4

14 0 0
                                    

Chapter Four

Where it all started

~back to reality~

"Just look at the mess we started Seth. Nagsimula tayo sa pinaka-ayos na pagpapaalam ng panliligaw. Tapos malalaman ko na lang kay Cloud na may iba ka pala?" Halos mangiyak ngiyak na sabi niya kay Seth

"Look. Wala akong iba. Just listen to me. Trust me" nangingilid ang luhang sagot sa kaniya ni Seth.

"Seth how can I trust you? When you already damaged this!" Sabay turo ni Jade sa tapat ng puso niya.

"You left me like I was just a piece of paper waiting to be blown away by the wind" hindi na niya napigilang umiyak.

"Seth, I loved you! You know how much I love you Seth! Until now. I can't blame myself for losing such trust in you" tuluyan na siyang umiyak at tumayo siya sa upuan niya.

Nagpunta siya sa banyo upang punasan ang luha niya.

"Jade, I'm sorry" tanging sagot ni Seth sa lahat ng sinabi niya.

Bakit nga ba asang asa ako na kami ni Seth hanggang sa dulo? Pano nga ba talaga kami nagsimula?

Pano nga ba naging kami?

~continuation of flashback~

Days passed. Araw araw hatid sundo ni Seth si Jade.

Hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay ni Jade.

Ang birthday ni Seth.

September 12.

Abalang abala si Jade sa small surprise party niya para kay Seth. Katulong niya dito ang mga kaibigan ni Seth na sina Alex, Alvin, Jepoy at Joshua

"Alex, yung cake nasan na dun mo ilalagay sa gitnang table ha? Jepoy pakitawagan mo naman si Seth itanong mo kung nasan na siya" di mapakali si Jade dahil kinakabahan siya.

Nandito din ang mga kapatid niya. Syempre dahil sa bahay nila itong maliit na surprise para kay Seth.

"Jade! Malapit na daw siya! Nasa entrance na daw siya ng village!" Sigaw ni Jepoy.

Kasi ngayon lang may nanligaw sa kaniya kaya ngayon lang din siya sasagot ng 'oo'

"Pare happy birthday!" Si Joshua yun.

Nasa labas sila ng bahay.

"Ang tagay ni Seth Jairo ha!" Malokong sigaw ni Jade

"Naiinip na yung 'oo' ko dito!" Parinig pa nito

Bumukas na ang pinto.

"Napakinig kong may sasagot na daw sakin ng oo ah?" Asar nito kay Jade.

"Ayaw mo ba? Okay lang kung ayaw mo" pang aasar din ni Jade kay Seth.

Tumawa lang si Seth.

"Ako? Aayaw sa matamis na oo ng isang prinsesang katulad mo? Oo alam ko gwapo ako pero di naman ako bobo Jade" pag papatawa nito.

"Eto yun eh. Yung kahit mayabang at maangas siya. Kahit badboy siya. Eto yung gusto ko sa kaniya" Bulong ni Jade sa isip niya.

"I love you Seth" pagkasabi niya ay niyakap niya ito.

Namilog ang mata ni Seth at namula ito ng sabihin ni Jade ang magic words.

"Hep hep! Hanggang yakap lang!" Pag aawat ng Kuya Ian niya sa kanila

"Yes boss" nakangiting sagot ni Seth sa kaniyang kuya Ian.

Panganay si kuya Ian. So he's the boss.

"Thankyou tito Gj. Thankyou tita Reb" nangingilid ang luha ni Seth.

"Para kang bakla. Wag ka nga umiyak" pang aasar ni Jade kay Seth

"Tita, tito. Baka naman po pwedeng mahiram ko muna girlfriend ko?" Tanong ni Seth sa magulang ni Jade

"Ian, pahiram daw sa baby girl mo" sabi ng daddy ni Jade sa panganay na kapatid nila.

"Pano kung ayaw ko?" pagmamasungit ng kapatid nito.

"Kuya Ian naman eh!" inis na sagot ni Jade sa kuya niya

"Joke lang naman. Bring her back before dinner. Dito ka na mag dinner. I'll cook" seryosong sagot ni Ian sa kanila.

"Magluluto ka? Kuya are you sick?" Pang aasar ni Jade sa kapatid niya.

"Ha ha Jade! Ha ha" asar na sagot ng kuya niya.

"Magbibihis lang ako" paalam ni Jade at tumaas na sa kwarto niya.

Habang nag bibihis naman si Jade ay kinausap ni Ian si Seth

"I know you. Kapatid ka ni Samuel. Kilala ko ang ugali niyong magkapatid. Lokohin mo kapatid ko. Hindi lang bugbog aabutin mo sakin" seryosong banta ni Ian kay Seth

Pinagpawisan si Seth sa takot at kaba.

"Hindi ko po sasaktan si Jade. Hindi ako katulad ni kuya" sagot ni Seth kay Ian

"Hey. Kuya talaga! Di ka pa din ba nakakamove on na pinaiyak ni Samuel yung bestfriend mo?" Bungad ni Jade pagkababa niya.

"Shut the fvck up Jade!" Galit na sigaw ni Ian sa kapatid niya

"Ian! Watch your words!" Sigaw ng mommy ni Ian.

"I'm sorry mom. Nakakainis kasi si Jade" asar na sabi ni Ian sa mommy niya.

"Sinong bestfriend mo kuya Ian?" Tanong ni Seth kay Ian.

"Si Kassidy. Kassidy Grace Dy" matamlay na sagot ni Ian kay Seth

"Si ate Kassi? Siya yu--"

"Yeah. She's the one who died for your brother!" Galit na sagot ni Ian

"Ian. It's been a year. Hayaan mo na. Natapos na eh. Hindi na natin maiibalik si Kassidy kahit pa magalit ka kay Samuel" mahinahong sabi ng mommy Reb nila.

"But mom. Masakit pa din. I'm his bestfriend! Mommy bestfriend niya ko pero wala akong nagawa para ipagtanggol siya!" Pumiyok ang boses ni Ian sa pagkakasigaw.

Tumulo ang luha niya.

"Sayang lang si Kassidy eh" galit na si Ian at tumayo na.

"Aalis muna ako. I'll be back. I'll just visit my love" nakangiti ngunit malungkot ang matang saad ni Ian.

"Keep safe baby" pahabol ng mommy nila.

"Yes mom. I will" sagot ni Ian at nag drive na papunta sa 'my love' niyang si Kassidy

"My love?" Tanong ni Jade sa mommy niya

"Si ate Kassidy mo. Kassidy's your brother's first love. Childhood bestfriend and also childhood love honey" sagot ng mommy nila

Di niya alam yun.

"Sige na bunso. Alis na kayo para makauwi agad kayo" nakangiting sabi daddy nila.

"Bye dad. Bye mom" paalam ni Jade at kumiss na sa pisnge ng daddy at mommy niya.

"Let's go. Tito, tita. Sige po. Aalis na po kami" nakangiting paalam ni Seth

"Ingat kayo mga anak" sabi ng mga magulang ni Jade.

"What the? New car?" Napatakip ng bibig si Jade.

"Yeah. Mom's gift" nakangiting sagot ni Seth.

"So, let's go?" nilahad ni Seth ang kamay niya at pinagbuksan ng pinto si Jade

"So sweet naman"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Sweet FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon