tulang malaya

42 3 6
                                    

Hindi alam bat humantong sa ganito
Pag-iibigan humantong sa mga awayan at minsan naisipan ng pakawalanHindi alam kung bat tayo nag kaganto
Mahal?,mahal mo pa ba ako

Oh hinihintay mo nalang bumitaw ang mahigpit na kapit ko.
Masaya ka na ba kahit wala ako?
Akala ko ba ako ang bumubuo ng araw mo
Pero bat ngayon parang wala lang ako sayo.

Hindi alam at hindi din matagpuan.
Kung san ako nagkulang.
Hindi ko mapagtanto kung bat ang dating
Sabik sa mga reply ko ay napalitan ng "sige bukas na tayo usap antok nako"

Hindi ko alam kung sino ang nagbago
Ako ba ang nagbago o baka naman ikaw Ang nag bago o baka nga nag  iba lang ang ihip Ng hangin kaya tayo nag kaganto

Wala tayong laban pag ang tadhana ang nagpasya
Pero maari ba tayo bumalik sa umpisa
Sa simula na kung san tayo ay masaya
At sabik sa pagmamahal ng isat-isa

Mahal,Maari ba?

-Mr Coffeemate

Dalampasigan Ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon