His Point Of View

29 0 0
                                    

Note: 2 times na off yung PC na gamit ko. Na-OFF nila yung AVR ........HUHUHU

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

♫ From the moment I saw you, from the moment I looked into eyes. There is something about you I knew I knew ♫

Hindi ko mapigilan ang mag-smile. She's so adorable. Unang kita ko pa lang sa kanya kahapon ay nakuha agad niya ang attention ko. She's beautiful. Matangkad siya na prim and proper ang personality. Tatawagin ko sana siya kaya lang nakasakay na siya ng jeep. At kagabi nga ay nakita ko ulit siya.

*flashback*

Pagpasok ko sa bahay nina Tita Khai ay nakita kong pinapakilala ni Mama si Kuya Zero kay Libby ( I know her name kasi neighbor nga kami dati di ba?). Nang kami naman ang turn na magkakilala ay nag-smile ako sa kanya.

“Ah eh. Ayaw ko pang mamatay.”

“Hah?!” Anodaw?

“Please don't give me your killer smile.”

?....croak……croak……?

“Ah..” na-gets ko na. Banatera pala to. “Kumain na tayo, gutom lang yan.” At nauna na akong pumunta sa dinning area. After naming kumain ay pinuntahan ko si Libby sa may terrace.

“Ayos yung pick-up line mo ah.” Sabi ko sa kanya. Napansin kong medyo nagulat siya.

"Ah eh oo nga. Cute no? GM lang yun ng classmate ko." 

GM pala hah. Nag-isip ako ng magandang pick-up line na pwedeng i-banat sa kanya. “Giniginaw ka ba?” Medyo naguluhan siya at first pero agad din namang nakabawi.

“Medyo. Bakit?” Hulika!

“Gusto mo ng hug?” nag-smile siya then sumagot.

“Oo bakit?” sagot niya. Got 'ya! Pit fall.

“TRY MO I-HUG YUNG PLANTSA SIGURADONG MAG-IINIT KA! Hahaha!!!” At hindi ko na napigilan. I burst out laughing. Nakita kong namula siya. Tumayo siya at akmang magwo-walk out pero pinigilan ko siya.

“Wait! Joke lang yun. Peace?” sabi ko sa kanya with matching smile. She smiled back but in a sarcastic way.

“Nakakatawa.”

Naku nagalit ata siya. “Wag ka na magalit.” Nagpa-cute ako sa kanya. Effective daw kasi yun sabi ng mga GFs ko dati. Full of charm daw kasi ako.

NOTE: Hindi pomasyadong mayabang si Zone. Promise.

“Hindi naman ako galit. Pupunta lang sana ako sa CR kasi nakakasuka yung banat mo.” Sabi niya then pumasok na siya sa kwarto niya.

*End of flashback*

“Nakakabaliw yan.” Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa may likuran ko.

“What do you mean?” At saka nilingon kosi Kuya Zero.

“Ikaw. Nababaliw ka na.”

“Ba't mo naman nasabi Kuya?”

“Kanina lang, nakatulala ka. After a while, naka-smile kana.Tsk. Tsk. Masama yan.” Yun lang at umalis na siya. Minsan talaga, hindi ko ma-gets si Kuya. Kahit magkapatid kami hindi siya masyadong nag-oopen up sa akin. I can say that he is somewhat mysterious.

Back To December ( Blowout Familia DMSTR )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon