3

17 0 0
                                    

Chapter Three

Manliligaw po sana ako kung okay lang sa inyo.

Nang makababa na sila ng jeep ay hinatid ni Seth si Jade hanggang sa bahay ng mga ito.

"Good Afternoon po Ma'am Jade" bati ng katulong ng mga ito at pinagbuksan sila ng gate.

"Pasok ka muna Seth" aya ni Jade sa kaniya.

Nahihiya man siya ay hindi na siya nakatanggi marahil gusto din naman niya

"Ate Ayen andyan si Daddy?" Tanong ni Jade sa kasambahay nila.

"Wala po ma'am. May business meeting daw po sila sa Laguna. Si Ma'am Rebecca po nasa office ng daddy niyo" nakangiting sagot ng kasambahay nila.

Napasimangot na lang siya nang marinig niyang wala na naman ang kaniyang daddy. Palagi na lamang wala ang daddy niya.

"Bakit ang lungkot mo bigla?" Tanong ni Seth sa kaniya.

Ngumiti siyang bahagya para itago ang lungkot at humarap kay Seth.

"Wala. Gusto mo mag lunch muna?" Tanong nito kay Seth.

"Sige ba" nakangiting sagot ni Seth sa kaniya.

Nagluluto siya ng pagkain nang mapakinig niyang nagbukas ang pinto ng library nila o ng office ng daddy niya. Ibig sabihin non ay wala nang ginagawa ang mommy niya.

"Mommy! I'm cooking lunch for us! I have a friend here!" Sigaw niya sa mommy niya.

"Very Good ang baby girl ko" hindi maalis ang ngiti niya sa sinabi ng mommy niya.

Kahit hindi siya ang bunso ay siya pa rin ang pinaka-inaalagaan sa kanilang magkakapatid. Siya pa rin ang pinaka-favorite ng mommy nila.

"Mommy si kuya Ian po?" Tanong nito sa mommy niya ng makaupo ito sa dining area

"Nako nandun sa tito Chan mo. Nakikipaglaro ata. Palibhasa lumaki na yon na palaging si tito Chan at tita Peach niyo ang kasama eh" natatawang sagot ng mommy niya.

"Ay. Mommy, si Seth nga pala. Classmate namin ni Jm. Seth, si mommy Rebecca. Mom ko. Ganda niya diba? Mana ako dyan" tumatawang pakilala niya sa mommy niya at kay Seth.

"Good afternoon po tita" bati ni Seth sa mommy niya.

Ngumiti ang mommy niya.

"Good afternoon din hijo" bati din ng mommy niya.

Napansin niyang kakaiba ang ngiti ng mommy niya.

"Hijo, nililigawan mo ba ang anak ko?" Nakangiting tanong ng mommy niya kay Seth.

Namula naman si Seth kaya napatawa ng mahina si Jade habang nagluluto.

"Actually tita an--"

"I'm home! I smell my queen's scent and my princess' cooking!" Masiglang sigaw ng daddy ni Jade.

Tumigil si Jade sa pagluluto at dali daling tumakbo sa pintuan para salubungin ng yakap ang daddy niya

"Dad! You're home already! I miss you!" Masiglang bati ni Jade sa daddy niya at niyakap niya na ito.

"Ofcourse! I don't want to miss the talk of my wife and daughter about her first day at her new school!" Nakangiting sagot ng daddy niya.

"Dad, he's Seth Jairo Tan. A friend of mine. Classmate namin ni Jm" nag aalinlangan kong pakilala kay Seth

"GJose Sy. Hijo, daddy ni Jade. Nanliligaw ka ba sa anak ko?" Agad na tanong ng daddy niya.

"Ho?" Nabigla naman si Seth sa tanong kaya pinamulahan muli ito gaya ng pamumula niya kanina nung tinanong din iyon ng mommy ni Jade.

"Wag ka mahiya hijo" sabi ng mommy ni Jade.

Napailing iling na lang si Jade. Pang ilan na ba si Seth sa mga tinanong nila? Pang pito na ata? Aba! At lahat sila hindi takot kay daddy! Pero kay kuya Ian? Lagot na!

"Dad? Mom? I'm home" speaking of kuya Ian.

"Kuya! We're here!" Sigaw ko sa kaniya.

"Hey! Sup little girl? So how wa--

Wait. Who is he?" Tanong ng kuya Ian niya.

"Kuya, he's Seth" pakilala nito.

"I know him. Seth Jairo Tan. You know what I mean about my question Rebecca Jade" matigas na sabi ng kuya nito.

"Manliligaw po sana ako kung okay lang sa inyo" determinadong sagot ni Seth sa kanila.

"What?" Natatawang tanong ng kuya niya.

At alam niya ang ibig sabihin ng 'what' na iyan. Yan yung famous 'what' ng kuya Ian niya na nakakapagpa-atras sa lalaking gustong manligaw sa kaniya.

"Ako po si Seth Jairo Tan. 16 years old. Manliligaw po sana ako kay Rebecca Jade Sy. Pumayag man po kayo o hindi ay determinado akong paninindigan ko ang desisyon kong ligawan si Jade" napatigil si Ian sa pagtawa sa sinabi ni Seth

"Are you fvcking serious?" Tanong ni Ian kay Seth

"Yes sir. I am" mahinahong sagot nito.

"Let him Ian. Stop being too protective. Your sister's already 16" suway ng daddy nila.

Nakahinga ng maluwag si Jade dahil payag ang daddy niya.

My Sweet FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon