CHAPTER 5

724K 12.5K 746
                                    

"Akalain mo 'yon may anak na pala si Andra," ani Matthew kay Iñigo. Nasa opisina sila ni Iñigo.

"Oo nga eh."

"So..."

"What?" Iñigo asked.

"Is that okay with you? Ready ka bang maging daddy ng anak niya?" Nangunot ang noo niya.

"Anong sinasabi mo?" Iñigo was consufed.

"Dude, obvious naman na may gusto ka eh."

"And where did you get that Idea?" Umangat si Matthew sa pagkakasandal at humarap ng husto sa kanya.

"E bakit mo siya tinatawagan lagi? Halos araw-araw." Tanong ni Matthew

"Pinagsasabi mo?" pag-mamaang-maangan niya.

"Reghie told me, araw-araw mo raw tinatawagan," Matthew said and smirked.

"To ask her about the layout," sagot niya. Natawa ng mahina si Matthew.

"Kahit sinabi sa 'yong 3 weeks bago matapos. Ang obvious mo," naiiling na sabi ni Matthew. Napa-haplos na lang si Iñigo sa ulo.

"Hindi nga daw 'yon natutulog para lang matapos agad ang layout dahil tawag ka daw ng tawag."

"Talaga!?" lalong napangisi si Matthew sa reaksyon niya.

"Wala ka ngang gusto. Pero kung nakita mo lang ang itsura mo kanina ng malaman mong may anak si Andra, mukha kang tanga na nakatulala."

"Praning ka lang. Kung ano-anong sinasabi mo," pinagtawanan lang siya ni Matthew.

****

"Let's go baby, we're going to Tagaytay. Mag-ho-horseback-riding tayo doon. Gusto mo?"

"Yes, mommy! I wanna ride on a horse. Yehey!" napangiti si Cassandra sa nakikitang pag-ka-excited ng anak. Lumabas sila ng gate habang hawak niya ang kamay ng anak.

May isang magarang black BMW X5 naman na huminto sa tapat ng bahay nila. Mabilis na umibis ang lulan nito na ikinagulat ni Andra. Hindi niya inaasahan na si Iñigo iyon. Iba kasi ang dala nitong sasakyan noong nagpunta sila ng Tagaytay. At ano naman ang ginagawa nito dito.

"Tito Iñigo!" tawag ni Gelo, sabay takbo palapit dito. Kinarga naman agad ito ni Iñigo.

"Hay! Bagay silang maging mag-ama 'no yaya?" lumingon si Cassandra mula sa kanyang likuran. Nasa likod na rin pala niya si Preyh at yaya ni Gelo. Binalik niya uli ang tingin kila Iñigo.

"Oo nga ma'am Preyh, ang gwapo niya sobra. Bagay sila ni Ma'am Andra." sagot naman ng yaya. Nilingon niya uli ang dalawa.

"Kayong dalawa pwede ba manahimik nga kayo," saway niya sa dalawa. Lumapit sa kanya si Iñigo.

"Hi," bati nito sa kanya.

"Hello, anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Naisip ko lang na samahan na kayo papuntang Tagaytay. Paalis na ba kayo?" Ang usapan kasi nila sa Tagaytay na lang sila magkikita nito.

Slept with a Stranger #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon