Hanggang sa school dala dala ko parin ang mga binitiwan niyang salita nung nakaraan.
Sa totoo lang Daniel, Crush kita at inlove na ako sayo. Hindi ako makapagpigil. sa tuwing katabi kita napapasaya mo ko at yun ang dahilan kung bakit naglelevel up ang pagtingin ko sayo. Kahit na minsan alipin lang ako sayo. Oo, pinababayaan lang kita nagmumukha akong tanga. Minsan nag- assume ako na may crush ka sakin kaya mo ko laging inaasar. Yun agad ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko akalaing magkakagusto ako sa isang kagaya mo na badboy at ako naman isang goodgirl.
Nakita ko si Daniel. Kinilig ako pero hindi ako nagpahalata. Sa ngayon hindi pa alam ng mga kaibigan ko about kay Daniel, na yun nga na crush ko siya. Ayoko kasing may ibang makaalam at nakakahiya pag nakarating pa to kay Daniel.
Saka maaaring iwasan ako ni Daniel pag nalaman niya yun. Nangangamba lang naman ako mas okay na yung wag umamin at least makakasama at makakaasaran ko pa siya ng matagalan, diba. Hindi yun tulad ng iba dyan desperada.
Maganda kayang magkamoment with your crush. kaya dapat sinusulit hindi tinitipid. Haha!
Eto nanaman, magkatabi na ulit kami sa chair... Syempre ako naman yung hindi nagpapahalata.
Maya- maya eto nanaman siya, kinakausap nanaman ako at nagsimula na kaming magkwentuhan. Marami kaming pinag-usapan about sa ganire ganyan. With matching jokes. Alam niyo naman si Daniel, palabiro yun yung nagustuhan ko sa kanya. Napapasaya niya ko ng hindi niya alam.
Minsan naman may mga kinikilos akong parang nakakahalata na siya. Kaya minsan pag nagjojoke siya, kunwari naiinis ako pero may pagkakataon na hindi ko mapigilang tumawa dahil nga! Sino ba namang hindi matutuwa pag crush mo na ang nangungulit at nangsusuyo sayo.
Oh! Kayo? diba ganun din kayo....... Relate kayo noh?! Alam niiyo na yung feeling na ganon. Yung hindi ka makahinga.
Deep inside, umaapaw na ang feelings ko.. Kaechozan ko daaay!
Lumipas ang 2 buwan...........
Pinaalam ko sa mga kaibigan ko na crush ko si Daniel, nabulagta naman si Arabelle nang binanggit ko yun.
Conversation:
Time: Recess
(Arabelle & Danes)
"Haaah? crush ko din yun DATI eh." sabi ni Arabelle.
"Oh?! haha! Dati naman yun eh. Hindi ngayon haha." nakangiti kong sabi.
Dun natapos ang pag-uusap namin dahil gutom na gutom na kami takbo agad kami sa canteen kanin agad ang kinain namin.
Then,
Alam narin ni Alexandra ang tungkol sa crush ko.
Pag nga nang aaway at nang-aasar si Daniel eh.
Agad nilang sinasabi toh : "Ayiiiee, nag-away nanaman kayo para kayong aso't pusa"
"Nakooo!! Daniel, tigilan mo yan baka magkatuluyan kayo niyan"
Ganyan ang mga naririnig ko sa mga kaklase ko.
Sa tuwing naririnig ko naman yun, napapatingin ako sa reaction ni Daniel.
"Uy hindi ah! Ang corny niyo" nakangiting sabi niya.
Agad naman ako napapaisip na baka may crush nga sakin si Daniel kaya ganito siya. Pero may posibilidad naman na hindi kase lagi kaming hindi magkasundo... Saka imposible talaga. IMPOSIBLE! nag aasume lang ako.
Sa ngayon reagular ang klase at may pinasulat ng lecture para saming lahat.
Ako ang secretary kaya naman ayun ako nagsulat...
Then tapos na........
Kinopya ko narin sa notebook tapos naaaaa...
Tas may nakaupo sa upuan ko, si Daniel.
Eh may nakaupo din sa upuan niya... Kung wala, dun sana ako uupo.
Eh no choice kaya naman umupo ako sa bandang likod na upuan sa likod ni Daniel.
(Upo)
"Uy Danes! pasulat naman oh.. sige na konti lang." sabi niya
"Ano ka hah? masyadong pinagpala.."
"Sige nanaman oh, konti lang naman sige naaa.." nagmamakaawa pero nakangiti.
"Oh sige na nga" Nakangiti ako ng nakakaloko.
Magmukha na akong tanga okay lang basta kasama ko siya at katabi ko siya. Malulungkot ako pag nag-iba na ng seating arrangement. Magrereklamo ako.
Ganto yun guys, napamahal na kasi ako sa kanya.
Binigay niya sakin yung notebook niya at kinuha ko naman.
Sinulatan ko na, pero hindi ko pa natatapos halos wala pang kalahati ang nasusulat ko. Ang kulit niya kasi eh sabi niya KONTI LANG!
Edi kinontian ko nalang.. haist! talaga tong Daniel na toh...
Nayamot sakin ah.. Pero kunwari lang yun. Alam ko na moves nun eh. Syempre!
********************
Note:Just keep on Voting & Comment... Kung gusto niyo yung kwento mag vote kayo at sa mga magcocomment sabihin niyo lang kung gusto niyo na ng kalagitnaan o nagmamadali na ba kayo sa Climax? Just enjooooooy guysss! marerelate talaga kayo.....
Don't worry mag-uupdate ako pag may time.
BINABASA MO ANG
Walang Iba
Teen FictionIlang beses nang nag-away hanggang sa magkasakitan hindi na alam ang pinagmulan, pati maliliit na bagay na napag-uusapan hindi na alam ang pinagmulan. Ngunit kahit na ganito, madalas na 'di tayo magkasundo ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buon...