Getting Closer

30 1 0
                                    

Note: At sa wakas natapos din ang debate.  My group which is Group 1 ay 93…..the other Group??? Basta mas mataas yung samin! Yeheeeeeyyyyyyyy!!!!

==================================================

Libby's POV

Nandito ako ngayon sa garden sa may likod ng bahay namin. Nakasakay ako sa hammock na nakasabit sa dalawang puno ng talisay. Dito ako tumatambay pag-weekends at walang pasok. Nakaka-inspire kasi dito.

May mga orchids si Mama na alaga.  Love na love niya ang mga orchids na ito. Infact she named one of it as “Mahalimuyak”. Baby niya daw :(

Pasukan na next week kaya lulubos-lubosin ko na  ang pagbabasa ng PB (pocketbook). Hindi  nyo po naitatanong  pero certified Stallionista po ako and the rest of DMSTR. Stallion, and Stallion Island were our favorite series written by Sofia and Sonia Francesca (sipsip sa Author!!!).

Ang binabasa ko ngayon ay ang story ni Icen Villazanta. Hindi ko nga mapigilan yung luha ko eh. Feel na feel ko kasi yung hurtness ni Kassandra (siya po yung heroine). Grabe naman kasi tong si Icen ang manhid. Tapos sa harap pa ni Kassandra siya magpo-propose sa Gf niya? OUCH !!!!!!!!!!!!!

“Huhuhu….” Wala na. Iyakan na talaga to. Kainis naman oh! Hindi pala ako nakapagdala ng tissue. “Huhuhu”

“You need this?” from somewhere ay nag-abot sa akin si Zone ng panyo.

“No thanks.” Iniwas ko sa kanya yung mukha ko para hindi niya makita yung pang lamay kong face. Pero iniharap niya yung mukha ko sa kanya at saka pinunasan nya yung luha ko.

“Why are you crying?”

“Wala. Nag-eemote lang.”

“Nag-eemote? Tell me, did your boyfriend hurt you?” Asus tong lalaking to. Akala mo kung sinong knight in shining armor.

“Hindi ako inano ng bf ko dahil wala naman akong bf.”

“Really?”

“Kung maka-REALLY ka naman WAGAS! Hindi ako pangit. Choosy lang ako kaya wala akong bf.”

“Hindi ko naman sinabing pangit ka ah.”

“Hindi daw.” Sabi ko in a semi-whisper voice.

“Hindi naman talaga. Kung walang bf ang nanakit sayo, bat ka umiiyak?”

“KAPAG BA UMIYAK ANG ISANG BABAE SINAKTAN AGAD NG BOYFRIEND?? HINDI BA PWEDENG FEEL LANG YUNG BINABASANG STORY?”

“Ah ganun ba?” at tsaka lumapit siya at kinuha yung pb n binabasa ko.

“Akin na yan! Ano ba!”

“Babasahin mo pa rin to?”

“Alangan! Hido ko pa nga yan tapos eh!! Kaya ibigay mo na yan kung ayaw mong masaktan! Now na!”

“Kung kaya mong makuha to sa akin!” saka siya tumakbo. Ako naman eh, hinabol siya. Nakakainis naman! Interuption sya sa momentum ko.

Napagod na lang ako sa kakatakbo pero hindi ko pa rin nakukuha yung pb ko kay Zone.

“Haaaaahhhhhhhhhh!!!! Please lang naman Zone. Ibalik mo na yan sa akin.”

“Ayoko nga.”

“Zone, please.”

“Nope.”

“PLEASE.”

“Ok. But in one condition.”

“What condition?”

“Kiss me.”

Back To December ( Blowout Familia DMSTR )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon