Okay this is it guys. Madaming affected na readers, naiinis lahat kay Martina, dahil sobrang bad.. Magandang sikat na model pero habol ng habol sa ex.. Hindi nga naman tama yon at talagang gumawa pa siya ng ganung bagay. Pero hindi pa tapos ang kwento kaya relax muna tayo ah.... Dito masasagot ang mga tanong niyo? Hindi pa sana ako update kasi hindi ko pa tapos ayusin.. pero ito na napa-update dahil medyo ang iinit na talaga ng ulo ng ibang readers kay Martina... Tapusin ko na nga to.... edit ko na lang after niyong basahin. haha!
__________________________
Halos masiraan na ng bait si Iñigo sa kakaisip. Hindi niya alam kung saan siya nag-kulang para lokohin siya ni Andra ng ganito. Wala ng isang buwan kasal na nila pero bakit nangyayari pa ang mga ito.
Inubos niya nga natitirang laman ng bote ng beer. Nasa balkonahe siya ng sariling kwarto at umiinom mag-isa.
Isang araw palang niyang hindi nakikita si Andra para na siyang masisiraan ng bait. Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Mariin niyang ipinikit ang mata niya.
Biglang nanariwa ang mga alaala nila ni Cassandra. Naisip niya bigla ang mga huling gabi nila bago nangyari ang hindi maganda sa pagitan nila.
Hindi man lang niya naramdam na hindi siya nito mahal. Nag-bago ito ng mga huling araw, malungkot pero panay ang yakap sa kanya. Halos oras-oras nitong sinasabing mahal siya nito. Ito pa ang nag-aaya sa kanya na mag-niig sila. At sa tuwing gagawin nila ang bagay na 'yon. Paulit-ulit nitong sinasabi ang salitang 'mahal na mahal kita, Iñigo.'
Ang huling gabi nilang mag-kasama at pag-katapos nilang mag-siping. Malinaw na malinaw sa isip niya ang sinabi nito.
"Mahal na mahal kita, ikaw lang ang minahal ko ng ganito. At ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay." May lungkot sa tinig nito at ramdam niya iyon.
Kaya hindi niya maintindihan ang nangyayari. Nanariwa uli ang alaalala nila sa utak niya, mula sa unang pag-kikita nila hanggang sa proposal.
Sumilay ang mapait na ngiti sa labi niya ng maalala ang pag-kagulat nito noon sa surprise proposal. Tandang-tanda pa niya ang mga salitang binitawan nila sa isa't isa.
"Thank you, dahil dumating ka sa buhay ko. Mahal na mahal kita. Wag mag babago ang isip mo ah."
"If it will happen, siguro kung may isang mabigat na dahilan lang. Pero hinding-hindi mangyayari 'yon, at walang bagay na pu-pwedeng makapag pabago sa isip ko. Ikaw ang buhay ko Iñigo, ikaw at si Gelo. Ikamamatay ko kapag nawala ang kahit na isa man sa inyo."
Napadilat siya bigla at naingat ang likod mula sa pag-kakasandal sa alaalang iyon. Bigla ang hindi maintindihan kaba na naramdaman niya.
"Mabigat na dahilan," anas niya. Napasandal uli siya.
"Si Miguel, siya siguro ang mabigat na dahilan." Napatiim bagang siya at madiing pinikit uli ang mata. Pero muli ring napadilat, bigla-biglang pumapasok sa kanyang utak ang mga huling sinabi ni Andra noon at ang dalawang nakaraan gabing mag-kasama sila.
Parang may mali.. sa isip niya.
Kung ibabase niya sa akto ni Andra, wala siyang maramdamang hindi na siya nito mahal. Sa halip mas naramdaman pa niya ang pag-mamahal nito. Magulo, magulong-magulo. Hindi nito sinabing hindi na siya mahal at hindi rin nito sinabing mahal niya si Miguel.
"Kailangan ko siyang makausap ulit, hindi pwedeng ganito. I love her so much, para pakawalan lang siya basta." Tumayo siya at pumasok ng silid. Nag-palit lang ito ng t-shirt saka lumabas.
BINABASA MO ANG
Slept with a Stranger #Wattys2015
RomanceHave you ever had sex with a complete stranger? What if you did? What are you going to do if you had sex with a stranger? Yung tipong kahit itsura niya hindi mo nakita, Hindi niyo kilala ang isa't-isa, totally stranger. Ang masaklap nag bunga ang i...