Chapter 3

90 9 0
                                    

Kakatapos lang ng klase at pauwi na ako. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at tinawagan si daddy. After ilang ring, sinagot din nya.

"Dad, pauwi na ako. andito ka na ba sa school?" tanong ko sa kanya.

"Papunta na ako anak, maghintay ka lang ng konte,tatawagan kita kung nandyan na ako." sagot naman nya.

"Okay dad, bye" and then I hung up.

Umuna na si Mik kasi may gagawin pa daw sya. Kaya heto ako ngayon, mag-isa. So far sya lang ang kaibigan ko. Ayaw ko nang magkaroon ng maraming kaibigan. Na trauma na ako. At mukhang mabait at sincere din naman si Mik. Kaya I hope, matanggap nya kung sino ako.

Nandito ako ngayon malapit sa gate naghihintay. Ang tagal ni daddy. Parang 1 hour na akong naghihintay eh. Na traffic siguro, lalo na ngayong umuulan. I am tempted to call dad pero natatakot ako na baka nagmamaneho sya tapos bigla akong tatawag tapos sasagutin nya tapos mahuhulog ang phone nya tapos maaksidente sya. Hay naku, ito ang resulta sa kakanood ng drama eh.

Maya-maya, parang kaming dalawa nalang ng guard ang nandito.

"Miss, di ka pa ba uuwi?" tanong ni manong guard sa akin.

"Ah, hinihintay ko lang po ang daddy ko manong, malapit na po yun" sagot ko.

Naghintay ako nang naghintay hanggang sa may natanggap akong tawag mula kay dad.

"Sorry anak, na flat ang gulong ng kotse ko at parang may aksidenteng nangyari kaya napaka traffic. Pwedeng mauna ka nalang umuwi? Parang matatagalan pa ako eh"

"Okay dad, I understand. Take care." tsaka ko inend ang call. Tbh, I'm upset. Well, naghihintay lang ako sa wala eh. I understand my dad pero hindi ko talaga maiwasang mainis. Lalo na ngayong first day ng period ko. Tapos wala pa akong payong. Tsk. Bakit palakas ng palakas ang ulan?

Wala na akong magawa kundi tumakbo na lang at ginawang cover ng head ang bag ko. Wala pa naman to masyadong laman eh kaya okay lang. Tumakbo ako ng tumakbo na nakatingin lang sa baba, mahirap na, baka madulas pa ako. Takbo ako nang takbo ng biglang may nakabanggaan ako at sa lakas ng impact, kaming dalawa ay natumba.

Gosh. I hate this day.

"Kung pwede tumingin ka sa dinadaanan mo?" pilit na kalmadong tugon ko. I know it's partly my fault pero wala ako sa mood mag sorry. Nasa may parking lot pala kami ng school. At kaming dalawa lang ang tao at konte lang ang mga nakaparadang kotse. I think sa mga teachers. Madadaanan pa kasi ang parking lot ng school bago makalabas sa main gate.

"Kung pwede tumingin ka din sa dinadaanan mo?" balik sagot naman ng lalaki sa akin. Nakatayo na sya at tiningnan ko sya pero hindi ko sya masyadong makita kasi nakahood sya tsaka naka shades at gabi na. Sinong nakashades ng gabi?

Hindi na lang ako umimik pa kasi baka lalaki ang gulo. Umayos ako ng upo at pinulot ang bag ko. Tatayo na sana ako pero urghh ang sakit ng pwet ko. Gosh.

Tas yung lalaki, paalis na, tss, wala na talagang gentleman sa panahon ngayon.

"Hoy lalaki!" tawag ko sa kanya at nilingon naman nya ako.

"Tulungan mo ako" utos ko sa kanya.

"At bakit naman?" bakla ata to eh.

"Kase lalaki ka, dapat gentleman ka. Hindi porket mayaman ka ay magmamataas ka na ha. And it's partly your fault kung bakit nagkabanggaan tayo. So tulungan mo ako" sagot ko naman. Sa suot nya, parang mayaman talaga sya.

Nakikita Ko SilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon