Chapter 5

80 6 1
                                    

Sabado na ngayon.Ibig sabihin, ngayon na kami pupunta dun sa abandonadong paaralan. Ang nirason ko kina mommy ay mag s-sleep over lang ako kina Mik na pinaniwalaan naman nila. Nandito ako ngayon sa bahay nina Mik. Alas nuwebe pa naman at may oras pa ako para mag back out. Kaso mukhang magtatampo si Mik sa akin pag ginawa ko yun.

"Mik, nasan nga pala ang mga magulang mo? Nakapag-paalam ka na ba?" Tanong ko habang nakatingin sa mga litrato na naka sabit sa pader.

Napako ang tingin ko sa isang litrato na may matandang babae na kinakarga ang isang bata na tingin ko'y si Mik. Katabi naman ng litratong iyon ay si Mik na niyayakap ang lola niya sa likod at masayang ngumingiti. Parang close na close sila ah. Bihira na lang ngayon ang mga apong close sa grandparents nila.

"Nag out of town sila eh, so hindi naman nila malalaman" sagot niya kaya napatingin ako sa kanya at nakaupo lang siya sa sofa. Napatingin din ako sa bintana na nasa likod niya. Sa labas ng bintana ay isang garden. Makikita mo ito dahil may ilaw sa labas. At sa labas ay nakita ko ang kanyang lola na parang masayang kinakausap ang tanim.

"Huh? So pinayagan ka ng lola mo?" Takhang tanong ko habang nakatingin pa rin sa lola niya na nasa labas.

"Huh?" Balik tanong niya sa akin. Kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.

"Ang sabi ko, pinayagan ka ba ng lola mo? At ano bang ginagawa niya sa labas? Gabing-gabi na oh. Pagpahingahin mo na siya" sabi ko kaya napakunot ang noo ni Mik.

"Aries... patay na ang lola ko 2 years ago" seryoso niyang sabi kaya nagulat ako at tumingin ulit sa labas pero wala na ang lola niya.

Omygosh.

"G-ganun ba?" Napakagat na lang ako ng labi kasi feeling ko namumutla na ako.

"Aries.." parang may gusto pa sanang sabihin si Mik pero agad siyang natigilan dahil sa busina ng kotse kaya napatakbo na kami palabas ng gate at dun nakita namin ang van.

Naisipan naming sumabay na lang kina C.Jay since wala naman kaming kotse ni Mik.

Pagbukas namin ng pinto, nandun na si Tessa sa front seat at sa likod naman ay sina Kyla at Sophia. Sa likod naman nila ay sina Bryan at Neil tumabi ako kina Sophia at tumabi naman si Mik kina Bryan. Driver pala si C.Jay.

"Nandito pala kayo?" Tanong ni Mik kina Kyla.

"Magkapit bahay lang kami ni C.Jay kaya naisipan kong sumabay na lang and nag suggest ako na isama si Kyla, and nakita namin si Neil na nag-aabang siguro ng taxi kaya pinasakay na din siya" sagot ni Sophia.

"At si Tessa?" Tanong na naman ni Mik.

"Alam mo naman yang si Tessa, kung saan pupunta si C.Jay ay nandun siya" sagot ni Kyla at nakita kong umirap si Tessa. Napairap din ako. Ayoko talaga ng mga taong clingy. Ako ang nasasakal para sa mga boyfriend/gilfriend nila eh.
~~o--o~~

Pagdating namin sa tapat ng Miso High School ay parang gusto ko ng umuwi.

"Akala ko ba marami tayo? Ba't tayong walo lang?" Inis kong tanong.

"Eh ano pa ba? Iniwan na tayo sa ere ng mga kaklase natin." Mataray na tugon ni Tessa na ngayo'y todo yakap sa braso ni C.Jay.

Tss. Hindi naman siya yung tinatanong ko ah.

"Sinasabi ko na nga ba" inis na bulong ni Kyla.

"Hindi ko kaya to. Uuwi na ako" sabi ko sabay iling. Nasa labas na kami ng van at hanggang ngayon ay hindi ko magawang tignan ang abandonadong skwelahan.

Nakikita Ko SilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon