Kabanata 1

12.4K 314 19
                                    

Shot

Mag-iisang linggo na rin simula noong kamuntikan na 'kong mapagsamantalahan. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin 'yon makalimutan.

Nangingilabot pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang ginawa sa 'kin ng dalawang lalaki. Hindi ko lubos maisip kung ano pa ang gagawin nila sa 'kin kung sakaling hindi dumating ang isang misteryosong lalaki na tumulong sa akin.

Naalala ko na naman ang lalaking nagmamay-ari ng isang pares na berdeng mata. Ang nakakakilabot na mga mata niya na siguradong manginginig sa takot ang kung sino man ang tumitig sa mga ito.

Ngunit nagtataka pa rin ako dahil sa tuwing sumasagi siya sa isip ko ay kumakalma ako. Sa tuwing naaalala ko ang nangyari noong nakaraang linggo ay nanginginig pa rin ako sa takot.

Ngunit bigla-bigla na lang sumusulpot sa isip ko ang lalaking nakakatakot kung tumingin at kakalma na agad ako. Tila ba isa itong mahika at nahihiwagaan pa rin ako.

Natigil ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng kwartong tinutuluyan ko. "Sister Raffy, bumaba na raw ho kayo sabi ni Mother Superior."

Hindi ko nakilala ang boses nito. Pero agad akong nag-ayos at binuksan na ang pinto at bumungad sa 'kin ang isang dalagang babae na nakangiti.

Nginitian ko naman ito pabalik. Napakaganda nitong bata at bumagay sa kanya ang morena nitong balat. Napag-alaman kong ito si Cleo at tumutulong ito sa kaniyang nanay na kasambahay sa 'king tinutuyan.

Nakagaanan ko agad ito ng loob dahil masayahin ito at napakabait na bata. Nagpaalam na ito dahil may gagawin pa raw siya tutal nasa sala na rin naman kami at tinuro niya ang silid kainan na malapit lang sa aking kinatatayuan.

Nagpasalamat ako sa kaniya sa pagsama sa 'kin. Nagpaalam na kami sa isa't isa at tumungo na 'ko papunta kay Mother Superior. Agad ko namang nakita ito na nakikipag usap sa pari na siyang may-ari ng mansyon na aming tinutuluyan.Nagmano agad ako sa kanila at naupo na sa tabi ni Mother.

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Isa rin sa dahilan kong bakit kami nandirito sa Aklan, dahil inimbitahan kami sa darating na kaarawan ni Father bukas. Napag-alaman ko rin na magkaibigan pala silang dalawa simula high school pa lang.

Nang matapos na kaming kumain ay pinagpahinga na kami ni Father. Wala na rin naman kaming nagawa ni Mother. Uminom muna ako ng gatas bago pumanhik sa kwarto.

Naupo ako sa kama at muli na namang sumagi sa 'king isipan ang misteryosong lalaki. Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang kaniyang napakagwapong mukha.

Kahit naman loyal na ako sa Diyos ay hindi ko naman maiwasan ang pumuri ng kapwa lalo na kung nakakamangha ang kanilang pisikal na anyo.

Katulad na lang ng lalaking 'yon. Ni hindi ko man lang natanong kung anong pangalan niya dahil sa nakakatakot na presensya niya. Sana ay makita ko ulit siya para makapagpasalamat ako ng personal sa kanya. Kahit na nakakatakot ang presensya niya, pakiramdam ko ay hindi niya naman ako sasaktan.

Kumusta na kaya siya? Naalala ko na may pumutok na kung ano sa banda nila. Baka kong ano na ang nangyari sa kanya at hindi ako mapakali dahil binabagabag ako ng aking konsensya.

Tumayo na ako at dumiretso na sa banyo para mag half bath. Tinanggal ko na ang abilo ko at ito'y aking pinagmasdan. Napangiti ako dahil malapit na akong maging ganap na madre. Kapag natanggap ko na ang aking diploma ay didiretso na ako sa Italya para mag turo roon. Napatili ako dahil sa aking naisip. Hindi na talaga ako makapaghintay. Sana ay bumilis na ang mga araw.

Humiga na ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata. Nakaramdam na ako ng antok nang muli na namang lumitaw sa aking isipan ang isang lalaki na may perpektong panga at itim na medyo mahabang buhok na tama lang para ito ay magulo mo.

Embracing the Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon