Mula po sa kaibuturan ng aking PUSO ay humihingi po ako ng kapatawaran sa matagal pa UPDATE. Yuletide season po kasi .. tsaka berday ko rin. hehehe
============================================================
“Hahaha!!! Are you kidding? Ano ka sinuswerte? I will not kiss you, not in this lifetime!”
“Ok. So ngayon, just say goodbye to your beloved pocketbook!”
“W-wait! A-ano, ahm…”
“Yes?”
“Pwedeng iba na lang? I mean, kahit ano wag lang kiss.”
“Uhm, teka. Mag-iisip muna ako.” Habang nag-iisip siya ay lihim kong hiniling na mag-evaporate na lang siya. “Alam ko na. Magmo-movie marathon tayo sa bahay namin.”
“S-sa bahay niyo? No way! Sa amin na lang.” Asa ka. Baka ano pang gawin mo sa akin doon sa inyo, masira pa ang future ko.
“Ok. Pero dapat ako ang mag-decide kung anong movie ang panonoorin natin.”
“Whatever!”
“Nasa sala kami ngayon. Ang unggoy? Andun nakatihaya sa sofa. Ako naman nire-ready yung player.
“Matagal pa ba 'yan?”
“Malapit na SENYORITO!!!”
“Ano?”
“Wala! Sabi ko ready na!” Tapos umupo ako dun sa tabi ni Zone. Oops.. wag malisyosa. Alangan na man sa sahig ako umupo? Yung movie na pinili ni Zone ay “This Guy's Inlove with you Mare”.
Tawa ako ng tawa dun sa fight scene ni Vice Ganda to win Tony's attention. Pero nagulat ako ng biglang naghilik si Zone. Nakatulog siya habang naka-upo. At dahil sa may consideration akong mamamayan ng Pilipinas, ay inihiga ko siya sa sofa at piñata ko yung TV then kumuha ako ng pillow at kumot sa kwarto ko para naman comfortable sa sa pagtulog.
Kinuha ko yung pb (pocketbook) ko na hawak ni Zone at dumuretso na ako sa garden para ipagpatuloy ang naudlot kong moment kanina.
BINABASA MO ANG
Back To December ( Blowout Familia DMSTR )
Teen FictionA story inspired by Taylor Swift`s song. Maaaring magtaka kayo kung bakit halos iisang POV lang po ang naririto. Pasensya.. Na-influence lang po ng pocketbook style of writing.. but in the end, may mga pagbabago naman.