TFP|| 2nd Target

15.9K 186 8
                                    

Medyo may kaliitan lang to. PEACE!!!

~~~~~~~~~~~~~~~

Cryztal's P.o.V (Bago siya pumunta sa Plewar)

What are THEY doing here?

Gusto niyo ba malaman kung sino ang THEY na pinagsasabi ko? Wag kayong excited, mamaya ko na sasabihin =______=

Lumapit ako sa puntod nila mommy, enough para makita nila ako. Wow ah, kung makapagbodyguard wagas! Akala mo mamaya, may titira mula sa likod nila eh

"What are you doing here?" sabi ko na hindi pa rin tumitingin sa kanila, sa puntod lang ng mga magulang ko.

"Is that the way you talk Cryztaline?" sabi ng pinakamakapangyarihan sa buong mundo na lalaki. Ano, kilala niyo na?

"This is the way I talk. Problem?" cool na sabi ko. Ano kayang nasagap ng mga ito at naisipang bumisita dito sa Pilipinas?

"Not a bit of you changed, Xaira" sabi naman ng pinakamakapangyarihan na babae. 

"Either with you" sabi ko. Naramadaman ko ang pag-alis ng konting bodyguards. 

Kinuha ko ang picture ni mama. Sa panahon na nakasama ko sila, sa kanya ko nadama ang sobrang pagmamahal ng magulang. Inalagaan niya kami ng sobra-sobra. Kahit na sobrang nahihirapan na siya sa kakaalaga sa amin, kinaya niya. Ganun naman dapat ang magulang diba?

Naramdaman kong may yumakap sa akin. Yakap na ngayon ko lang naramdaman after many years. Yakap na ramdam na ramdam ko. 

"Xaira, don't worry, they are in a safe place now. Don't cry." sabi niya. Hindi ko namalayan na umiyak na pala ako.

"Don't cry Cryztal. Be brave for them, and for your siblings" sabi ng lalaki. After all these years, hindi rin nawala ang pagmamahal niya nila sa amin.

"I will grandma, grandpa" sabi ko

Tama kayo sa nabasa niyo. Sila lang naman ang grandparents ko, Empress Mary and Emperor Reek. Hindi ko alam kung bakit nandito sila. Vacation?

Tinanggal na nila ang yakap nila at pinahid naman ni grandpa ang luha ko. Ramdam ko ang pagmamahal ng pamilya sa kanila.

"By the way, why are you here?" tanong ko. Imposible naman na nagbakasyon lang sila dito. Busy kasi sila eh

"2 months nalang kasi at Christmas Ball. Kami ang naatasan mag-ayos ngayong year" -grandma

"Are we invited grandma?" 

"Of course Xaira. My beautiful and handsome grandchildren are the center of that ball." -grandpa

"Because you will be the most amazing teens on the ball" masayang sabi ni grandma at naglakad na kami papunta sa car nila.

Ay sosysal, nakaferrari ang grandparents ko XDD Nakiki-uso! Pumasok sila doon at ako naman ay pumasok sa car ko. We started driving, sinusundan ko lang sila.

Christmas Ball is the most important event of the Williams. Para siyang reunion but not completely reunion lang. Parang prom rin. On the end of the day, merong top 5 na pipiliin. Matagal na rin kaming hindi nakakasama sa ball ni Tiara. Pero this year, kailangan na talaga namin pumunta, 50th ball na kasi kaya magiging super grand yun. Nangyayari yun on the 24th of December midnight.

Speaking of months, hindi na makakaabot ng 1 month si Hillary :( 3 weeks nalang kasi at wala kaming magawa ni Xandra. We tried asking the best of the best doctor, pero wala rin siyang alam. Sobrang lala na daw kasi yun, more than 10 years na yun sa kanya. Hindi na rin siya pumapasok pero siya pa rin ang chairman

Secrets of Campus NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon