chapter 2: Pagsugod sa kaharian

73 2 0
                                    

Tanya pov.

Ako si Tanya ang taga bantay ni Princessa Amille. Papunta na sana ako sa silid ni Adaryo upang ipaalam sa kanya ang kaganapan mamayang gabi ng may narinig akong kausap nito.

''anong kapalit ang pag anib ko sa inyo?" boses ni Adaryo.Nagpalit agad ako bilang paru paru para makapasok sa loob ng di namamalayan.

''ang buhay ng iyong unie nasa kanya ang 5 bato na siyang kailangan ko.''saad nito. Nagulat ako.Si Alvira ang kanyang kausap.Isa itong drakonyo...isang kaaway ng kaharian.

''nag aalinlangan ka ba sa iyong unie? ayaw mo ba na sayo mapunta ang trono kapag nawala siya. Ikaw ang makapangyarihan sa buong Ragamoon'' sambit niya.Tinignan ko si Q
Adaryo.Mukhang ng iisip siya kung ano ang kanyang sasabhin.

''Mamayang gabi bago ipasa sa kanya ang korona susugod kami dito upang makuha ang kailangan ko.Hindi pwedeng magtagal ang mga bato sa kanya.''saka ito naglaho bigla.Lumipad agad ako sa aking silid.Bumalik ako sa dati kong anyo.

''hindi ito maari kailangan kong gumawa ng paraan para mailigtas si Princessa Amille''Kumuha ako ng isang libro kung saan may mga lugar na malayo sa kaharian. Itatakas ko sya at ilalayo dito.

Nakahanap na ako ng lugar.Marami mang kakaiba sa lugar na iyon ang mas maganda ay mailayo ko siya sa kamatayan.








Amile pov.

Pagabi na at hinihintay ko nalang si Tanya para ayusan ako.Asan ba ito naglusot.

''oh andyan ka na pala saan ka ba nagpunta?" tanong ko.Bakit mukhang balisa siya.

''ano ang iyong problema Tanya ? ika'y balisa sa iyong mukha?..." saad ko.

''Princesa mamaya itatakas kita dito may balak pumatay sayo kanina narinig ko si Adaryo at si Alvira na nag- uusap. Binabalak ka nilang patayin ka at makuha ang mga bato.''sabi nito.

''ano ba ang iyong sinasabi Tanya naguguluhan ako''sabi ko.Si Andok Adaryo kausap si Alvira? imposible.

''maniwala ka sa akin Princesa kaya mamaya habang ipapasa sayo ang korona. aalis agad tayo bago dumating ang mga drakonyo.''saad nito.

''saan tayo pupunta?"kinakabahan na ako. Hindi pa ako gaanong kahusay makipag laban gaya nila ama at ina.

''akong bahala ''saad nya,Inayusan na ako at pinagbihis. Magpapanggap kami na walang alam na may kaguiluhan mamaya.

Sa espasyo:

Maraming mga Ragamoon na dumalo para matunghayan ang pagpapasa ng korona.Bumuntong hininga ako.Nilingon ko si Tanya at tumango lng ito.

''Ipapakilala na ang magiging bagong reyna dito sa kaharian ng ragamoon ating tunghayan si Princesa Amille.''sabi ng taga pagsalita.

Bumaba ako sa hagdan ng dahan dahan. Suot ko ang isang malabulaklak na damit. Tinignan ko si andok. hindi mapakali ang kanyang mga mata,.Kung ganun totoo ang sinasabi ni tanya na nakisanib sya sa mga drakonyo.

Marami pang diskasyon ang naganap bago nila ilagay ang korona sa aking ulo. Naka tingin lang ako kay Andok paano nya nagawang linlangin kami. Ngayon ilalagay na ang korona sa aking ulo.Bigla nalang nagkakagulo ang mga tao sa harap ng pintuan.

''Ang mga drakonyo nilulusob tayo''sigaw ng gwardo. Nakikipag laban na ang mga gwardo at ang mga diwata.

''Tanya kailangan natin silang tulungan''sabi ko.Aakmang susugod ako pero pinigilan ako ni tanya.

''wala na tayong oras baka magsasara na ang ginawa kong lagusan ''hinila ako ni tanya.

Dumaan kami sa may kagubatan ng kaharian. Biglang may ngpasabog sa likod namin.


''Amille hindi ka makakatakas sa akin''sigaw ni Alvira kasama ang kanyang mga tauhan.

''tumakbo ka na Princesa ako nag bahala dito baka magsasara na yun dumeretso ka lang dalian mo''sabi sa akin ni Tanya .Hinawakan ko ang dulo ng aking damit saka tumakbo. Hindi ko na marinig ang tinig ni Tanya. Nakita ko ang lagusan sinasabi ni Tanya sa akin. Nagdalawang isip ako kung papasok ako o hindi, paglingun ko si Alvira kaya nagdisisyon akong pumasok sa lagusan. Papasok sana si aAlvira pero agad itong sumara ang lagusan.

Para akong nalulunod sa pagpasok ko dito sa lagusan pinagmasdan ko ang aking anyo. Nagiging maliit ang aking tenga at unti unting nawawala ang aking kasuotan.Isang hampas ng tubig ang dahilan pagkawala ng aking malay.





Tanya pov.

''ang lakas ng loob mong harapin ako isang munting paru paru baka nakakalimutan mo ako si Alvira....ang reyna ng drakanyo?" pagmamayabang pa nya saakin.

''isa man akong paruparu pero mailap akong mahuli Alvira''

''nagpapatawa ka,,,''

''ano kailangan mo sa Princessa ?"nilabas ko ang aking sandata.

''wala kang pake alam kung anu man ang kailangan ko sa kanya'' naglabas sya ng pulang apoy sa kanyang kamay.

''aalis ka ba sa harapan ko o susunugin kita paru paru'' banta niya.

''kung masusunog mo ako''paghahamon ko.

Hinagis nya ang apoy sa aking direksyon. Agad naman akong naging paru paru.

''mapapatay din kita paru paru ka''galit niya.

Lumipad ako papalayo sa kanya. Hindi ko na nasundan si Princessa sa lagusan pero may isang lagusan pa akong ginawa. Sana ok lang siya sa mundo ng tao. Bumalik muna ako sa palasyo. Maraming namatay na gruwardo at mga diwata. Hinanap ko si Azul

''Azul nasaan ang mga nakaka antas?"

''nasa kulungan sila Tanya kailangan natin umalis dito ngayon din tinitipon nila lahat ng mga Ragamoon para maging utusan nila.''sabi nya.Hinila ako ni akil.Si Azul ang pinuno ng mga gruwardo.

''hindi ako makapaniwala na si Adaryo ang pasimuno sa lahat ng gulong ito''

''alam ko narinig ko ang usapan nila ni Alvira kailangan natin sundan si Princessa Amille sa mundo ng mga tao''

''ano? sa mundo ng mga tao mo pinapunta si Princessa?"

''yun lang ang alam kong paraan para mailayo ko sya.''

''kung ganun paano natin sya masusundan''

''binuksan ko ulit ang isang lagusan'' saka kami naglakbay papuntang lagusan.

Tamahome at ang dyosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon