Chapter 12

10 1 0
                                    

^0^ Hohoho! Ang aga kong nagising ah. Palabas na ako ng bahay...

"Jilah!"

Napalingon ako dun sa tumatawag. Sabi na nga ba. Kilala ko na boses niya...

"Lika na, baka malate tayo."

"Aga pa eh."

"Haha, akala ko ba excited ka nang pumasok sa school?"

"Di naman masyado. Haha, lika na nga."

Sumakay na kami sa kotse ni Rovie. Siya yung nagdadrive. Katabi lang niya ako sa right side...

Nakarating na kami sa school. Lumabas na si Rovie sa kotse.. Ako? Hindi pa. Kinakabahan kasi ako eh. Maraming tao sa labas...

"Waaaaahhhh!!!! Ang gwapo talaga ni Rovie! Akin siya, ano ba?"

"Akin siya!"

"Hindi, akin siya no!"

Hiiinnndddeee!!!! Hindi siyaa sa inyo! Akin siya! Bleh! =P

T-teka...

Ay, hindi pala! Sainyo na lang siya! Inyo na! >___<

"Jilah, lika na..."

Binuksan na pala ni Rovie yung pinto ng sasakyan sa side ko... >___<

Waaaaaahhhhh!!! Kinakabahan talaga ako... >___<

Lumabas na ako ng kotse...

"Wow! Ang ganda niya!"

"Teka...Siya si Jilah! Yung model! Ang ganda niya talaga sa personal! Waahh!!"

"Siya ba yun? Ang ganda niya!"

Oi, naririnig ko po kayo... T^T

"Lika na Jilah."

"Uhm.."

Pumasok na kami sa campus. Diretso kami sa announcement board para tingnan kung what section kami. Si Rovie na lang daw ang titingin kung anong section kami....

"Jilah, magkaparehas tayo ng section. Pati si Bianca classmate din natin.."

"Talaga?!"

"Oi, kayong dalawa. Magkasama daw kayong pumasok? Di niyo man lang ako sinama.. T^T"

"Hay nako Bia, lika na nga. Pasok na tayo sa room natin."

Habang naglalakad kaming tatlo, pinagtitinginan kami... >___<

Siguro kung pantunaw lang ang mga tingin, kanina pa kami tunaw dito...

Nakarating na din kami sa classroom namin...

Hanggang dito pinagtitinginan pa rin kami. Umupo na ako sa upuan, malamang! Alangan umupo sa mesa, sa sahig..Tanga lang? --__--

Umupo si Bia sa left side ko tapos si Rovie naman sa right side ko. Medyo may mga distansya ang mga arm chair namin...

Psh! Booorriinngg... ---_____---

Maya-maya nag ring na yung bell tapos dumating na yung teacher namin...

"Good morning class!"

"Good morning sir!"

"Ah, by the way may new student pala tayo dito and she's a model, right? Ms. Barrameda, come in front and tell something about yourself."

Di ano pa nga ba? Pumunta na ako sa unahan...

"Hi, I'm Jilah Erica Barrameda. 19 years old. Isa akong talented model. Sikat ako, oo..Pero sana tratuhin niyo ako na parang isang normal na estudyante gaya niyo. Salamat. ^__^"

Pabalik na ako sa aking upuan...Lalalala...

"Hi I'm Ziel, nice to meet you."

Nginitian ko na lang siya. Di ko feel makipag-usap sa mga boys ngayon except k---Ah wala, di ko talaga feel... --____--

Hiding SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon