2♥

58 0 0
                                    

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Naiirita na ako, may pa-blindfold blindfold pa kasing nalalaman ang lalakeng 'to.

"Just wait and see, Scarlet." Sagot niya na lang at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa tumigil na kami at nakarinig ako ng pagpi-play ng isang kanta.

Dahan-dahan niya namang tinanggal ang pagkakapiring sa akin at kahit malabo pa ang paningin ako ay nasisilayan ko na ang ilaw sa paligid.

Nang maging malinaw na ang paningin ko ay bumungad sa akin ang isang table na nakahanda na para sa dalawang tao. Mula sa mga dekorasyon sa paligid kasabay ng magandang view at nakakarelax na music ay hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin ang lalakeng nasa harap ko ngayon. "Oh my gosh. Thank you so much love for this." Sobra sobrang saya na ang nararamdaman ko dahil sa effort na ipinakita niya. May maihihiling pa ba ako mula sa kanya?

"Happy anniversary Scarlet. I love you."

"I love--"

Phone ringing..

Napabangon naman ako kaagad nang marinig kong nagriring ang phone ko. "Hello?" Kahit garalgal pa ang boses ko ay hindi ko na inintindi dahil antok na antok pa ako.

Wala naman akong narinig mula sa kabilang linya kaya nainis ako. Tinignan ko ang caller I.D pero numero lang ang naka-display. Tsk. Istorbo! Ibaba ko na sana ang tawag nang biglang nagsalita ang tumawag, "Scarlet?"

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses ng tumawag. Hindi ako pwedeng magkamali, kaboses niya yung lalakeng laging nasa panaginip ko. "Sino ka?" Tinignan ko ulit ang screen pero naputol na ang tawag. Napabangon na lamang ako at para akong nauntog sa pader dahil sumakit bigla ang ulo ko. "Kuya!"

Wala pang isang minuto ay nakapasok na si kuya sa kwarto ko at agad akong nilapitan. "Bakit? Anong masakit sa'yo Lee?"

"Sumasakit na naman ulo ko kuya."

"Saglit, kuha lang ako ng tubig at ng gamot mo. Mahiga ka lang dyan." Pinahiga naman niya ulit ako at lumabas na ng kwarto ko.

"Scarlet.."

Hindi ko alam kung nagha-hallucinate lang ako pero narinig ko na naman ang boses niya. Pero baka guni-guni ko lang iyon. Ang sabi pa naman ng matatatanda, 'wag mo daw lilingunin 'pag may tumawag sa'yong medyo kataka-taka.

Sino ba naman kasi iyong tumawag sa akin sa ganitong oras? Kainis naman oh. Ang ganda na ng panaginip ko eh.

Panaginip?

"Happy anniversary Scarlet. I love you."

Iyang part na lang ang maalala ko. Pilit kong inaalala ang mukha noong lalake pero hindi malinaw sa akin ang pigura niya. Bakit pakiramdam ko kilalang kilala ko talaga siya? Pero sino kaya siya? At bakit sa panaginip ko, masayang-masaya ako dahil sa kanya? Anniversary? Sa pagkakatanda ko, wala pa akong naging boyfriend. Paanong magkakaroon kami ng anniversary?

"Lee, heto inumin mo." Tinulungan naman ako ni kuya na bumangon para ipainom niya sa akin ang gamot ko. Lagi niya akong pinapainom ng ganito kapag sinusumpong ng sakit ang ulo ko. Normal lang daw na sumakit ang ulo ko pero saang parte doon ang normal? Ang sakit kaya, parang mababasag ang ulo mo. "Okay na ba Lee?" Tanong sa akin ni kuya kaya tumango ako at pinahiga ulit ako. "Matulog ka na. Dito muna ako."

"Kuya.." Tawag ko sa kapatid ko kaya nilingon niya naman ako. "Hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'yong kanina, pero parang may tumawag sa akin. Dito ka muna please, natatakot kasi ako." Hindi naman talaga ako natatakot, pero parang gusto ko lang kasi muna ng comfort matapos 'yong panaginip kong iyon. Para kasing bumigat bigla ang pakiramdam ko. Parang gusto kong umiyak pero hindi ko alam kung bakit. Panaginip lang naman iyon pero bakit parang totoo?

WHITE WINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon