2

21 0 0
                                    

Chapter Two

First Day.

Oo nga't first day pa lamang ng pasukan pero isang himala din dahil napapayag agad ni Seth Jairo Tan si James Marion Sy na sumama sa kaniya ang kakambal nito.

"This is so unbelievable" bulong ni Seth sa sarili habang naglalakad papalabas ng campus dala dala ang bag ni Ms. Good catch na si Rebecca Jade Tan.

"What's unbelievable?" Nagtatakang tanong ni Jade sa kaniya.

"This. Etong magkasama tayo. It's unexpected! Kasi naman nung first year pa lang tayo crush na kita kasi palagi kitang nakikita sa bleachers kapag may liga ng basketball kasama mo mga kaibigan mo" nahihiyang saad ni Seth kay Jade.

Napangiti si Jade sa sinasabi ni Seth sa kaniya.

"Nung nag laro kayo dati ni Alexis sa court. Nandun ako. Pinapanood kita sa loob ng hall nun. Manghang mangha ako kung pano mo nagagawang ngumiti kahit sa maliliit na bagay lang" dagdag pa nito sa kwento kay Jade.

Natutuwa naman si Jade na malamang kilala pala talaga siya ni Seth

"Pero bakit hindi mo alam na kakambal ko si Jm?" Tanong ni Jade sa kaniya.

Nagtataka din kasi siya. Gayong alam ni Seth ang mga ginagawa niya noon pa lang.

"Ni hindi ko nga alam ang apelyido mo eh. Kinukulit ko pa yung kuya ni Alexis non. Si Sean, sabi ko sa kaniya itanong niya kay Alexis kung ano pangalan at apelyido mo kaso ayaw talagang sabihin sakin. Nung pumasok ka sa room kanina na kasama mo si Marion nabigla ako. Sabi ko sa sarili ko ikaw yung matagal ko nang hinahanap na babae. Kaso mukhang sabit kasi kasama mo si Marion, eh good catch siya. Buti na lang magkakambal kayo" nakangiting kwento ulit niya.

Nandito na sila ni Seth sa Starbucks na malapit lang sa school nila.

"What do you want?" Tanong ni Seth sa kaniya ng makapasok na sila sa loob.

"It's on me" nakangiting dagdag niya.

"I'm okay with Strawberry and Cream"

Nakangiting sagot ni Jade kay Seth.

"Dalawang Strawberry and cream, venti" nakangiting saad ni Seth sa counter.

"Two Strawberry and Cream for Sir Seth Jairo" ulit ng babae sa order ni Seth.

Bumalik na ulit si Seth sa kinauupuan ni Jade. Naka-headset si Jade at mukhang may pinapanood.

"Hey?"

Hindi siya napansin ni Jade dahil nakaheadset ito.

"Ms. Spongebob ka pala ha" bulong niya sa sarili nang mapansing nanonood si Jade ng Spongebob.

Nilabas niya ang cellphone niya at kinuhanan ng picture si Jade ng nakangiti.

"Ganda. Huy!" Tawag niya ulit kay Jade.

Umangat si Jade at tumingin sa kaniya na parang nagtatanong kung bakit.

"Two Strawberries and Cream for Sir Seth" sabi sa counter.

Tumayo siya at kinuha ang order nila ni Jade.

Iniabot niya agad kay Jade ang isa at isa sa kaniya.

"Thank you Seth!" Nakangiting pasasalamat ni Jade kay Seth

"Anything for someone as pretty as you my lovely princess" nakangiting sagot nito at kumindat pa kay Jade.

Tumawa na lang si Jade at ininom na ang inorder niya.

"Ang gwapo nung lalaki. Grabe!" Napakinig ni Jade ang bulungan ng mga babae sa kabilang table at titig na titig kay Seth

"Seth, may girlfriend ka ba?" Tanong ni Jade na medyo nilakasan niya pa para mapakinig ng mga babae sa kabilang table

"Wala eh" nakangiting sagot ni Seth.

"Ang protective kasi nung kakambal ng gusto kong ligawan"

Napatigil si Jade sa sinabi ni Seth.

"Ha?" Tanong niya.

"Wala nevermind what I said" nakangiting sagot ni Seth.

"Anong gusto mo sa babae?" Natatawang tanong ni Jade kay Seth.

Sa kaloob looban ni Jade ay hindi niya masisisi ang sariling kiligin dito. Dahil grade 5 pa lamang siya ay kilala na niya si Seth. Crush niya na si Seth nung grade 5 sila. Kaso hindi sila magkasama sa school dahil si Seth ay sa private school ng mga lalaki nag aaral at siya naman ay sa private school para sa mga babae.

Nung first year highschool siya ay palagi na siyang nanonood ng pa-liga sa kanila dahil player ang kuya Ian niya at ang kakambal niyang si Jm. Si Cloud naman nakikisali na din.

Pero ang pinakadahilan ng panonood niya ng basketball tuwing gabi ay hindi ang mga kapatid niya. Kundi si Seth Jairo na crush niya.

"Gusto ko? Yung simple lang. Walang arte. Good catch. Tska yung mahilig sa spongebob. Yung pati case ng phone spongebob tapos yung bag may wallet na spongebob. May pouch na yellow na may laman na laruang spongebob. Ang cute kasi tingnan sa babae pag ganon eh" Nakangiting saad ni Seth.

Natawa naman si Jade sa sinabi ni Seth.

"Spongebob? Talaga lang ha?" Asar niya kay Seth.

Hindi naman kasi halatang may hilig din pala ito sa spongebob

"Parang ikaw. Simple ka. Good catch. Hindi maarte. Tska mahilig ka sa spongebob" nakangiting dagdag ni Seth.

"Shut up Seth" pag pipigil ng kilig na sinabi ni Jade sa kanya.

Tumayo na sila at nagsimula nang maglakad papunta sa sakayan ng jeep para umuwe.

My Sweet FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon