Tired
"Kung sinabi lang natin ng maaga nay baka hindi niya na 'to ginawa."
"Hindi ko naman alam na magagawang saktan ni raffy ang sarili niya..Diyos ko! Ni minsan hindi nanakit ang batang 'yan."
"Hindi nga nay..pero kaya niyang saktan ang sarili niya."
Napamulat na ako at napahawak sa tiyan ng kumirot ito bigla. Napalingon naman sa akin sila nanay at agad akong nilapitan.
"Jusko! May masakit ba sa'yo anak?" kinakabahang tanong ni nanay.
"K-kumikirot po ng kaunti ang tiyan ko." agad naman silang natarantang dalawa.
"Tatawag lang ako ng doctor rafflesia." nagmamadaling sabi ni thunder at mabilis na umalis sa harap ko.
Hindi nagtagal ay may kasama ng doctor si thunder at lumapit sa akin. May tiningnan ito sa papel na hawak niya at tumingin sa akin.
"Nasaan po ang masakit sa inyo, misis?" kumunot naman ang noo ko sakanya.
"M-misis? Hindi pa po ako misis doc--ahh.." narinig ko naman ang nenenebryos na boses ni nanay.
Napahawak ako sa tiyan ko ng kumirot na naman ito. Naagaw ang atensyon ko ng may benda kong kamay. Bumalik sa akin ang mga imahe kung paano ko ito sinugatan gamit ang matalim na bagay.
Naramdaman kong nanginig ang aking katawan. Bakit buhay pa ako? Bakit binuhay pa nila ko? Ayoko na... sawang sawa na 'kong masaktan. Gusto ko na rin mawala..
"Calm down miss.. follow what I say okay. Breathe in...breathe out.." pilit kong sinunod ang sinabi ng doctor.
"Yeah that's good.. keep doing that until you feel relieved."
"Ano po ba talaga ang nangyayari sakanya doc?" natatarantang sabi ni thunder.
"Are you the husband, mister?"
"What? I mean no... she's my sister." tumango naman ang doctor at sinimulan ng tingnan ang hawak kong tiyan.
Tinawag nito ang kasamang babaeng nars at may pinakuha na kung ano.Napakagat ako ng mariin nang muli na namang kumirot ang tiyan ko.
Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit pakiramdam ko... nakokonsensya ko. Parang may sinaktan rin ako dahil sa ginawa ko sa sarili ko.
"You should take care of yourself miss. What you've done was a very hazardous act. It's not just you who would be at risk...but also your little angel."
Malakas na kumabog ang aking dibdib nang sabihin niya iyon. Nanlalaki ang mata kong napatingin kila nanay na siyang napapatakip ng bibig.
"L-little angel? A-ano pong i-ibig sabihin niyo d-doc?" nanginginig kong tanong.
"Your baby miss... you're almost 4 weeks pregnant."
Nanigas ang aking buong katawan. Mariin akong napalunok at gulat na tinitigan ang tiyan ko. Nanginginig kong tinaas ang kamay ko para hawakan 'yon.
Nanlabo ang mata ko at hindi ko na napigilan na mapahikbi..Naramdaman kong niyakap ako ni nanay na siyang umiiyak na rin.
"N-nay... m-may baby na raw ako.. m-may b-buhay na sa loob ng t-tiyan ko nay..." sumbong kong sabi sakanya. Hinalikan naman ako nito sa buhok at niyakap ng mahigpit.
"O-oo anak.. may baby na ang baby naming lahat." umiiyak na sabi ni nanay ngunit may halong tawa.
"But I just want you to know na..hindi malakas ang kapit ng baby mo."
Mas trumiple ang kabog ng dibdib ko kaysa kanina. Diyos ko... huwag na ang baby ko... parang awa mo na.. gagawin ko ang lahat wag mo lang kunin sa 'kin ang baby ko... huwag mo naman pong ubusin sa akin ang meron ako..
BINABASA MO ANG
Embracing the Forbidden (COMPLETED)
Genel KurguDEVOZIONE ISLAND SERIES #1 THE NUN Rafflesia Aletris De León pledged to God that she will serve him for the rest of her life. Raffy is an innocent demure woman and a compassionate person that often caused her into trouble. She is a selfless person t...