Chapter 1

200 11 0
                                    

Ako si Aries Leigh Castillo. 16 years old, at mag fo-fourth year high school na ngayong pasukan. 5'2 feet tall(Or should I say, short). May isang kapatid na lalaki na matanda sa akin ng dalawang taon. My dad is a president of a bank so hindi sa pagmamayabang ay mayaman kami. I used to be a jolly and cheerful person pero nagbago ang lahat nang ako'y nasa 3rd year high school.

-flashback-

Nandito ako ngayon sa bahay ng aking lola sa Zamboanga del Norte sa Sindangan. Actually, compared sa bahay namin sa Manila, napakaliit lang talaga ng bahay ni Lola. Nanay siya ni daddy. Sabi ni daddy, napakahirap lang talaga ng buhay nila noon. Umaasa lang sila kay Lolo na magsasaka noon at wala na siya ngayon. Oo nga pala, nasa bukid kami ngayon. Hindi naman talaga mahirap si Lolo. Mayaman daw ang pamilya nila pero mas pinili niya si Lola over wealth kaya tinakwil siya ng mga magulang niya kasi ayaw ng mga magulang niya kay Lola.

Luckily daw na nag-iisang anak lang si daddy at hindi masyadong nahirapan sa pagpapaaral sa kanya. Though hindi naman talaga sina Lola ang nagpapaaral sa kanya. One day kasi daw, pumunta si Lolo at Lola sa siyudad para mamalengke. Tapos may nakita si Lolo na may suspicious guy na pasulyap-sulyap sa parang case na bitbit ng isang mukhang mayaman na lalaki. Halata daw na may binabalak na masama. At hindi nga sila nagkamali dahil biglang hinablot nung guy na mukhang adik ang case ng rich man. Tumakbo ang magnanakaw at papunta daw sa direksyon nina Lolo while the rich man was running after him habang sumisigaw ng "magnanakaw!" Nang maakalapit ang magnanakaw kina Lolo, agad hinablot ni Lolo ang shirt ng magnanakaw at pinatumba ito. Since mas malakas si Lolo, hindi na nakatakas ang magnanakaw pinahuli ito sa mga pulis. Laking pasasalamat naman nung rich man dahil napakaimportante daw talaga nun. Nag offer pa daw ng pera pero hindi naman tinanggap nina Lola. Hindi naman daw kailangan eh.

Pero akala nila na doon na ang huling pagkikita nila sa rich man. Hindi pa pala. Isang araw, nagpunta ang rich man sa bukid na tinitirhan nina daddy, which is dito. I forgot kung bakit pero trabaho daw ang pinunta nung lalaki. Nakita niya si Lolo at nag offer naman si Lolo na pumunta muna sa bahay nila para magkape. Kahit na napakaliit ng bahay, hindi naman nagdalawang isip ang lalaki ng pumasok. Nagkwentuhan lang sila hanggang sa dumating si Daddy na galing sa paglalaro. 5 years old pa si daddy nuon at hindi pa nakakapag aral. Hindi nga sila sure kung makakapag-aral pa ba siya o hindi. Nag offer ang lalaki na siya ang magpapaaral kay daddy as a payment. Tumanggi sina Lolo at first pero mapilit ang lalaki and since gusto nina Lolo na magkaroon ng magandang buhay ang anak nila, pumayag na lang sila. Wala naman daw kasing anak si Mr. Smith, yung rich man kasi.. uhm.. baog siya. Hindi naman daw siya nag asawa since masyado siyang busy sa trabaho. May-ari kasi siya ng isang sikat na kompanya sa U.S.A, and by the way, Fil-Am siya. So ayun, pina aral niya si daddy sa isang private school. Kahit na bullied si dad doon, nag pursige pa rin siya hanggang sa makagraduate siyang Summa Cumlaude. Pinamana ni Mr. Smith ang kompanya niya pero tumanggi si daddy dahil sobra na daw ang naibigay ni Mr.Smith sa kanya at gusto din niyang mag stay sa Pilipinas. And then yun. Nagpursige si dad hanggang sa ma presidente na siya ng isang bangko.

So ayun. Dito lang nag stay sina Lola kasi dito daw sila unang nagkita. Nang mamatay naman si Lolo, ayaw naman ni Lola na umalis dahil marami silang alaala dito. Kahit mahirap ang pamumuhay, napakasaya naman daw. Kaya kami ng bumibisita sa kanya tuwing summer o kaya'y birthday niya. Timing din naman kasi sem break namin.

So gabi na at hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit kaya lumabas na lang muna ako para magpahangin. Umupo ako sa isang maliit na upuan malapit sa isang malaking puno. Naglalaro lang ako sa cellphone ko since wala namang internet dito kaya hindi ako makapag facebook. Minutes pass nang bigla kong maramdaman na parang mas lumamig. Pero hindi ko na iyon binigyang pansin. Maya-maya naman ay pang feeling ko, may something sa likuran ko. Parang may sound akong naririnig. Pero iniisip ko na dahon lang yon. I don't believe in ghosts, I never did. Hindi pa naman kasi ako nakakakita ng isa. But then parang mas lumakas ang sound. Para bang may someone na nag sc-scratch ng kuko niya sa puno kaya nagsimula na akong mangamba. Pero tinatagan ko ang sarili ko at biglaang lumingon sa likod ko na pinagsisisihan ko. Pagtalikod ko, may nakita akong nakaputing babae. Abot lupa ang suot niya at wala siyang mukha, itim lang ang makikita mo at abot bewang ang buhok. Ang kamay naman niya ay nasa puno. Sa takot, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ni hindi nga ako makasigaw o makatakbo man lang. And the next thing I knew, hinimatay na ako.

Nakikita Ko SilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon