“Ano ba Kench! Bilisan mo nga d’yan at magsisimula na ang game. Hindi dapat tayo malate kasi iyon na lang ang last na laro nila. Gusto kong masubaybayan ‘yon! Kench naman eh! Bilisan mo sabi!” kinaladkad ko siya patungong soccer field. Paano ba kasi parang babae kung maglakad! Last game na ito ng Azkals at kailangan kong masubaybayan ‘yon, favorite soccer team ko kaya iyon.
“Chels, I’m tired.” Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Takot o excitement? Agad kaming huminto sa paglalakad, tinitigan ko siya. Chels, ito na ang pinakaayaw mong mangyari.
“Pagod ka na? Ayaw mo na akong ligawan, Kench? Susuko ka nang ganon ganon la--?” Hindi ko paman natapos ang sasabihin ko ay nagsalita na siya.
“Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin!” Tumimes two ang bilis ng tibok ng puso ko. ‘Kench, taasan mo pa ang pasensiya mo please?’ ‘yan lang ang tanging nasa isip ko ngayon.
“E, ano? Bakit ayaw mong sundin ang gusto ko? Diba gusto mo’kong ligawan? Gawin mo, Kench! Gawin mo kung anoman ang gus--.” Hindi niya naman ulit ako pinatapos.
“Chels, ayoko na. Pagod na ako! Pagod na akong sundin lahat ng gusto mo, para mo lang akong ginagamit Chels. Para makuha mo lahat ng gusto mo, paano ba naman kasi ‘tong taong nasa harapan mo ay isang tanga na sumusunod lang sa lahat ng gusto mo. Oo, mahal kita! Pero gusto ko na matuto ka Chels..” huminto siya sa pagsasalita. Tinitingnan ko lang siya, are you giving up on me, Kench? Please wag muna..
“Ang sporty mo kasi masyado, napagkamalan mo tuloy na isang sport ang puso ko. Hindi rin isang bola ang puso ko Chels, na kung bored ka ay paglalaruan mo lang ito. Utang na loob Chels! I'm not a game, a sport nor a toy.... tao ako Chels, nakakaramdam din."
Tumalikod lang ako sa kan’ya. “Fine. Marami pa naman akong manliligaw, go ahead Kench.” Salitang ‘di ko inaasahang lumabas sa mga bibig ko. Imbes na ‘please, don’t go’ ay yan ang lumabas.
“Tss. Anong klaseng puso ang meron ka Chels? What a frozened heart!”
BINABASA MO ANG
Frozened Heart
Humor“Ang sporty mong tao Chels … pati puso ko pinaglaruan mo, Anong klaseng puso ang meron ka!? What a frozened heart, Chels!” -Elvin Kench Ruiz