4♥

48 0 0
                                    

Nagdaan ang ilang araw at aaminin kong napapalapit na ang loob ko sa kanya. Alam kong mali ito dahil alam kong may girlfriend na siya pero heto pa rin ako at dikit ng dikit sa kanya. Naging routine na rin namin ang pagkikita sa umaga sa park, kasabay na rin ang pagkain namin ng breakfast na siya ang laging nagbibigay. Pero iibahin ko ngayong araw. Sinabihan ko kasi siya kahapon na nagsasawa na ako sa mcdo at magluluto na lang ako ng pagkain para sa aming dalawa.

Kaya hindi na ako makapaghintay. Nagising pa ako ng maaga para makapag-prepare. Patawarin sana ako ng Diyos kung nagugustuhan ko ang ginagagawa ko ngayon, kahit na alam kong hindi dapat. Hindi ko pa rin kasi nakikilala ang girlfriend ni Levi, kaya natatakot akong isang araw makikilala ko siya. Kung bakit kasi taken na siya.

Hinatid naman na ako ni Kuya sa school kahit na alas siyete pa lang. Nakarating ako sa park na wala pa si Levi. Ang weird, siya ang palaging nauuna sa aming dalawa, pero bakit wala pa siya? "Maghihintay na lang ako. Siguro natraffic lang siya." Sambit ko sa sarili ko at naupo doon sa isang malaking bato.

Lumipas na ang ilang minuto pero wala pa ring Levi na dumarating. May nangyari kayang masama sa kanya? May sakit ba siya o ano? Halla, baka naman nagkasakit siya dahil kahapon nagtampisaw na naman kami sa fishpond? O baka naman magkasama sila ng girlfriend niya?

Sumasakit ang ulo ko kakaisip kung bakit hindi pa dumarating si Levi. I was looking forward to this day. Napagdesisyunan ko kasi kagabi na dapat layuan ko na si Levi, lalo na ngayong may kakaiba na akong nararamdaman. Mali ito, maling-mali. Dapat hindi ko kinaibigan si Levi, pero hindi ko makontrol ang sarili ko lalo na kapag nakikita ko ang masayang mukha niya.

"Scarlet.." May tumawag sa akin mula sa likod, ine-expect kong si Levi pero nabigo ako nang makita kong si Leonard ang dumating. Mula nang maging partner ko siya sa isang activity noon ay hindi ko na siya nakausap, medyo naweirduhan din kasi ako sa kanya.

"Leonard." Tatayo na sana ako para makalapit sa kanya nang bigla akong nakaramdam ng pagkirot ng ulo ko.

Nasaksihan ko naman ang paglapit sa akin ni Leonard pero bago ako nawalan ng malay ay nakita ko si Levi na nakatayo sa likuran niya.

--

"I love you Scarlet." Naalimpungatan naman ako nang may narinig akong boses. Parang magic na nagpagising sa akin. Pero nang minulat ko na ang mata ko ay mag-isa lang ako sa isang silid na sa tingin ko ay ang clinic.

Babangon na sana ako nang may maramdaman ako sa kamay ko at nang makita ko ay isang feather. Paanong magkakaroon ng feather dito? Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong charm na may feather.

"Okay ka na?" Pumasok naman sa silid si Leonard at naupo sa silya sa tabi ng higaan.

"Nakita mo ba si Levi? I mean, nakita mo ba 'yong lalakeng nasa likuran mo kanina sa park?" Tanong ko dahil alam kong nakita ko siya kanina bago ako nawalan ng malay.

Pero hindi niya ako sinagot, instead, sa ibang direksyon siya tumingin. Medyo nainis naman ako dahil doon sa inakto niya. Bakit hindi siya sumasagot?

"Leonard! Tinatanong kita!" Bakit wala si Levi? Sigurado akong nakita ko siya, nandoon siya kanina. Bakit wala siya ngayon?

"Scarlet, wala na si Levi." Mahinang sambit niya pero para akong nabingi sa sinabi niya.

"Ha? Anong ibig mong sabihin? Saan ba kasi siya nagpunta?" Gusto kong maiyak. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong magwala, gusto kong umiyak ng umiyak. May kung anong sumasakit sa akin at gusto ko lang iiyak buong gabi.

Nilingon niya naman ako at parang hirap na hirap na siyang sagutin pa ang tanong ko. "Wala na si Levi, Scarlet. Matagal na. Tatlong buwan na ang lumilipas."

WHITE WINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon