a/n: more chapters remaining at matatapos na siya. pero may epilogue pa yun so hold on queens :3
action-packed ang mga remaining chapters
vote comment and be a fan
--
Brown-Eyed Queen
Chapter 44: Dealing with Death
--
Third Person's POV
Time: 8:00 am
Place: Villemore airbaseSaktong alas otso ng umaga, lumapag na sa airbase ang private plane ba sinasakyan ng Russian Mafia.
Lulan ng isang private plan, isa isang nagbabaan ang mga rusong miyembro ng Mafia kasama ang mga gwardya nila. Lilima lang sila at pawang mga Caporegimes lang ang ipinadala dahil hindi mismo ang Boss ang makikipag-negotiate sa kanila.
Nakahilera naman sa ibaba ang mga tauhan ng Black Mafia at saka sinalubong ni Damon ang pagdating nila.
Napakunot naman ang noo ni Damon dahil nga hindi nila kasama ang boss pero hindi na lang niya iyon ipinahalata.
Masugid na binati ni Damon ang mga Caporegimes at nagsimula na silang maglakad palabas ng airbase.
Gwardyado ng iilang tauhan niya pati ng mga gwardya nila, lumabas na sila ng airbase.
Paglabas naman nila ng airbase, may naghihintay sa kanilang itim na limousine at dun sila sumakay.
Samantala, si Jinx na nasa loob ng sasakyan, matyaga nyang tinitignan sa tracker niya kung nasaan na sila. Napasandal na lang siya sa upuan dahil sa kabagutan pero bigla siyang napaalis sa pagkakasandal nang makita na niyang nagsimula ng umandar yung pulang tuldok na sinusundan niya.
Agad niyang tinignan sa mapa sa device na gamit niya kung nasaan na sila at kasalukuyan na silang papunta sa kinaroroonan nila kaya't agad na siyang tumawag kay Vera sa pamamagitan ng transmitter.
"Lady."
("Where they now?") tanong niya mula sa transmitter.
"They're now on the way." sagot ni Jinx habang nakatutok sa binabantayan niyang pulang dot.
Hindi na sumagot si Vera at hindi na rin siya naghintay ng sagot nito dahil alam niyang nakaplano na ang gagawin niya.
----
Naka-dekwatro ng upo habang pinapatunog ang kanyang daliri sa ibabaw ng mesa, matyaga nyang inaantay ang pagdating nila. Lalo na si Damon.
Samantala, paparating na ang itim na limousine na sakay nila sa opisina.
Hindi naman kalayuan pero malapit lapit sa naturang gusali, nakita na ni Jinx ang itim na limousine. Isa isang naglabasan ang mga sakay nun at sabay sabay silang pumasok sa loob.
Sa lobby pa lang, kita ng nagkakagulo ang iba. Napakunot ang noo ni Damon sa nakikita niya. May empleyadong tumakbo papalapit sa kanya.
"S-sir.." uutal utal niyang sabi dahil sa takot.
"What is it?" tanong niya dito.
"Pi-pinasok po ata tayo ng kalaban.. Apat na guards niyo po ang nakitang patay. Yung dalawa po sa back door at yung dalawa po sa..sa elevator. Huli silang pumunta ng fifth floor bago makita ang katawan nila."
Agad na nagsihanda ang mga tauhan na kasama ni Damon sa narinig nilang balita. Samantala, yung limang rusong kasama nila at ang mga guards nito ay naguguluhan dahil hindi nila maintindihan ang pinagsasasabi nila.
Sumenyas na si Damon sa mga guards niya at nagsitakbo na sila papunta sa elevator.
Naiwan naman si Damon kasama ang mga ruso. Yung isang rusong Caporegime ay hinigit ang balikat niya dahilan para mapalingon ito sa kanya.
"What is happening?" naguguluhan niyang tanong. Nag-tiim bagang si Damon sa ipinakitang asal sa kanya ng ruso pero hindi niya lang iyon ipinahalata.
"Nothing. There just some problem. We should now go to the conference room." tugon niya sa mga ito at naglakad na patungo sa elevator.
----
Mabilis na nagtakbuhan ang mga tauhan ni Damon na nakahawak lahat ng baril at sinipa nila ang pintuan ng opisina.
Agad nilang itinutok ang baril na hawak nila nang makita si Vera na nakaupo sa mesa at nakatalikod mula sa kanila. Hindi sila makapaniwala na isang babae lang ang nangahas na pumasok at kalabanin sila.
Binaling ng bahagya ni Vera ang kanyang ulo at pinakiramdaman ang mga taong nasa likuran niya.
Akmang dadamputin na niya ang baril sa tabi niya nang may magsalita.
"One move or you head will blow by pieces." pagbabanta sa kanya.
Napangisi lang si Vera. Mali siya ng binantaan.
"Oh yeah? Then try to shoot me." sagot ni Vera at mabilisan niyang dinampot ang baril niya pati hugot sa baril na nakalagay sa may hita niya sabay harap sa kanila at isa isa niya itong pinagbabaril.
Naging mabilis ang kilos niya at agad na napabagsak ang mga tauhan ni Damon sa ilang minuto lang.
Pinagmasdan niya ang mga katawan ng tauhan ni Damon na ngayon ay wala ng buhay. Napairap naman siya, "Oh come on. You're all dead already? Tsk."
Dahil sa mga putok ng baril, umalingawngaw ang alarm sa buong building. Narindi naman siya sa ingay at naglakad na siya papalabas ng opisina at dumeretso sa elevator upang magtungo sa conference room.
Pagbaba nya ng third floor, dumeretso siya sa Conference Room at sinipa ang pinto nun.
Bumulaga naman sa kanya ang mga ruso pati si Damon. Nagulat silang lahat sa kanya at nagsitayo sila sabay bunot ng baril. Isa isa naman iyong itinutok sa kanya.
"Sino ka?!" nanggigigil na tanong ni Damon sa kanya.
Itinutok din ni Vera ang baril na hawak niya sa kanila at hindi pinansin ang tanong sa kanya ni Damon.
"Drop your guns, Russians. I'm here to tell you something."
Pero hindi siya pinakinggan ng mga ito.
"I said drop it." maotoridad na sabi niya.
May isang Caporegime na nagbaba ng baril niya sa sahig at sinenyasan ang mga kasama niya na ibaba ito kaya isa isa nila iyong binaba sa sahig.
"Good. Now.." napatingin siya sa papel na nasa harapan nila. Handa na nila itong primahan at buti na lang ay naabutan niya.
"..I want you to rip that off. That paper on your front. Rip that." utos ni Vera.
"No! Don't!" pagpigil ni Damon. Agad namang lumingon sa kanya si Vera at mahigpit niya itong tinutukan ng baril.
"Yes. Rip that off. Or else I'll kill all of you. You don't want to happen that, right?" pagbabanta niya.
"Why would we?" tanong ng isang Caporegime sa kanya. Napangisi naman si Vera sa ilalim ng kanyang facemask.
"Good question, Mister. Why? Because Damon has a bad intention on your Mafia. He wants his Mafia to join with yours. And if that happens, he will do what he wants. He will conquer and put the Russian Mafia in his hands. You don't want also that to happen, right? Now if I were you, better rip that paper off."
Isa isa silang nagsitingin kay Damon at sinimulan ng punitin yung papel na dapat ay kanilang pipirmahan.
"No!" sigaw ni Damon sabay baril sa isang Caporegime na pumunot nito.
Akmang babarilin nila si Damon ngunit pinigilan sila ni Vera.
"Don't shoot!"
BINABASA MO ANG
BROWN EYED QUEEN
ActionRevenge. The only word that's into her mind. All the way from New York, Vera Jean Moore came back to do her revenge for those who killed her Mother. Together with her grandfather, he conducted a mission for her to find all those person involved. Wha...