First Friday mass..
Lahat kami ay pumila at nagsimula na ang First friday mass namin....
Nakatabi ko pa si Daniel.. grrrr hindi ako mapakali
Lahat kami ay seryosong nakikinig sa pari.... at ako hindi makafocus katabi ko yung pinakamaharot na classmate ko ehh.
Kakanta na ng AMA NAMIN, bigla kong naalala katabi ko yung hate ko.
Makikipaghawak ba ako ng kamay dito? hayy tama na nga, baka mapagsabihin pa ako ng maarte nito eh ayoko ng ganon. Walang malisya. First time kong humawak ng kamay sa isang lalaking katulad niya.
Lahat ay kumakanta...
Napatingin naman ako kay Daniel...
Nakangiti siya.
(Sa loob ng Classroom)
Katatapos lang ng Flag Ceremony namin at agad na kaming pumila at pinapasok sa room.
Hinanap ko yung upuan ko.
Hanap........
Hanap.........
Hanap.......
Ayown! nakita rin.....
Kaso bakit parang may problema?
Arrrgghh! No way!! bakit siya pa......
Si Daniel katabi ko?
Hindi pwede yun? Sino naglipat nito? Ayoko ng may katabing maharot. Di ako natutuwa sa mga ganon! NOOOOO!
Di ko tanggap, Pramis!
Nakatayo parin ako at hindi makapaniwala na katabi ko siya ngayon at kaharap ko siya ngayon.
At alam niyo ba ang itsura pa niya nakahalf smile. Ako naman umagang umaga seryosong mukha ang ibubungad ko sa kanya.
Nakita ko nalang siya nakaupo habang ako hawak ko yung upuan ko na parang gusto kong ilipat pero hindi ko naman alam kung saan ko ililipat.
Umupo na rin ako kesa naman magsayang ako ng oras para tumayo. Upong napilitan lang ang peg.
Hindi naman kami nagpalipas ng oras ni Daniel na mag-usap.... Una talaga hindi ko siya kinikibo pero nang matagal tagal na nakukuha na niya ang atensyon ko hanggang sa nasanay na akong makihalubilo sa kanya pero may inis parin ako sa kanya.. Konti nalang mga 50%.
Hindi katulad ng dati 101.99% overload na!
Conversations:
(Danes & Daniel)
Danes: Uy! may kilala ka bang Arabella Sotocua?
Daniel: Oo! naging RR (Romantic Relationship) ko nga yun eh.
Danes: Oh? weeeh?! hahaha Bestfriend ko yun nung kinder 1 kami eh. Bait kaya nun
Daniel: Alam mo ba dati nareport kami niyan eh, RR. Talagang pinatawag kami sa guidance.
Danes: (nakikinig ng mabuti kay Daniel) Oh?!
Daniel: Oo nga, kasi ganto yun....
Yun nga pinatawag kami tas iniyakan ko yun si Ara. umiiyak ako sa harap ni Maam yolie.
Danes: Hahahaha! talaga? umiiyak ka pala!
Daniel: Oo naman! mahal ko yun eh si Ara.
Danes: Hanggang ngayon? eh kaso pano ba yan nasa ibang bansa na siya?
Daniel: Oo nga eh. Sabi niya walang iwanan.
Danes: Grabe Daniel hindi ko alam na ganon pala ang ugali ng isang Daniel, iniiyakan yung babae hahaha!
Daniel: (Nakangiti lang)
Agad namang naputol ang usapan na yun...... Para bang may dumaan na anghel kaya tumahimik sa pagitan naming dalawa.
Kaya ako na ang nagsimula ng usapan. Ang sarap niya kasing kausap.
Conversation:
(Danes & Daniel)
Danes: Uy! ilan kayong magkakapatid?
Daniel: apat!
Danes: Talaga? Ang sipag ah!. Aang sipag ng magulan hah! hahaaha
Daniel: Hahaha!
Daniel: Ako nga lang mag-isang lalaki eh. Yung ate ko dito nag-aaral 4th year yung panganay
tas yung pangalawa 3rd year naman yung sumunod 2nd year na.
Danes: Ah! May pinsan naman ako dito 2nd year din. Tanong mo nga sa ate mo kung may kilala siyang Jennilyn Santos?
Daniel: Hmmnn Sige! Eh Ikaw ba ilan kayong magkakapatid?
Danes: Hah! Ako? wala akong kapatid ako nga lang eh!
Mali pala yung pagkakakilala ko kay Daniel, mali pala yung expectation ko na ganito, ganire. Narealize ko na may mabait side din siya. Nakakatuwa naman minsan. Tinamo di ko akalain na unang araw palang na magkatabi kami may alam na kami about sakin at sa kanya. diba!
Tapos di na namin namalayan Dismissal na........
~~~~~~~~
Authorhanggang dito muna, guys ........ Just wait for updates LOVELOTS
BINABASA MO ANG
Walang Iba
Novela JuvenilIlang beses nang nag-away hanggang sa magkasakitan hindi na alam ang pinagmulan, pati maliliit na bagay na napag-uusapan hindi na alam ang pinagmulan. Ngunit kahit na ganito, madalas na 'di tayo magkasundo ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buon...