Chapter 2

120 10 0
                                    

Maaga akong nagising dahil na naman sa panaginip ko. Oo, panaginip, nakakatakot na panaginip. Simula nung makakakita na ako ng mga multo, gabi-gabi na rin akong nananaginip. Gabi-gabi iba-ibang panaginip. Mga multo na humahabol sa akin, at nakakainis pa kasi sa panaginip ko, feeling ko ang bigat ng mga paa ko na mas ikinakatakot ko pa dahil baka mahabol ako ng multo.

Pagtingin ko sa orasan sa cellphone ko, 4:36 a.m. pa. Ang aga pa. Tsk. Naka on ang aircon pero pinapawisan ako. Lagi na lang.

Naisipan kong umidlip muna kasi inaantok pa ako pero paggising ko, agad kong pinagsisihan ang pag idlip ko kanina dahil pagtingin ko sa labas, since manipis lang naman ang curtains sa bintana, umagang-umaga na at mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang oras sa cellphone ko. 7:32 a.m. At magsisimula raw ang klase in 8:00 a.m. Patay na. Dali-dali akong bumangon. Agad akong naligo, ni hindi na nga ako naligo ng maayos eh. Pagkababa ko para kumain, agad kong nadatnan si mommy na kumakain ng almusal.

"Oh anak, kakalabas lang ng daddy mo. Sa kotse na lang daw siya maghihintay sa'yo" sabi ni mommy. Hinalikan ko siya sa pisngi at agad-agad na kumain, pagkatapos kong mag toothbrush, dumeretso na ako sa labas at sumakay na sa kotse kung saan naghihintay sina daddy at kuya.

"Ang tagal mo naman Aries, anong oras na oh, late na ako" pagrereklamo ni kuya, naguilty tuloy ako.

"Sorry na nga, Psh"paghingi ko ng sorry pero hindi naman sincere pakinggan, ganyan naman talaga kami eh, kung magsosorry parang hindi sincere pero totoo naman talaga ang sorry namin sa isa't isa. Umandar naman ang kotse at napatingin ako sa relo ko. Patay na, 8:09 a.m. na. Late na talaga ako. Pero first day of school pa naman diba? Okay lang siguro.

Ilang minuto lang ay huminto na si daddy sa tapat ng school. Eto na ang school ko. Inhale, Exhale. Phew.

Hinalikan ko agad si daddy sa pisngi at bumaba na.

Okay, late ka na Aries. Huwag ka munang mag-isip ng ibang bagay.

Buti na lang at may mapa ng skwelahang to na binigay si daddy sa akin at napag-aralan ko yun kagabi kaya nakarating agad ako sa classroom. May nararamdaman akong kakaiba pero so far, wala naman akong nakita o nakasalubong na multo. Buti na lang.

Nandito na ako sa harapan ng sliding door ng magiging classroom ko. Kumatok ako at dahan dahang binuksan iyon. Pagkabukas ko, lahat nakatingin sa akin, kinabahan tuloy ako.

"And you are?" Tanong ng teacher. Adviser siguro namin to. Sa itsura niya, parang mga nasa 40 na siya pero maganda pa naman ang katawan niya, I mean, hindi parang isang ginang ang katawan niya.

"Aries Leigh Castillo po." Magalang kong sagot. Grabe, ang ginaw na ng kamay ko. Makatingin kasi sa akin ang gurong to, parang papatay ng tao.

"And why are you late?" Tanong na naman niya.

"I'm sorry ma'am, I'm new here and this school is kind of big and I am not yet familiar about this place, so I had a hard time finding this classroom" pagsisinungaling ko. Pasensiya na Po. Ayaw ko lang mapagalitan.

"You should've come more earlier so that you will have time searching for this classroom. I am new here but I came earlier than them" sabi niya sabay turo sa mga studyante na magiging kaklase ko. Ang terror naman ng teacher na'to.

"I'm very sorry ma'am" tanging nasambit ko na lang.

"Come in, and you sit at the empty seat there" sabi niya sabay turo sa isang seat na walang umuupo. Nasa pinakaunahan ito at pinakagilid. Pumasok naman ako at umupo na. Babae ang seatmate ko at maganda siya. Pagtingin ko sa blackboard, nakasulat doon ang pangalan ng guro.

Nakikita Ko SilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon