1♥

119 0 0
                                    

"Scarlet, una na kami ni Fei ah? Naghihintay na kasi si Daddy sa amin sa parking lot." Tumayo naman na si Fei nang sabihin iyon ni Gia kaya tumango na lang ako.

"Ingat kayo." Paalam ko sa kanila at nginitian naman nila ako.

Ilang saglit lang ay nakaalis na sila kaya pakiramdam ko ay kailangan ko na ring umuwi. May gagawin pa pala akong homework. Tsk. Estupidyante problems kasi, kanina pa ako dito sa library pero walang pumapasok sa isip ko. Lintik na Math 'yan, pahirap sa buhay.

Tumayo naman na ako para ibalik ang libro na ginamit ko pero natigilan na lamang ako nang may napansin akong pares ng mga mata na nakatingin sa akin na agad ring nawala. At dahil sa likas akong pakialamera, sinundan ko iyon pero nabigo ako. Pagkarating ko kasi sa pwesto kung saan ko siya nakita ay bigla na lang siyang nawala.

'Hindi naman siguro multo 'yon 'di ba?'

Sa isipang iyon ay nagsitayuan naman ang mga balahibo ko. Bumilis rin ang tibok ng puso ko kaya dali dali kong isinauli ang libro at lumabas na ng library. Baka mas lalo pa akong matakot dahil doon. Sana pala hindi ko na lang siya sinundan.

Naglakad naman na ako sa covered walk papuntang gate nang muli kong makita sa gilid ng mata ko ang pares ng matang iyon. Napalunok na lamang ako at dali daling naglakad. Lintik! Natatakot na ako! Hindi kaya nakagambala ako ng kaluluwa? Huhu. Please! Takot ako sa multo.

Phone ringing..

"Hello?"

"Hey sis, I'm here at the parking lot. Tapos na class mo 'di ba? 'Lika na."

That's my brother. Buti naman at susunduin ako ng loko! Natatakot na ako eh, baka nga multo pa 'yong nakita kong nakatingin sa akin.

"Papunta na ako kuya." Binaba ko na agad ang tawag at dali-daling lumiko para makapunta sa parking lot.

Habang naglalakad ako ay hindi mawala sa isip ko ang matang 'yon, parang nakita ko na or sadyang malawak lang imagination ko? Pakiramdam ko kasi kilala ko, pero hindi ko naman siya kilala. Ang gulo ko ba? Ako din naguguluhan sa sarili ko. Kung bakit pa kasi sinundan ko siya kanina sa loob ng library, eh 'di sana hindi ako magkakaganito.

"Lee!" May tumawag sa akin at nang lingunin ko ay nakita ko si kuya na nakasandal sa kotse niya. Tss. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng 'Lee.'

Lumapit naman ako sa gawi niya at pumasok na sa loob ng sasakyan. Kinukutuban ulit kasi ako, pakiramdam ko nakasunod sa akin ang taong 'yon. Huhu. "Hey. Okay lang ba Lee?"

Tumingin naman ako sa labas at tinignan ko sa paligid. Wala naman! Huhu. Bakit ba ako minu-multo? Kainis naman oh!

"Scarlet Lee Javier!"

"Waaaa! Multo!"

Napatakip nalang ako sa magkabilang tainga ko dahil bigla akong natakot dahil sa pagsigaw ni kuya. Ayoko sa multo please!

"What? Multo? Sira ka ba Lee?" Tinignan ko naman ng masama si kuya dahil sa sinabi niya. Ako pa ngayon ang sira, dahil nga sa kanya natakot ako. Akala ko biglang may multong sumulpot sa harap ko. Tss. Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula naman na siyang mag-drive. "Ayan kasi, lakas loob ba namang manood ng Insidious kagabi, natatakot ka tuloy. Tsk tsk."

"It's not that kuya. Para kasing may sumusunod sa akin kanina pa."

Saglit niya naman akong tinignan at agad ring binalik ang tingin sa daan. "Don't tell me na may stalkers ka?" Pagkasabi niya nun ay biglang kumunot ang noo niya. Ano na namang problema ng lalakeng 'to?

WHITE WINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon