CHAPTER 18

508K 9.7K 1.1K
                                    

"Iñigo hi, anong ginagawa mo dito? Halika pasok." Pumasok si Iñigo ng gate na pinagbuksan ni Cassandra.

"Babalik ka na ba ng resthouse?" Tanong ni Iñigo habang naglalakad sila papuntang main door.

"Hindi pa, maya-maya siguro. Lalabas kasi kami." Natigil ang dalawa sa paglalakad at tumingin sa may pinto ng nagtitili si Gelo.

Lumabas itong tumatakbo na sigaw ng sigaw ng mommy. 

Napangiti si Iñigo, pero biglang napawi ang ngiti niya ng makita si Miguel na hinahabol si Gelo kaya ito tawa ng tawa.

Yumakap si Gelo sa hita ni Cassandra. Tumigil naman si Miguel ng makita si Iñigo.

"Anong ginagawa mo dito?" Matigas ang bagang na tanong ni Iñigo.

"Eh ikaw. Anong ginagawa mo dito?" Balik na tanong ni Miguel na pinagtagis din ang bagang.

"Issue again? Please wag niyong dalhin sa bahay ko ang mga issue niyo." Ngumiti si Cassandra sa dalawa.

"Sorry Cassy/Andra." Sabay ng dalawa. Ngumiti nalang si Cassandra. 

"Tara Gelo, laro uli tayo." Akmang kukunin ni Miguel si Gelo pero agad na binuhat ni Iñigo si Gelo.

"Layuan mo anak ko. Sipsip!" Sabay alis ni Iñigo at pumasok sa bahay. Nagtinginan si Cassandra at Miguel.

"Anak niya daw." Sabi ni Miguel na nakatingin kay Cassandra,  medyo natawa si Cassandra.

"Ang adik talaga n'on. Pinapatawag kasi niyang daddy si Gelo sakanya. Halika na nga." Pumasok ang dalawa sa loob.

Nasa sala na si Iñigo at Gelo na naglalaro ng robot na mukhang dala ni Iñigo. Lumapit si Miguel at Cassandra sa dalawa.

"Iñigo, bakit ka nga pala nagpunta dito? Aalis kasi kami eh." Umupo si Cassandra sa single na sofa.

"Saan kayo pupunta?"-Inigo

"Kakain kami sa labas." Si Miguel ang sumagot. Matalim na tingin agad ang binigay ni Iñigo dito.

"Ready na ako ma'am Andra para sa lunch natin sa labas." Lumingon ang lahat sa yaya na kakababa lang sa hagdan, bihis na bihis ito.

"Andra, mag luluto nalang ako ng lunch, maaga pa naman eh. 9:30 palang. Ipagluluto kita ng callos. Gusto mo yun diba?" Sabi ni Iñigo, na ikinainis naman ni Miguel.

"Talaga! Pero walang ingredients eh. Tsaka."- tumingin si Cassandra kay Miguel na katayo sa gilid niya at nakacross ang braso. Magtatanong sana siya.

"Yaya pwede kang bumili ng ingredients?" Tanong agad ni Iñigo at hindi na niya hinayaan na magbigay pa ng opinyon si Miguel.

"Sir Iñigo naman eh. Ready na ako sa date namin ni Fafa Miguel eh." Natawa si Cassandra sa sinabi nito.

Tumayo si Iñigo at nilapitan ang yaya sabay akbay nito at bumulong dito.

"Sige na yaya. Bibigyan kita ng bonus, bumili ka lang. Please!" Ngumiti ang yaya.

"Sige na nga." Pagpayag nito.

Humingi lang si Iñigo ng papel at ballpen at naglista at binigay sa yaya tsaka naman umalis ang yaya.

Umupo muna ang tatlo sa living room habang nagaantay sa pag balik ng yaya.

"Bukas nalang ang date natin Cassy, puntahan kita sa Tagaytay. Pasyal mo nalang ako d'on."  Sabi ni Miguel dito. Nakaupo ito sa katabing sofa na kinauupuan ni Cassandra.  Ngumiti si Cassandra at tumango.

Slept with a Stranger #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon