey lang sayo na kasama si Alvin.?"

Tumango lang ako. Hindi ko alam bakit pumayag ako sa date date na yan.

Tinawagan ko si Kiro para tanungin saan ang location ng date.

" saan natin ipapasyal yung tatlo?"

" hindi ko alam, ikaw itong babaero saatin bakit saakin ka nagtatanong?"

" alam mong sa kama lang ending namin hindi ko ipinapasyal mga yun.. Mag isip ka na dahil 6pm aalis na tayo"

" ano ba naman yan si Alvin tanungin mo"

" ikaw na mag isip pa bida na naman yun pag siya tatanungin"

" ok... Ako nalang bahala sa location."

Binaba ko agad ang phone at nagkalkal ng isusuot. Dapat mas gwapo ako sa kanya.

" ano ba dapat ng isusuot ko?"

Halos mailabas ko na lahat ng mga damit ko pero wala akong makitang magandang isuot.

Bwisit naman kasing date yan!


Amille pov

Iniiwasan kong tignan si Tamahome dahil sa pagsisinungaling niya kahapon. Hindi naman ako may sakit para nag eembento ng ganap na halikan namin.

" Kagome napapaisip ako sa date na pupuntahan natin" andito kami ngayon sa aking silid kung saan naghahanap si tita Agatha ng isusuot.

" Natutuwa ka sa mangyayari Amille. Alam mo ba may gusto sayo ang isang lalaki, ipapasyal ka niya sa magagandang lugar."

Nagpapalit na ito. Ang ganda ni Kagime sa napili ni tita Agatha na damit para sa kanya.

"heto na Amille ang napili ko para sayo."

Isang napaka gandang damit na kulay pula. Pinasuot nila sa akin.

"OMG! Ang ganda mo Amille"

" nakapa ganda sa katawan naman ang kasuotan na ito Tita."

"syempre kelangan pula din ang sapatos mo." sabi ni Kagome na dala dala ang isang pares ng sapin sa paa.

Tamahome at ang dyosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon