After many days, nakapag-update na rin!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hillary's P.o.V
Minulat ko ang aking mga mata. Wala namang espesyal, nandito pa rin ako sa ospital. Nakikita ko pa rin ang mga appratus na nakadikit sa iba't ibang parte ng katawan ko. Araw-araw nalang...
Wala na masyadong bumibisita sa akin maliban lang kay Emerald at Trey na nagsasalitan sa pagbabantay. Pero tuwing hapon, mag-isa ako. Nasa P.U kasi sila. Bumibisita rin ang mga estudyante ng P.U.
Nakakasawa na rin dito sa ospital, ang kwarto at garden lang ang mapapasyalan. Ang lungkot. Pero wala nang makakatalo sa galit ko.
Oo, galit ako. Galit na galit. Galit ako sa mga magulang ko sa kadahilanang tinago nila sa akin ang sakit ko. Manhid man ako ng mga panahong iyon, may karapatan pa rin akong malaman ang totoo. Mga walanghiya.
Kumuha ako ng saging at iPad sa lamesang katabi ko lamang. Binuksan ko ang safari at nagsimulang magresearch tungkol sa mga magulang ko habang kumakain ng saging.
Nalaman ko na meron pa silang naging anak pagkatapos namin maglayas ni Emerald. Her name is Preach, Prech Cruz. Hindi naman daw sila naghiwalay pero malapit na sana. Sayang. Napatingin naman ako sa pintuan, may nagknock kasi.
"Come in" Hindi naman yun mga nurse. Hindi kasi sila nagknoknock
Bumukas ang pinto, Nakita ko naman ang mga magagaling na magulang ko. Tch. Hiwalay pala ah. Sa harap naman nila ay isang babae. Si Preach ata. Cute naman siya.
"H-hillary" nanginginig na sabi ni mom.
"What are you doing here?" cold na sabi ko
"Ate!" masiglang sabi ni Preach habang papalapit sa akin
"H-hillary, kapatid mo, si Preach" -dad. Umupo sa tabi ko si Preach
"Ate, bakit ka nandito? At bakit madaming nakakabit sa iyo?" sunod-sunod na tanong ni Preach. Hinawakan ko siya sa kamay
"Nagpapahinga lang si ate, Preach" sabi ko sa kanya pero parang hindi siya naniwala
Lumapit sa amin sina mom and dad at pinalabas muna si Preach. Si Preach naman, walang choice kundi maghintay sa labas,
"Anak, sorry" sabay nilang sabi. Tumingin lang ako sa kanila
"Tsk."
"Please anak, patawarin mo na kami" sabi ni dad. Patawarin?
"Tsk"
"Anak, patawarin mo na kami. Gagawin namin lahat para mapatawad mo kami" -mom. Napatingin na ako sa kanila
"Lahat?" paninigurado ko
"Oo, lahat" -dad
"Can you not waste your time on business and find more time with us? And please do not keep secrets anymore" -sabi ko
Tumingin sila sa isa't isa at parang nag-uusap sa mata. Edi sila na ang may kakayanan magbasa ng mata. Psshh =____= Kumuha ako ng apple at kinagat ito habang nakatingin lang sa kanila
"The clock is ticking" sabi ko sa kanila. Tumingin sila sa akin
"Pumapayag na kami" -sila
Eh yun pala eh, papayag rin pala eh......... WHAT!! Pumayag sila?!!!
Tumingin ako sa kanila habang gulat na gulat ang mukha ko. Sure sila? Eh sa pagkakaalam ko, halos lamunin na nila ang mga papel sa desk nila kung magtrabaho
BINABASA MO ANG
Secrets of Campus Nerds
Abenteuer|COMPLETED| [1st book of Secrets] Isang Campus nerd na may tinatagong BIG secrets??? Si Mara Chara Sy, isang nerd na nag-aaral sa isang elite prestigious school bilang isang scholar. Ay half lang ng pinapakita niya ang totoong katauhan niya?! WAIT W...