Click the external link for the group of my account's stories. Mark and Sapphire have facebook now!
Sadyang open-minded at mature na ang isip ko pero I know my limits....
Play the video >>>
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tiara's P.o.V
Nagising ako ng maaga. Its 3:00 in the morning palang. Actually, hindi talaga ako natulog. Inisip ko lang ng inisip ang nangyari.
I thought madali lang ang makapagmove-on pero hindi pala. Mahirap na mahirap. Lalo na sa part ko. Dahil lang sa totoo kong buhay kaya niya ako iniwan
Sumisikip na naman ang dibdib ko. I breathed heavily. Yun lang naman ang alam kong gagawin ko para maging maayos pero minsan I need to cry
Naligo na ako at nagbihis ng Red na fitted blouse and peach skirt, nag dark pink doll shoes ako. I breathed heavily again. Oo, mahirap sa pakiramdam pero pilit kong tinitiis to
Bumaba ako at dumeretso sa McLaren F4 ko then I started driving. I want to release this pain.
..................
Nandito ako ngayon kaharap ang parents ko. Pumunta ako sa cementery. Dito lang ang alam kong lugar kung saan ilalabas ang nararamdaman ko ngayon
Umupo ako kaharap ang puntod nila
"Mom, Dad, ganito pala ang feeling no? Bakit ko pa kasi hinayaan ang sarili kong magmahal? Alam ko naman na hindi dapat ako magmahal eh, pero sabi nga ng iba ang pag-ibig ay parang hanging. Dadaan nalang bigla-bigla at kung pinigilan mo, mamamatay ka" sabi ko at isa-isang tumulo ang luha ko "Ganito pala ang feeling mareject mom,dad. Naramdaman niyo kaya ang feeling na to?" Lumakas ang hangin "Wag naman kayong ganyan. Alam niyo naman na ayaw ko ng nagpaparamdam eh, nakakatakot. Haaayy.... hindi ko na alam ang gagawin"
An idea struck me. Kailangan ko to gawin. Kahit mahirap. Tumayo na ako
"Mom, dad, sana tama tong gagawin ko"
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. For everyone, I'll sacrifice my happiness. Sana lang hindi ako magsisi
Raine's P.o.V
Nandito ako sa may swing sa Green Day Park. Ang sakit ng ulo ko ngayon. Naisip ko kasi, ano bang meron sa pagiging royal ko at nilalayuan ako ni Drei?
Pati rin si Sharyn. She and Andrew broke up because of that reason too. Bakit ba sila galit sa royals? Wala naman kaming ginagawa eh
Well, except lang sa paggawa ng batas para sa katarungan... WALA NA!!!
Wala rin naman akong alam gawin para magkagusto ulit si Drei sa akin..... Meron ba?
Tumayo ako at naglakad-lakad. Kinuha ko naman ang iPhone ko galing sa aking Yellow purse and started to scroll on the photos.
Majority ng photos ay kami ni Drei. Masayang-masaya kami ng mga time na to. 4 and a half year, I think? At nakakatuwa lang because it all started with a sprain
Napakamaliit na dahilan. Dahi diyan, unang tumibok ang puso ko na mabilis. Dahil diyan, nagkaroon ng kulay ang buhay ko. Dahil diyan, may naiwan ako. Dahil diyan, naghintay ako. Dahil diyan, umiyak ako. Dahil diyan, nawalan ako ng lakas. Dahil diyan nalungkot ako. At dahil diyan, pinaasa ako.
Sinabi na una ni kuya Theiro at ni Ate Cryztal ang disadvantages and benefits ng pagiging royal. Isa na doon ang love. Sa una, hindi ako naniwala pero nung naranasan ko na, totoo nga. Lahat kami except si Kuya Theiro ay walang lovelife na masaya.
BINABASA MO ANG
Secrets of Campus Nerds
Adventure|COMPLETED| [1st book of Secrets] Isang Campus nerd na may tinatagong BIG secrets??? Si Mara Chara Sy, isang nerd na nag-aaral sa isang elite prestigious school bilang isang scholar. Ay half lang ng pinapakita niya ang totoong katauhan niya?! WAIT W...