Chapter 8

9 1 0
                                    

Privacy...

Happiness ni Jilah Erica Barrameda...

Tahimik na buhay...

Gusto ni Jica Dejarme...

Masayang pamilya...

Gustong maranasan ni Jilah Erica Dejarme Barrameda... =(

"Jilah..Alam ko gusto mo muna mamuhay muna kasama ang mommy mo. Kaya ba ayaw mong ituloy ang panliligaw ko sayo?"

"13 years old ako nung iwan kami ni dad dahil sa isa niya pang pamilya. Nagmakaawa ako nun at umiyak sa kanya para wag niya kaming iwan ni mommy. Haha! Pero lahat ng ginawa ko, balewala lang sa kanya. Iniwan niya pa rin kami. Nung araw ding yun...Yung araw na gusto ko nang pumatay ng tao, pero di ko yun ginawa. Naging matatag ako at nagsumikap mag-trabaho para samin ni mommy... ^______^"

Rovie's POV:

Habang nagkukwento siya, may tumutulong luha sa mga mata niya. Di man lang niya namamalayan. Pagkatapos niyang magkwento nakangiti na naman siya. Pinunasan ko yung luha sa mata niya. Ang ganda nitya talaga.. =)

"Wag ka nang umiyak."

"Huh? Di naman ako naiyak eh. Tsaka, ganyan na talaga yang mata ko. Pag nagkukwento ako, basta na lang yan tutulo."

SILENCE...

"Alam mo, simula nung iniwan kami ni dad, nasaktan ako. Nung iwan ni tito si auntie at nung iwan si Bia ng boyfriend niya, nasaktan din ako. Mahalaga kasi sila saken. Dahil sa mga sakit na naranasan ko at dahil nasaktan ako ng todo...Nangako ako sa sarili ko...na...

Hinihintay ko pa rin yung sasabihin niya...

........Na hinding-hindi ako mai-in love. Hindi ako magmamahal ng kahit sinong lalake. Yun yung dahilan k-kung bakit ayaw kitang paasahin."

"D-dahil lang dun? Jilah, huwag mo namang isipin na pare-parehas lang kaming mga lalake. Alam ko, nasaktan ka nang sobra-sobra at dahil dun naging bato na yang puso mo. Simula nung iwan ka ng daddy mo, nagtanim ka na ng galit jan sa puso mo. Pero...Jilah, kahit naman nasaktan ka. Sana man lang wag manatiling bato yang puso mo. Buksan mo yang puso mo. Di naman masamang sumubok di ba? Sana pag-isipan mo yang mga sinabi ko sayo..."

Tapos umalis na ako dun sa playground...

Jilah's POV:

Nung umalis na si Rovie, parang may kumirot dito sa dibdib ko...

Ugh, hindi...

Wala to...

Waaaaaahhhhhh!!!!!!! Di ako pwedeng ma-in love...

Di pwede to... >___<

Pero... Ba't ganun?

Lahat ng sinabi niya tagos sa puso...

Grabe... Pero...Tama naman siya di ba?

Di naman masamang sumubok...

Pero...Takot lang naman akong masaktan eh..

Uh...Yae na nga. Uuwi na ako. Maggagabi na eh...

Baka hanap na ako ni mommy kooo... T^T

Hiding SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon