Epilogue

32.2K 630 66
                                    

Matapos kong bumaba ng sasakyan, naglakad ako patungo sa sementeryo at hinanap ang nais kong puntahan.


Mula sa pagkakatayo ay humakbang ako ng kaunti at umupo upang ihandog ang dala kong bouquet ng bulaklak sa lapidang nasa harapan ko.


"I'm sorry." at pinunasan ko ang marmol na lapida. Marahan ko din tinanggal ang mga duming nakapalibot dun.


I sigh. It's been five months since that incident happened pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. There's this feeling of guilt that keeps crawling within my heart. I know that it was only an accident but I was responsible for the death of her. Naalala ko bago siya tuluyang mamatay, nakuha pa niyang ngumiti sa akin at sabihin ang mga salitang 'I'm sorry. I was so impulsive. I'm sorry. Wherever you go, just remember you're not alone. We're sisters by heart and we'll never change.'


Hindi ko 'yun makakalimutan.


Ilang minuto din akong nanatili dun. Patuloy na kinausap ang puntod niya kahit alam kong hindi siya sasagot sa akin. Maya maya pa'y nagpasya na akong umalis. Tumayo na ako at sinulyapan sa huling pagkakataon ang pangalan niyang nakaukit sa lapida.


Sena Bennette Austria


Matapos kong bumisita sa puntod niya, babalik na sana ako sa sasakyan nang tumambad sa harapan ko ang mga gangmates niya. They're all in their normal clothing. I saw their eyes and I must say there's a pure anger and sadness in it. Alam kong hanggang ngayon they're still blaming me for what happened months ago.


"Anong ginagawa mo dito?" It was Red and he was holding a bouquet of flowers.


"Ang lakas rin naman ng loob mo magpakita dito." Oxblood said.


"You still have the guts to visit her grave when in fact you're the one who killed her." Bakas ang galit sa mga boses nila at hindi ko sila masisisi dahil kasalanan ko kung bakit wala na si Sena ngayon.


"Stop blaming her. It wasn't her fault. It was nobody's fault."


Sabay sabay kaming napatingin sa nagsalita at nakita namin si Tyrone na naglalakad papunta sa kinaroroonan namin. After all what happened. After what I've done, I never thought na magkakaayos pa kami.


"Let's settle this once and for all. Let's all move on. Hindi lang kayo ang nawalan." sabi ni Tyrone pero bigla namang umalma si Red sa sinabi niya.


"That's bullshit." giit niya at nilagpasan na niya ako para pumunta sa puntod ni Sena. Sumunod naman ang mga kasama ni Red at kami na lang ni Tyrone ang naiwan. Hindi ko na ineexpect na mapapatawad nila ako. I wouldn't forgive myself either. Because of me, she died.


"Let's go?" Tyrone asked. Tipid naman akong tumango at bumalik na kami sa nakaparadang itim na sasakyan.


Habang nasa biyahe kami, biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko pa sana sasagutin pero ininsist ni Tyrone na sagutin ko dahil baka importante. So I did. I fished out my phone from my pocket and I saw Mr. Blancard's name on the screen. I immediately answered it.

BROWN EYED QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon