Chapter 22

7 1 0
                                    

Rovie’s POV:

“Manang, pakibihisan na lang po si Jilah.”

“Ah, o-opo ma’am.”

Sinarado na nung katulong nina Jilah yung pinto. Maya-maya lumabas na yung katulong nila.

“Ma’am! Sir! Si Jilah po, ang taas ng lagnat!”

“Ano?! Manang pakitawagan po yung doctor nina Jilah! Please.”

“Okay po ma’am.”

Pumasok na ako sa kwarto ni Jilah. Ang taas nga ng lagnat niya. Maya-maya dumating na yung doctor…

“Uh, okay naman siya. Basta pag gising niya ipainom niyo na lang yung gamut na iniwan ko dyan. Sige alis na ako.”

“Salamat po doc.”

Umalis na yung doctor…

“Uh Rovie, alis na muna ako. Ikaw na muna bahala kay Jilah ha?”

“Uhm sure, sige ingat ka.”

“Uhm salamat.”

Umalis na din si Bianca. Ako na lang ang nandito…

“Daddy, wag mo kong iwan…”

Hinawakan ni Jilah yung kamay ko…

“Oo di kita iiwan Jilah…”

Tulog pa rin siya. Mga one hour siguro bago siya nagising.

“B-ba’t ka nandito?”

“Para makita ka.”

Humiga na ulit siya…

“Jilah, inumin mo muna tong gamot mo.”

Mabuti at ininom nga niya. Parang walang-wala talaga siya sa mood niya…

“Jilah…Galit ka ba saken ngayon?”

"Hindi. Ah pwede magtanong?"

Sheez...Nakaka-mesmerize ang boses niya...

"A-ano yun?"

"Pwede bang layuan mo na ako? Pwede bang huwag mo na akong kausapin kahit kailan, please?"

"T-teka bakit naman?"

"Uh, diba may liniligawan kang babae? Binigyan mo pa nga ata siya ng flowers right?"

"Uh...Yun ba? *chuckles*"

"Uh..Ba't ka ba tumatawa?! Nakakainis ka ha!"

"Eh kasi naman...Maganda yung girl di ba?"

Haha! Pansin ko lang, parang asar na asar na talaga siya...

"Uh, y-yeah, of course..."

"...Yah, that's my sister. Si ate Andrea. Mas matanda siya saken ng isang taon."

"K-kapatid mo siya? P-pero...You look like a couple.."

"Haha, oo nga eh..Kaya nga pinagsel----

"At sinong nagsabing nagseselos ako?!"

"'Oo na di na..Haha! Kaya nga di sa bahay umuuwi si ate. Dun siya nakitira kina tita. Saka na lang daw siya babalik pag may girlfriend na ako. Baka daw kasi mapagkamalan siyang girlfriend ko baka raw di na ako magka-girlfriend."

"Uhm..G-ganun ba?"

"Ah Jilah, free ka ba tomorrow? Pwede bang pumunta ka sa bahay bukas ng 3:00 pm?"

"Ah o-oo, wala naman akong gagawin eh."

"O sige, magpagaling ka ha? Inumin mo na lang mamaya yang gamot mo."

"opo --___--"

Umalis na ako dun para naman makapagpahinga na si Jilah...

Hiding SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon